Eighty-two: Cave

4.1K 141 13
                                        

This chapter is dedicated to kapreng-bubuyog na kinukulit na ako na mag update na umabot na sa puntong kinakantahan na ako and nidainarda, enjoy your vacation ga!  Sayang at hindi tayo magpang-abot kahit man lang sana sa airport para ma meet kita in person!😚😚😚

~~~~~~~~~~~~

Madilim ang daanan pababa, saglit na huminto si Tara para masanay ang mga mata sa dilim.  Dahil may lahing isang elfo hindi naging mahirap kay Tara na makakita sa dilim.  Pagkaraan ng ilang segundo napansin ni Tara na ang kinatatayuan niya ay isang hagdanang bato.  Pababa iyon at hindi niya kita ang dulo.  Kahit madilim ay nahahalata ni Tara ang gitna ng hagdanan ay may mga bakas kaya nasisiguro niyang palaging may gumagamit sa hagdanan iyon. 

                Masakit sa ilong ang amoy sa lugar na iyon, pero tiniis iyon ni Tara.  Gaano man kasama ng amoy ay mas gugustuhin niya iyon kaysa wala siyang maamoy, kung walang amoy hindi niya matatagpuan ang kanyang hinahanap.  Pagkatapos bumaba sa hindi mabilang na baitang na hagdanan ay sa wakas tumambad kay Tara ang isang harang.

                Tahimik ang paligid.  Sa nakita ay noon napagtanto ni Tara ang dahilan kung bakit tahimik ang madilim na lugar, tanging ihip ng masang-sang na hangin ang kanyang nararamdaman na dumadampi sa kanyang balat.  Iyon ay dahil binabalot ng mahika ang buong paligid.  Hindi agad lumapit si Tara dahil alam niyang hindi ordinaryo ang mahikang bumabalot sa paligid.  Masusing pinag-aralan ni Tara ang mahika, saka niya napansin ang kakaibang klase ng bato sa ibaba ng hagdanan, pero hindi siya sigurado kung ano iyon.  Kinuha ni Tara ang isa niyang patalim at mabilis na itinapon. 

                "Klang!" tunog ng patalim na nahulog sa sahig.

                Napakunot noo si Tara. Hindi tinablan ang mahika, para iyong pader na gawa sa bato.  Kumurap si Tara, pagkatapos ay itinaas ang dalawang kamay saka ikinumpas sa hangin.  Bawat kumpas ng mga kamay ni Tara ay may kulay berdeng sumusunod, idinirekta ni Tara ang kapangyarihan sa mahikang nakaharang.  Walang tunog na tumama iyon sa harang na mahika. Saglit na naglaban ang dalawang kapangyarihan hanggang sa unti-unting napunit ang nakaharang na mahika. 

                Imbes na matuwa ay napakunot noo si Tara, napansin kasi nito na hindi basta-basta ang mahikang bumabalot sa silid.  "Mamaya na kita iisipin, hahanapin ko muna si Andracus!" desisyon ni Tara.

                Dahil wala na ang nakaharang na mahika kaya naririnig na ngayon ni Tara ang maingay na tunog sa lugar. May alulong ng hayop, mga yabag, may sumisigaw, may umiiyak at may umuungol.  Walang takot na pumasok si Tara sa lugar.  Isang napakalaking gawa sa tao na kuweba. May dalawang metro ang lapad ng daanan at mga anim na metro ang lapad ng kuweba at marahil lampas pa sa isandaang metro ang bubong. Sa bawat gilid ay may mga rehas na gawa sa makakapal na kakaibang klase na bakal.  Sa loob ng rehas na bakal ay may mga laman iyon, mga laman na hindi malaman ni Tara kung tao ba, hayop o Orokind. 

It was like a crossbreed between a human and animal. 

Pero ang mas lalong nagpapagimbal kay Tara ay hindi ang mga nakakulong doon kundi ang nilalang na naglalakad patungo sa kanya.  Kung kanina pagpasok ni Tara ay maingay, ngayon na unti-unti na siyang napapansin sa mga naroroon ay mas lalong nag-iingay ang mga nasa loob ng kulungan. 

                Ang nilalang na nasa harapan ni Tara ay matangkad, para iyong isang Orokind pero may malaking kaibahan.  Ang mga Orokind ay crossbreed din, pero hindi ganito ka gwapo!  Ang nasa harapan ngayon ni Tara ay isang napakagwapong elfo!  Mahaba ang puting buhok, malaporselanang kutis, maskuladong katawan at may maitim na mga mata.  Hindi iyon pula o itim ang buong mata na kagaya ng nakasagupa noon nila ni Brynna sa La Fun.  Pero gaano man ka perpekto ang nilalang na nasa harapan ay hindi nito malilinlang si Tara.  Bilang may dugong elfo at lumaki sa Elveden, hindi siya kayang linlangin ng kaharap.  Malayo palang ito ay nararamdaman na ni Tara ang kakaibang kapangyarihan nito.  Hindi niya matukoy ang kakaibang nararamdaman niya sa kapangyarihan ng lalaking elfo. Posible kaya na isa na naman ito sa eksperimento ni Andracus? Pero imposible! Hindi siya naniniwala na kayang gumawa ni Andracus ng ganito ka perpektong lahi, base na rin sa mga kakaibang nilalang na nakakulong sa lugar naiyon. Unless...

Posible kaya na may ibang lahi na elfo maliban sa naninirahan sa Elvedom? Naguguluhan si Tara.

                "May bisita tayo, alam mo bang sa tinagal-tagal ko dito ay hindi pa nangyaring may bumibisita sa lugar ng aking master?" nakangiting sabi ng lalaki habang patuloy sa paglapit kay Tara.  Hindi naitago kay Tara ang paghagod ng mga mata ng kaharap sa kanyang katawan.  Pakiramdam ni Tara ay may mga uod na naggapangan sa kanyang katawan.  At kahit na pinakaayaw at kinatakutan niya ang uod, pinanatiling kalmado niya ang sariling emosyon, hindi na siya ang dating bata na Tara.  Tinandaan din ni Tara na sinabi ng lalaki na 'sa tinagal-tagal'. Ibig sabihin matagal na ito roon. And god knows what the devil they are experimenting in this cave.

                Ngumiti si Tara saka naglalakad na para bang namamasyal sa parke patungo sa lalaki, "Talaga?"  Sa isip ni Tara, pakialam ba niya kung ngayon lang ito may bisita, pasyensiya at busy siya.

Saglit tumalim ang mga mata ng lalaki pero agad din namang nakabawi ito saka ngumiti ng matamis, "kaya natutuwa ako at nakita kita." Ang sabi ng lalaki na ang mga mata ay nakasunod kay Tara.

Pakiramdam ni Tara ay isa itong mandarangkal na kahit anong sandali ay dadaklutin siya at kakainin.  Diba ganun naman ang mga mandarangkal?  Ang mga babaeng mandarangkal ay kinakain ang lalaki pagkatapos makikipagtalik?  Kinakagat ng babaeng mandarangkal ang leeg ng lalaking katalik para maparalisa bago pagpiestahan?  Tara shivered. 

Nang makalapit ay dinaanan lang ni Tara ang lalaki, ni sulyap ay hindi ito dinapuan.  Naningkit ang mga mata ng lalaki sabay biglang gumalaw ang katawan nito.

Kahit mukhang naglalakad sa parke si Tara at parang walang pakialam sa paligid,  ang buong katawan at pakiramdam nito ay alertong-alerto at nakahanda, kaya nang maramdaman nitong gumalaw ang lalaki hindi iyon nakaligtas kay Tara.  Kahit hindi pa nakikita ay naramdaman ni Tara ang maraming mabibilis na bagay na papalapit sa kanya.  Humarap si Tara sa lalaki, ang dalawang kamay ay may hawak na itim na patalim at mabilis na sinangga ang paparating na mga water 💦 bullets. 

Isang watermage! Hiyaw ng isip ni Tara.

Nang magtama ang mga water bullets ng lalaking mukhang elfo at patalim nanhawak ni Tara ay noon nito nakumpirma ang hinala.  Kung ordinaryong mages lang, madali para kay Tara na sanggain ang water 💦 bullets pero ang mga 💦 water bullets ng lalaking mukhang elfo ay malakas at sobrang bilis. Kung hindi nakahanda si Tara at hindi sanay ang kamay na humawak ng kanyang espesyal na patalim ay baka tumilapon na ang hawak na mga patalim at may posibilidad na tamaan siya sa mga water bullets na walang nakakaalam kung anong nakatagong destructive powers ang nasa loob niyon. For all she know, there could be poisons in the water aside from once it hits you, it will make a deep whole into your body.

Nagkatinginan si Tara at ang lalaking mukhang elfo.  Parehong sinusukat ang isa't-isa, walang gumagalaw.

"Hindi na masama." Matamis na ngumiti ang lalaking mukhang elfo, pero para kay Tara para iyong ngiti ng isang mandarangkal.  Muli na namang kinilabutan si Tara.

"Pasyensiya na, may misyon ako.  Hindi ba pwedeng mamaya na 'to?" Pacute ni Tara kahit nanayo ang balahibo sa katawan.  At habang nakikipag-landian sa lalaking mukhang elfo ay hindi nakaila sa pansin ni Tara na tumahimik ang mga nilalang na hindi niya malaman kung tao o hayop sa paligid.

"Hahaha!  Sa tingin mo hindi ko alam ang pakay mo sa pagpunta dito?  Unless you defeat me, you cannot pass!" Wala na ang kaninang matamis na ngiti nito.   Mukhang seryoso na ito sa pagkakataong iyon.

Napakunot noo si Tara, kung alam nito na paparating siya, bakit nag-iisa ito?  Sobrang galing ba talaga nito at mag-isa lang itong kalabanin siya?  Hindi tanga si Andracus.  Tuso at matalino ito.  Alam ni Andracus ang kakayahan niya noon pa man. Imposible namang iisa lang ang tauhan nito, sa dami ng mga nakakulong sa lugar na ito, mas maniniwala pa siya kung may iilang daan itong tauhan na kagaya ng lalaking mukhang elfo. 

Walang balak patagalin ni Tara ang labanan. Kahit maraming tanong na naglalaro sa isip nito ay malakas ang loob nito na nagsabi, "let's end this quickly." Saka humanda. Ang lalaking mukhang elfo ay parang bolang naglaho ang kaninang matamis na ngiti at napalitan ng seryosong mukha.

Tahimik ang paligid, kahit ang mga nakakulong na pinagsamang hayop at tao ay pigil hiningang naghintay sa labanan, nananabik na mapanuod ang pakiramdam nila ay parehong makapangyarihang nilalang.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon