Pagkatapos makausap ang mga kaibigan ay nagpaalam na rin ang mga magulang ni Brynna na nakasama nito sa silid upang magkapagpahinga.
Bago natulog sa gabing iyon si Brynna ay nakabuo na siya ng desisyon. Gagamitin niya ang impluwensiya ng kanyang mga magulang upang agad na matapos ang kailangan niyang gawin sa Palan. Ayon nga kay Tara there is no need to hide kaya gagamitin niya ang pinakamabilis na paraan.
Kinabuksan ay maagang nagising si Brynna. Suot ang simpleng berdeng damit saka mas maingat pa sa magnanakaw na lumabas sa malapalasyong bahay ng mga magulang. Iisa lang ang daan na tinatahak ni Brynna, ang daan patungo sa pamilihan.
Pal'wan, City of Palan
Sa pamilihan ng Pal'wan ay kakabukas palang ng mga tindahan ng makarating si Brynna. Dahil
maaga pa ay hindi pa gaano karaming taong namimili, pero ang mga merchants ay abala sa pagbubukas at pag-aayos ng mga paininda. A few more minutes, the street will be bustling with activities. Even now, street vendors started arriving.Tinahak ni Brynna ang pinakamalaki at pinakatanyag na tindahan ang Orbs and Herbs kung saan namimili ang mga HealerMages ng Palan. May mga modernong gamit si Brynna na dala na galing pa sa ibang mundo. Mga gamit na hindi pa nakarating sa Elvedom. Pero kahit na ganun pa man ay may mga kailangan pa rin siyang bilhin na gamit para sa kanyang gagawing laboratoryo. And this is the store where she can buy what she needs.
Pagpasok palang ni Brynna sa malaking tindahan ay sinalubong na kaagad siya ng isang magandang dalaga na nagpakilalang si Cindy at nakangiting binati si Brynna saka tinanong kung ano ang kailangan niya.
"Magandang umaga rin. Kailangan ko sana ng mga kagamitan sa aking laboratoryo." Nakangiting sagot ni Brynna.
"In that case you are in the right place. How can I properly address you my lady?"
"Oh! Brynna. Just call me Brynna."
Nakangiting muling nagsalita si Cindy. "Kung ganun Miss Brynna, dito po tayo.
Maraming silid ang tindahan. At sa bawat silid ay may iba-ibang paninda. Dinala si Brynna ni Cindy sa isang silid kung saan nakadisplay ang iba't-ibang gamit para sa panggagamot. Tuwang-tuwa naman si Brynna na inusisa ang nga nakadisplay. Pag may nagustuhan ito ay agad na sinasabi kay Cindy na tuwang tuwa naman sa dami ng binili ni Brynna. Lalo na at ni hindi man lang nagtanong ito kung magkano ang presyo.
Sa isip ni Cindy kahit simple lang ang damit na suot ng kustomer nito ay halata naman sa bawat kilos nito na hindi ordinaryong mamayan lang.
Habang nakatuon ang pansin ni Brynna sa pagpili ng mga nais pa sanang bilhin na gamit ay biglang may pumasok na dalawang babae sa loob ng silid. Hindi sana matawag ang pansin ni Brynna kung hindi malakas ang boses ng isa sa dalawang babae. Pero hinayaan niya ang dalawang malakas na nagkukwentuhan hanggang sa makita siya sa mga ito.
"Bakit may ibang tao dito?" Galit na tanong nito sa nakatukang mag-asikaso sa mga ito. "Hindi ba ipinaalam sa iyo na mamimili ako ngayon?"
"Lady Danniella, pasyensiya na po pero nauna po kasi siya na dumating kaysa sa inyo." Mapakunbabang sagot ng saleslady.
"Paalisin mo siya ngayon din! Kilala mo ba kung sino ako ha? I'm Daniella StormCloud!" Pamangmataas na sabi ng dalaga. Noon lang napansin ni Brynna kung bakit parang pamilyar sa kanya ang hitsura ng babae. Kaklase niya ito noon sa Academy ng Palan. Mukhang isa na itong HealerMage ngayon.
Habang nakatitig si Brynna dito ay napadako ang tingin ni Daniella kay Brynna kaya nagkatitigan ang dalawa. Biglang kumunot ang noo ni Daniella. Sa mga oras din na iyon ay unti-unti ng dumami ang mga mamimiling pumasok sa tindahan at sa silid na iyon mismo. Namilog ang mga mata ni Daniella ng makilala si Brynn. Saka malakas ang boses na nagsalita, preserver? Ikaw ba yan?"
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasíaLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...