Pagkatapos masigurong naging abo ang lahat na taong naroroon ay saka nalugmok si Rhiwallon sa sahig.
"Wag kang magpalit anyo!" Babala ni Tempest.
Nakaukit sa katawan ni Rhiwallon ang sobrang kalupitan na dinanas nito sa kamay ng hari at mga alagad nito. Makikita doon ang hindi mabilang na sugat at marka ng kadena. Mabilis na lumapit dito si Tempest.
"Salamat Khosani Tempest." Nanghihina man ay nagpasalamat si Rhiwallon.
"Wag mo nang isipin iyon. Kailangan mong magamot kaagad." Dahil sa dami ng sugat nito ay hindi alam ni Tempest kung saan hahawakan si Rhiwallon. Kaya ang ginawa nito ay pinalibutan niya ito ng hangin at pinalutang. Habang ginagawa ito ay pilit na tinatawag sa isip ang kaibigang si Brynna. Kahit malayo ang Palan sa Baltaq ay maari pa rin nilang makontak ang isa't-isa, yon nga lang hindi iyon madaling gawin.
Samantala, nasa gitna ng pagkukwentuhan sina Brynna at ng pamilya nito. Naroon din ang Mama Sola nito. Nasa kalagitnaan ng pagkukuwento si Brynna ng biglang huminto ito sa pagsasalita kaya naman napatingin dito ang lahat.
"Tee?"
"I need your help Bree."
"Bakit anong nangyari? Okey ka lang ba? Alright, activate your stone portal." Walang pagdadalawang isip na sabi ni Brynna. Ang stone portal na sinasabi ni Brynna ay isang klase ng bato na binalutan ng runes. Sa pamamagitan niyon ay maaring mag teleport si Brynna sa kinaroroonan ng isa pang stone portal. Masasabing sa buong Elvedom, tanging sina Brynna, Tara, Seregon at Tempest lang ang meron nito. Pero hindi iyon sigurado dahil walang makakapagsabi sa kapangyarihan ni Lady Kesiya at Reyna Erythrina.
"Babalik ako mama, papa." Paalam ni Brynna, ni hindi hinintay na sumagot ang mga magulang. Kahit naman magsasalita ang mga magulang nito ay hindi rin maririnig dahil sa isang kisapmata ay nawala si Bryna sa kinauupuan nito.
Ang kaliwang kamay ni Tempest ay may bracelet. Ang bracelet ay may mga palawit na ibat-ibang kulay na maliliit na bato. Tinanggal ni Tempest ang isang kulay pulang bato at inilapag sa sahig di kalayuan dito. Paglapag palang nito ay biglang umilaw ang pulang bato. Lumaki ng lumaki ang kulay pulang ilaw. Kung gaano kabilis ang paglabas ng kulay pulang ilaw ay ganun din kabilis itong nawala, pumalit sa ilaw kanina ay isang dalagitang nakasuot ng magandang gown na kulay berde.
"Tee! Anong nangyari?" Agad na lumapit ito kay Tempest, ni hindi tumingin ang paligid. Ipinapakita lang nito ang buong tiwala sa kaibigan.
"Bree!" Nakahinga ng maluwang si Tempest. "Thanks the elements! Tulungan mo ako." Sabay tingin sa weredragoness. "Rhiwallon, ito ang kaibigan ko si Brynna. Isa siyang HealerMage. The best HealerMage." Pakilala ni Tempest kay Brynna. "Bree si Rhiwallon, kaibigan ko."
"My god! It's a dragon! It's sooo-humongous!"
"He he he! 'Huge'lang sapat na Bree!" Biro ni Tempest sa kaibigan.Hindi naman ito pinansin ni Brynna. Nakatuon pa rin ang pansin sa weredraon na nasa harapan nito. "Bakit may dragon dito? Hi!" Bati ni Brynna kay Rhiwallon. Hindi pa man nakasagot si Rhiwallon ay muling umarangkada ang bibig ni Brynna. "Anong nangyari sa kanya? Let me see." Ililagay ni Brynna ang isang nakabukas na palad sa dibdib ni Rhiwallon. Mula sa kamay niyo ay may lumabas na puting ilaw. Hindi na nagawang sumagot ni Tempest sa tanong ni Brynna dahil nag-umpisa na itong gamutin si Rhiwallon. Sanay na ito sa 'one sided conversation' ng kaibigan. Ganun talaga siguro ang mga 'genius' may pagka-um-weirdo! Nakikipagusap sa sarili.
Napansin agad ni Tempest na ang mga dumudugong sugat ni Rhiwallon ay unti-unting huminto sa pagdaloy ang dugo at hindi nagtagal ay naghilom. Kahit ang mga kadenang nakabaon ay iniluwa iyon ng balat. Nakakabingi ang tunog ng kadenang bumabagsak sa sahig. Hindi nagtagal ay naghilom na ang lahat ng sugat ni Rhiwa sa katawan. Walang naiwan kahit konting bakas ng kadena o piklat sa kaliskis ni Rhiwallon.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasiLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...