Sir Bas, si Taryet ba o Tarieth?" Pakilala ni Darwin sa kanya.
"Tara nalang po. Kumusta po kayo?" Magalang na bati ni Tara na may kasamang bahagyang pagyuko ng ulo.
"Diba parang napakabata mo pa para maging isang Pios neng?" Mukha namang sincere sa loob at walang halong pang-iinsulto sa boses na tanong nito kaya magalang na sumagot si Tara.
"Maaga po akong nag-training Sir Bas."
"Pasensiya na Tara. Naniniguro lang. Kung ganun, magsimula na tayo. Maya-maya lang at maraming gutom na maghahanap ng pagkain dito. Let's move!" Kanya-kanyang kilos ang tatlo. Hindi naman alam ni Tara ang gagawin. Si Darwin ay tumulong sa paghihiwa, si Cyril at Anthony ay naghuhugas ng mga kailangang hiwain. Naiwan siyang nakatulala. For the first time in her life hindi alam ni Tara ang gagawin. Hindi iyon kasali sa naging tarining niya. Sa isang malaking misa ay naroon si Sir Bas, kneading dough. Ilang saglit din niya itong pinagmasdan sa giangawa.
"Kailangan po ninyo ng tulong Sir Bas?"
Natigilan ito saglit saka humalakhak. Nagtaka man pero hindi ito tinanong ni Tara.
Nang mahimasmasan saka ito nagsalita. "Tara, sa liit ng mga braso mo, hindi mo ito kakayanin!" Pero natigilan na naman ito. "Nakatry ka na ba na magmasa ng harina?"
"Hindi pa po, pero sigurado po ako na kaya ko."
"Yan ang gusto ko! Malakas ang loob at palaban. O siya sige, dangan kasi naubusan ako ng harina kaya hinintay ko pang dumating ito. Nakita mo naman ang ginawa ko diba? Babalikan kita, titingnan ko kung kaya mo. Boys, bilisan ninyo!"
Ginaya ni Tara ang ginawa ni Sir Bas kanina, nilagyan ng harina ang kamay at saka hinawakan ang dough at nagsimulang mag masa. Nakakatulong din ang pagtambay niya sa kusina ng Manor. Palagi kasi siyang nanunood habang nagluluto ang mga tagaluto doon.
Pagbalik ni Sir Bas ay tiningnan nito ang gawa niya. Ipinakita nito sa kanya ang dough na tama na ang lambot at elastik nito.
Tagaktak sa pawis si Tara ng matapos sa trabaho. Alam niya kahit hindi siya titingin sa salamin, naliligo siya sa harina. Nangalay din ang kanyang mga kamay.
Ilang saglit pa ay humahalimuyak na ang amoy ng tinapay. Humalo din ang iba pang amoy ng ulam. Nakaramdam tuloy ng gutom si Tara. Kanina pa tapos sa mga ginagawa ang tatlo niyang mga kasama, magkatabing nakaupo ang mga ito. Kaya ng matapos siya ay tumabi siya sa mga ito pero nanatiling nakatayo. Hindi na sila kasya sa upuan.
Maririnig mula sa kusina ang ingay sa dining hall. Mukhang naghihintay na ang mga ito sa pagkain.
"Alright, handa na ang lahat. Tulungan ninyo akong ilabas ito sa dining hall." Mabilis na tumalima silang apat.
Bitbit ang malaking basket ng tinapay ay sumunod si Tara sa mga kasama na nagtulong-tulong sa pagbubuhat ng malaking kawali at kaldero na may lamang ulam at iba pang niluto ni Sir Bas.
Kanina pa hindi mapakali si Seregon. Kanina pa niya gustong sundan si Tara. Pero kung sundan niya ito, baka pagalitan pa siya ng kapatid. Si Tempest din ay nanatiling tahimik. Sa wakas ay namataan ni Seregon ang mga kasamang Pios palabas galing sa kusina. Hindi niya agad nakita si Tara dahil natatakpan ang buong kalahating katawan nito hanggang lampas ulo sa buhat na basket. Puno ng puting parang pulbo ang katawan nito.
Napansin din ito sa mga sundalong naroroon at nagsimulang tumawa ang mga ito sa hitsura ng kapatid hanggang napansin na ito ng lahat. Nanatiling bahagyang nakayuko ang ulo nito, not looking at anyones eyes at seryoso ang mukha.
Nagtaka si Seregon ng biglang tumahimik ang dining hall. Standing at the entrance door is the Commander General ViticiPrema kasama ang apat na matatangkad na lalaki at isang may kaliitang babae na may nose ring. Tagtad din ang tainga nito sa earrings.
Puno na ang mga lamisa maliban sa katabi nila. Lumapit ito sa lamisang bakante at umupo, tumabi dito ang mga kasama.
"Alright! It's reeeaddyyy!" Iyon lang ang hinihintay ng mga sundalo doon at nagsimula ng tumayo ang mga ito para kumuha ng pagkain. Like any military, pumipila ang mga ito.
Tumayo na rin sina Seregon at ang mga kasama niya. Nanatiling nakaupo ang Commander Gen. At ang mga kasama nito. Nakasalubong nina Seregon ang limang kalalakihan na may bitbit na pagkain na nakalagay sa tray. Patungo ang mga ito sa kinaroroonan ng Com. Gen.
Kahit ng dumaan sila sa harapan ni Tara ay hindi ito tumitingin sa kanila. Kaawa-awa ang hitsura nito.
Pagkatapos kumain ng lahat ay muling ibinalik nina Tara ang mga pinaglalagyan ng pagkain. Akala niya kakain na sila pero nagkakamali siya. Kailangan pa pala nilang hugasan ang mga pinaglutuan. Tinapay na ang paningin ni Tara sa lahat ng makita doon dahil sa gutom.
"Kumain na kayo. Maya-maya magluluto na naman tayo para sa hapunan."
Iyon lang ang pinakahinihintay ni Tara. Hindi lang pala siya ang gutom kundi pati nanrin ang mga kasama niya. Surprisingly ang sarap ng mga niluto ni Sir Bas. Kahit tira nalang ang kinain nila at malamig na, masarap pa rin. Habang kumakain napaisip si Tara. Mukhang hindi naman ganun ka sama ang buhay ng mga sundalo dito sa borders. At hindi niya naisip na hindi lahat ng trabaho ng isang sundalo ay puro pakikipaglaban. They also work a lot of mundane task.
Dahil wala sa pagkain ang atensiyon ni Tara kaya hindi niya namalayan na pinagmasdan na ito ng mga kasama at ni Sir Bas. Hindi nakaligtas sa mga ito ang pustura ni Tara habang kumakain. Kahit marusing ito, hindi maikakaila na may manners ang bata. She eat like a noble lady in a royal banquet. And it will not do! The soonest you can wolf down your food the better. Dahil ito ay military barracks, hindi mo alam kung kailan ang susunod mong pagkain.
"Para kayong mga babae kung kumain! Bilisan ninyo!" Nagulat ang apat sa sigaw ni Sir Bas. Noon lang napansin ni Tara na siya nalang pala ang konti palang ang kinakain. Binilisan niya ang pagkain kahit halos mabulunan na siya.
Pagkaraan ng ilang sandali ay muli na naman silang nagsimula sa mga gawain. This time, hinayaan na siya ni Sir Bas na gawin ang pagmamasa para sa tinapay.
Nang matapos ay inutusan siya nitong kumuha ng panggatong sa labas. May maliit na kamalig doon na pinaglagyan ng mga panggatong pero kokonti nalang. Dinala ni Tara lahat ng panggatong sa loob. "Tara hindi ito kasya. Kailangan ko pa ng marami."
"Opo." Sagot ni Tara at muling lumabas.
Wala ng panggatong doon pero may mga kahoy na pwedeng gawin. Tahimik doon sa likod, ni walang dumaan na sundalo doon kaya napilitan si Tara na magsibak ng panggatong.
Oh! The things she'll do for the kingdom! Himutok ni Tara.
Sa labas ng maliit na kamalig ay may malapad na kahoy na nakabaon sa lupa. It was a remains of a cut down tree at dito marahil ginagawa ang panggatong dahil may malaking axe na nakabaon sa gitna mismo ng malapad na kahoy. Sa gilid ay may mga kasing laki ng katawan niya na putol-putol na kahoy. Kailangan nalang na biyak-biyakin niya ito at para gawing panggatong. Ngayon ay magsisibak siya ng panggatong.
Hinugot ito ni Tara ang axe, ang bigat! Mukhang mapapasubo siya nito. Dahil wala namang ibang tao doon kaya itinaas ni Tara ng bahagya ang kanyang manggas not caring kahit nakikita ang kanyang mga tattoo sa kamay, then started to work.

BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasyLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...