"Seryoso ka Tee?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ffusia. Higit kanino man, ito ang nakakaalam kung gaano kalakas ng kapangyarihang hawak ni Haring Archibald. Hindi isang makapangyarihang mage si Archibald, pero ang mga tauhan nito ay malalakas.
"Tee, hindi ba pwedeng pag-usapan muna natin to? Kailangan may detalyadong plano tayo bago pumasok sa kwueba ng leon." Suhestiyon ni Raevel. Hindi sinabi iyon ni Raevel dahil takot ito, kundi dahil takot ito para kay Tempest. Hanggang sa mga oras na ito ay hindi parin pumasok sa isip ni Raevel na sobrang magkaiba at sobrang layo ng antas ng kapangyarihan noon ni Tempest kumpara ngayon.
"Okey." Madaling sang-ayon ni Tempest. Natuwa naman ang apat. "Limang minuto, bilis, magsalita kayo." Di makapaghintay na sabi ni Tempest.
Gustong lumuwa ng dugo ang apat. Magpaplano kung paano pabagsakin ang pinakamakapangyarihang tao sa Baltaq sa loob lang nang limang minuto? Whew! Sisiw!
"L-limang m-minuto?" Parang tangang ulit ni Ffusia. Kung alam lang nito kung gaano katagal niyang pinagplanuhang pasukin ang sandatahang lakas ng Baltaq. Kung gaano katagal pinagplanuhan nilang magkakaibigan para makalapit sa mga Ybut! Kung anong klaseng pagbabalatkayo ang kanyang ginawa! Maraming taon! Tapos – limang minuto?
Walang nakapagsalita sa mga kasama ni Tempest.
"Okey. Time's up! Tara!" Sabay kumpas ng kamay, "sumunod kayo!" hindi na binigyan ng pagkakataon ni Tempest na magsalita ang mga kasama, nauna na itong tumakbo.
Nagkatinginan sina Raevel at mga kasama nito, napapailing na kanya-kanyang takbo at sinundan si Tempest.
"Sorry." Nakangiting hingi ng paumanhin ni Tempest sa mga kasama nang makita ang mga hitsura.
Malayo din ang kanilang tinakbo. Dahil sa kapal ng fogs kaya sinundan ngmga ito si Tempest. Ibig sabihin niyon, kung mabilis ang takbo ni Tempest, ganun din kabilis ang takbo nila.
Pinandidilatan ni Raevel si Tempest pero hindi nagsalita. Natawa si Tempest sa nakitang reaksyon ni Raevel, hindi apektado.
"Akala ko ba susugod tayo sa bahay ng mga Ybut? Parang hindi naman yata tama ang lugar na pinagdalhan mo?" Nagtatakang tanong ni Raevel.
"Hahaha! Hindi nga ito. Nasa Morning Dew tayo. Tara." Sabay baling kay Ffusia na gustong umatras nang makitang humarap dito si Tempest. Dinakma ni Tempest ang braso ni Ffusia saka hinila. Walang nagawa ang isa kundi ang sumunod kaysa naman makaladkad pa ito.
"M-morning Dew?" Nabibilaukang tanong ni Draenen. Tinapik ito ni Raevel sa balikat at hinila na rin. Tahimik na napangiti ni Raevel sa nakitang reaksyon ng mga kasama. Ang nag-iisang prinsesa ng mga Strongbow ay pumasok sa loob ng isang kilalang bahay-aliwan sa Baltaq. Hindi tuloy mapigilang isipin ni Raevel ang magiging reaksyon nang kaibigang si Seregon pagnalaman nito ang pinaggahawa ni Tempest.
Kumatok ng tatlong beses si Tempest. Magalang na yumukod ang pamilyar na babaeng nagbukas ng pinto. Ito rin ang nagbukas noon ng magpunta doon si Tempest. Hindi na nagsalita si Tempest, sumunod nalang ito sa babae.
Gustong magtanong ni Ffusia sa katabing si Tempest pero nag-alangan ito. Dahil pakiramdam ni Ffusia hindi na niya kailangan pang magtanong. Na masasagot din lahat ng kanyang katanungan pagdating sa kanilang pupuntahan.
Pagkatapos ng maraming pasilyong nilikuan ay hindi na malaman ni Ffusia ang pinanggalingan, mas lalong hindi na niya mabilang kung ilang beses na silang lumiko. Naroong lumiko sila sa kaliwa, sa kanan, kanan ulit, kaliwa, kanan...hanggang sa may binuksan ang babaeng nasa unahan nila na maliit na pintuan.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasíaLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...
