Eighty: Felix

4.6K 180 13
                                        

Samantala sa labas ng palasyo ay napapalibutan ng mga sundalo sina Tara at Felix. Hindi nito akalain na naroon na pala ang hari at nakahanda sa kanialng pagdating.

Napatitig si Tara kay Haring Fergun. As sa nakapalibot na libo libong sundalo sa kanila.

"Felix, Felix...Hanggang ngayon ba naman ay hindi ka pa rin natoto? Akala mo ba ay maitago mo sa akin ang mga palihim mo na gawain? Kasama ng iilan mong mga traydor na kaibigan?" Nakangising sabi ni Haring Fergun, may kislap ng kalupitan ang mga matang nakatingin kay Felix.

"Ipapakita ko sayo Felix ang kinahahantungan ng mga taong nagtraydor sa akin." Sabay senyas sa tauhan. Nahawi ang mga sundalo sa kanang bahagi ng hari, napatingin doon sina Felix at Tara. Parehong kinakabahan.

Natulala si Felix sa nakita. "M-Markus?" Naninikip ang dibdib na sambit ni Felix, naroon ang labis takot sa mukha. "B-bakit nandito ka pa?!! Bakit hindi ka umalis at sinunod ang utos ko?!!" Nanlilisik ang mga matang sigaw ni Felix, nanginginig ang katawan nito sa takot para sa anak lalo na at duguan ang buong katawan nito, halos hindi na makilala sa daming pasa, sugat at dugo sa mukha nito. Nakagapos sa likod ang dalawang kamay at nakaluhod sa lupa.

"D-daaad, sorry! Hindi ko kayang iwanan ka...kaya bumalik ako..."

"Hahaha! Isang uliran at mapagmahal na anak," nakangising sabi ni Haring Fergun, "diba Felix?"

"Hayop ka Fergun! Isa kang demonyo! Kinuha mo na ang lahat sa pamilya ko! Ang kayamanan at kaharihan ko! Ang pamilya at buong angkan ko! Magbabayad ka Fergun. Magbabayad ka. Papatayin kita! Dadanak ang dugo mo sa lupain ito. Hindi ako titigil hanggang hindi mauubos kahit huling patak ng iyong dugo ay hahalik sa lupa bilang kabayaran sa mga kahayupan mo. Magbabayad ka sa ginawa mo sa mga mamayan ng Tuskan!" Tiimbagang na sumpa ni Felix, nanginginig ang katawan nito sa galit. Puno ng puot ang mga mata pero naroon ang determinasyon, determinasyon na pagbayarin si Haring Fergun sa mga kasalanan nito.

Nakita ni Haring Fergun ang hitsura ni Felix, natigilan ito. Nakaramdam ng takot. Dahil na rin sa nararamdamang takot kaya galit na nag-utos ito.

"Patayin ang bihag!" Isa sa mga commander ni Haring Fergun ang agad na sumunod sa utos. Tinanggal nito ang espada at itinaas para putulin ang ulo na Markus, sabay baba.

"Zhingg!"

Natulala si Felix, hindi makagalaw.

"Tsug! Tsug! Tsug!" Tunog ng ulong nalaglag sa lupa at gumulong.

Gustong pumikit ni Felix, ayaw tingnan ang anak pero hindi nito ginawa.

Laking gulat nito ng makitang tatlong ulo ang bumagsak.

"Mga Ginoo, Ako na ang bahala sa bihag ninyo." Magalang at nakangising sabi ni Tara. Sabay hawak sa baywang ni Markus at mabilis pa sa kidlat na bumalik sa gilid ni Felix, bitbit si Markus. Ang duguang espada ni Tara ang ginamit nito sa pagputol sa lubid na nakatali sa dalawang kamay ni Markus, na siyang ginamit nito sa pagputol sa ulo ng dalawang bantay na sundalo at isang commander ni Haring Fergun.

"My lady! P-paano–?"

"Relax. Ako ang bahala sa mga sundalo, ibibigay ko saiyo ng buong-buo si Haring Fergun." Nakangiting sabi ni Tara.

"Dad, wag mo akong alalahanin. Kaya ko pa ring makipaglaban." Sabi ni Markus na pilit na tumayo

"Kill!" The king command
Kalmadong tiningnan ni Tara ang paligid. Saka nagsalita. "Golden Grass blades!" Mabilis ang mga pangyayari, basta nalang may talahib na biglang tumubo sa paligid ni Tara, tumubo ng tumubo iyon hanggang sa umabot iyon hanggang baywang. Huminto sa paglaki ang mga talahib, at pagkatapos ay nagbago ito ng kulay. Ang kaninang berde ay napalitan ng dilaw. Unti-unting nangalagas ang dahon.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon