"Hey Taryet!" Malakas na tawag ng kanyang squad leader.
Ibinaba ni Tara ang buhatbuhat na isang jar na dadalhin niya sana sa dining hall. Kasama ni Foylan sina Seregon, Tempest, Carlos at Darwin, kaninang pagdaan niya ay tinapik pa ang balikat niya ni Darwin, nginitian ito ni Tara.
Lumapit si Tara sa squad leader niya.
"Sir!"
"Carlos here is the best bowman in our class. He can hit a target at far distance. Now may pustahan kami," kinabahan si Tara sa narinig. "Pag
tinamaan niya ang jar na dala mo, siya ang papalit sa trabaho mo. But if he wins, ako ang papalit. Win or lose you will be the winner. Now, all I need is your approval."
Win or lose I'm the winner eh? Maliban sa isang bagay na kinalimutan nito. A very minute detail. Paano pagsumablay ang tama ni Carlos...at siya ang matamaan? Her squad leader looks so smug na para bang sigurado na ito sa pagpayag niya.
Napatingin si Tara kay Tempest, namutla ito. At si Seregon naman ay napatiimbagang. Sa mga nakapaligid nila ay walang pumapansin sa grupo nila. Napansin ni Tara na hindi nakatingin ang kapatid sa kanya. Mukhang nag-iisip ito. Bago pa man gumawa ng pagsisihan ang kapatid ay uunahan na niya ito.
"Payag ako."
"Alright!" Hiyaw ni Foylan at Carlos.
Bitbit ang jar naglakad palayo si Tara sa mga ito patungo sa open field at hinihintay na patigilin siya, matagal bago niya narinig ang tinig ni Foylan. "That's far enough Taryet! Now put the jar on you head."
Siguro dahil sa malakas na sigaw ni Foylan o dahil nakita ng mga tao doon ang kanyang kinaroroonan at ginawa kaya napukaw ang atensiyon ng mga ito at nakikiusyuso.
Nag-uusap sina Foylan at Carlos saglit bago niya nakitang humanda si Carlos na may hawak na longbow.
Pilit na kinalma ni Tara ang sarili at ang tibok ng kanyang puso. Her attention was solely focus on the tip of the arrow that would soon break the jar. Dalawa lang ang mangyayari. It's either Carlos will hit the jar at maligo siya sa lamang tubig ng bitbit niya o maliligo siya sa sariling dugo if Carlos will put a hole in her head or anywhere in her body.
~~~*•*~~~
Kakapasok palang ni Prema sa malaking gate sakay ang kanyang warhorse ng mamataan niya ang mga Pios. As usual hindi kasama ng mga ito si Tara. Sa mga nakalipas na araw ay hinayaan niya ang mga Pios. Alam din niya ang ginagawa ng Squad leader ng mga ito. Sargent Gilligan report to her everyday. At sa bawat report nito ay naramdaman niya ang nerbiyos nito. Dapat lang.
As one of her military officer kilala na siya ni Sgt. Gilligan. Enough to know na hindi siya sangayon sa ginagawa ng Pios leader sa mga kasamahan nito. It's clearly an abuse of authority. Alam din ni Prema na nagtaka ito kung bakit wala siyang ginawang hakbang sa nalalaman. Siguro maaring iniisip nito na kaya niya hinayaan ay dahil maganda ang trato ng Squad leader na ito sa kanyang apo at sa prinsipe. Kung ano man ang iniisip ni Sgt Gilligan ay nanatiling tikim ang bibig nito. Ganun din ang apat niyang mga kasama. Her loyal Generals.
Prema was aware na nagtataka na ang mga tao niya kung bakit ilang araw na silang tumatambay doon sa border. Pero walang naglakas loob na magtanong. Not even her Generals.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasíaLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...
