"A Lancaster? How are you related to Duke Brennon?" tanong ng reyna. Hindi kasi nito nakita si Brandon dahil sa sobrang dami ng tao sa loob ng silid.
"His oldest son your majesty."
"Oh!"gulat na reaksyon ng reyna. Madalang kasi na bumibisita ang mga Lancaster sa Palan. "Go ahead young man, speak."
"I can't help but noticed that none of the HealerMages was able to cure his majesty King Agathus. I would like to humbly offer my help your majesty if you are of course willing. I have a friend with me who is a HealerMage. I humbly asked to let her try cure the king."
Sa narinig ay biglang nabuhayan ng loob ang reyna. Di kaya kasama ng binatang ito ang HighMage ng Brun?
"Tatanawin kung malaking utang na loob ang tulong na ito." sagot ni Reyna Clausena.
Nilapitan naman ni Bryan si Brynna saka sinamahan na lumapit sa hari. Tahimik ang lahat habang nanunood ng biglang may isang boses na nagsalita. Nang makita ng reyna ang kasamang HealerMage ni Bryan ay na disappoint ito. Pero binagbigyan nito ang binata.
"Your majesty, the king is still alive. Pero bakit may isang preserver na pinalapit sa hari?" Ani ng boses babae galing sa grupo ng mga mayayaman.
Nagulat ang reyna at napakunot noo saka may halong galit ang boses na nagtanong. "Is this true?" Sabay napatingin sa nagsasalitamg babae, "Who are you?"
"I am Daniella WillowBrook your majesty." then curtsied. "Totoo po ang sinabi ko. Sa katunayan ay kaklase ko siya noon sa Academy. Anak siya ng isang preserver."
"Young lady," umpisa ng reyna na nakatingin kay Brynna. "May katutuhanan ba ang sinasabi ni Lady Daniella?"
"Yes your majesty. Naging kaklase ko siya noong nag-aaral pa ako sa Academy. At totoo din po na ang trabaho ng ina ko ay isang preserver at minsan po tumutulong din po ako sa kanya." amin ni Brynna na hindi nakikitaan ng kaba sa mukha.
"Young Lord, ipagpaumanhin mo pero hind ko maaring hayaan ang isang preserver na gamutin ang aking asawang hari."
Bago pa man nakasagot si Bryan ay muling nagsalita si Brynna. "At bakit hindi your majesty? Anong kinalaman ng pagiging isang preserver ko sa aking kakayahang sa panggagamot? Mas nanaisin pa po ba ninyo na mamatay ang iyong asawa kaysa ipagamot siya sa isang preserver?" kalmadong tanong ni Brynna.
Ang lahat na nakakarinig ay napasinghap sa sinabi ni Brynna. Lahat ay nagalit sa kawalan niya ng paggalang sa reyna.
Namula sa galit ang reyna. Mabilis na inutusan ang mga sundalo na dakpin si Brynna. Pero bago pa man makalapit ang mga ito ay muling nagsalita si Brynna.
"Makinig kayong lahat." Malumanay pa rin na sabi ni Brynna. Hindi tumaas ang boses nito, pero hindi rin naman mahina. "Wala akong oras para sa maliliit na bagay na gaya nito. Isang taon mula ngayon ay babagsak ang Palan dahil na rin ka kapabayaan ninyo. Binalaan na kayo na itigil ang pagsasaliksik ng walang pakundangan sa mga bagay na walang kabuluhan." Sabay tiningnan isa-isa ni Brynna ang mga naroroon.
"Hindi ko ipagpilitan ang sarili ko. Kung hindi ninyo tatanggapin ang tulong ko ay wala akong magagawa. Pero sana tumingin din kayo sa labas ng palasyo. Sa mga kapitbahay ninyo, sa inyong kapaligiran. Dumadami ang bilang ng taong may sakit sa Palan. Ang dating tinitingalang kaharian dahil sa magagaling na Healers ngayon ay wala ng kahit isang matinong HealerMage. Look and see how far this kingdom have fallen. Hahayaan ko kayong magpasya." Natahimik ang lahat sa narinig.
Aalis na sana si Brynna ng biglang magsalita ang hari sa paos na boses.
"Young lady, wait." natigilan naman si Brynna sa narinig. Kahit nahirapan ang hari ay pilit itong umayos ng upo at itinaas ang kamay. "P-pagnapagaling mo ako h-hija, babaguhin at aayusin ko ang aking...m-mga maling d-desisyon na nagawa sa aking kaharian. Tulungan mo akong m-magkaroon ng isa pang p-pagkakataon." bagaman mahina at putol-putol, naramdaman ni Brynna ang katapatan sa sinabi ng hari.
Napabuntonghininga si Brynna saka muling humarap sa hari ngunit ito lumapit sa kinauupuan ni Haring Agathus.
"Consider this a gift your majesty." A coldness flash Brynna's eyes but suddenly vanished. Brynna then, raised her left hand, palm facing towards the king. Brynna's palm emitted a white glow. A white ball of light shoot out from Brynna's palm hitting King Agathus chest. It stop when it contact the skin and then slowly it went inside the kings body until it vanished.
(Pakitagalog naman! Lol)😩✌🏻️
Ang mga tao ay nagulat at natakot sa nakita. Lalo na nang maramdaman ng mga ito ang lakas ng kapangyarihan na nakapalibot sa paligid. Sa lakas niyon ay nahihirapan ang iba na huminga. Hindi pa umabot ang isang minuto ay ibinaba ni Brynna ang kamay at saka tumalikod ng walang paalam.
Hindi agad nakahuma ang mga naroroon, pati na ang reyna. Laglag ang panga ng mga ito ng biglang tumayo ang hari at nagmamadaling hinabol ang grupo nina Brynna. Dahil sa ginawa ng hari ay napilitan si Brynna na huminto sa paglalakad. "Lady, paano ko mababayaran ang iyong pagsagip sa akong buhay?"
Sasabihin sana ni Brynna na hindi na kailangan pero biglang may ideyang pumasok sa isip nito kaya, "Magtatayo ako ng isang Healing House para sa mga ordinaryong mamamayan. Sana ay walang pipigil sa aking plano. At saka kailangan ko ng libo-libong gamot, your majesty, kung ito ay iyong maibibigay ay tatanawin kong malaking utang na loob."
Nagulat si Haring Agathus sa hininging kapalit ni Brynna. Napakaliit na kapalit niyon kumpara sa laki ng nagawa nito sa kanya kaya agad sumagot si Hari g Agathus. "Ipinapangako kong mangyayari ang gusto mo hija. At sisiguraduhin kong bago matapos ang limang araw ay maibibigay ko iyon sa iyo ang mga kinakailangan mo." pangako ng hari saka muli itong nagpasalamat kay Brynna. "Lady, maari ko bang malaman ang iyong pangalan?" tanong ng hari.
"Your majesty, I'm Brynna Lancaster." Magalang na sagot ni Brynna. "Noong akoy bata pa ay nag-aaral ako dito sa Academy kasama ang aking ina-inahan na si HighLady Sola. Pero mas kilala siya sa tawag na preserver Sola sa loob ng sampung taon. Dinala niya ako dito para na rin sa aking kaligtasan. Pagkalipas ng sampung taon ay muli kaming bumalik sa Brun upang makilala ko ang aking tunay na mga magulang na nag-aakalang ako ay patay na. Ang tunay kung mga magulang ay sina Duke Brennon Lancaster at Lyla WingedShadow Lancaster."
Nagulat ang hari sa nalaman pati na ang mga taong naroroon.
Pero kung may mas nagulat man ay wala ng hihigit pa kay Daniella. Nanginig ito sa nalaman. At agad na nagisip ng paraan kung paano humingi ng tawad kay Brynna at kung paano mapalapit dito.
Magpapaalam na sana si Brynna ng biglang may dumating na dalawang tao. Isang babae at lalaki. Ang babae ay kamukhang-kamukha ng reyna kaya kahit hindi pa ito nagpakilala ay alam na ni Brynna ay ito si Princessa Reine. Ipinakilala ng hari kay Brynna ang dalawang anak. Si Prinsepe Rupert at si Prinsessa Reine. Tulak ng kagandahang asal ay magalang na binati ito ni Brynna pero parang langaw lang si Brynna na nagsalita sa harapan ng dalawa. Ni hindi tinapunan ng dalawa ng tingin si Brynna. Nagbago lang ang ugali ng magkapatid ng malamang si Brynna ang dahilan kaya gumaling si Haring Agathus. Saka lang naging mabini ang ngiti ni Prinsessa Reine at noon lang din napagtuunan ng pansin ni Prinsepe Rupert ang angking kagandahang taglay ni Brynna.
Walang kamalay-malay si Brynna na pinagnanasaan na siya ni Prinsepe Rupert.
Nang makaharap ang dalawang magkapatid ay labis na natuwa si Brynna. Dahil hindi niya naramdaman ang kapangyatihan ng HighKing sa dalawa. Talaga lang sigurong ganid at pamangmataas ang prinsepe. Halata naman sa hitsura nitong halos perpekto ang mukha na halatang pinaayos. Wala siyang pakialam kung tatapunan man siya ng tingin niyo o hindi.
Magalang na nagpaalam sina Brynna sa hari saka umalis.
Hindi na napansin ni Brynna ang kakaibang tingin ni Prinsepe Rupert na nakasunod dito.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasyLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...
