Dahil nasa ilalim ng lupa ang mga tao kaya limitado ang naririnig nilang ingay sa labas. Kaya ng makalabas ang mga ito at nakita ang paligid ay noon lang napagtanto ng mga ito kung gaano ka grabe ang snowstorm na dumaan. Lahat ng abot na nakikita ng mga mata ay purong puti. Ang napakatayog na Arcane Tower ay wala na rin. Ang kaliwang bagahi ng palasyo ay bumagsak. Kung ang palasyo na gawa sa matibay na bato ay bumagsak, paano pa kaya ang mga bahay na gawa sa kahoy at semento?Pagkatapos gumawa ng daan ni Seregon ay palihim na umalis si Seregon at bumalik sa tinutuluyan niyang silid. Ang pinto ng bahay ay tumigas pero hindi iyon problema kay Seregon. Deretso si Seregon sa sariling silid at doon namalagi. Lumabas lang si Seregon sa silid nito ng may marinig na ingay sa labas. Naakita nitong naroon sa kuwadra ang mga kasamang stableboy at ibinalik ang mga kabayo. Naroon din si Master Rolly. Lumapit si Seregon sa mga ito para tumulong sana pero pinigilan ito ni Master Rolly.
"Prinsepe Val, anong ginagawa ninyo? Kaya na namin ito. Magpahinga nalang po kayo." Magalang na sabi ni Master Rolly.
Ang ipinakitang ito ni Master Rolly ay inaasahan na ni Seregon. Siguro kung nangyari ito noong sampung taong gulang pa siya ay talagang hindi siya babalik sa kuwadra. Pero maraming nangyari sa buhay ni Seregon na nagpabago sa kanyang ugali. Hindi na siya ang dating Seregon na isang prinsepeng tagapagmana ng truno. Hindi na siya ang batang may mabigat na nakaatang na responsibilidad sa mga balikat. Salamat sa kanyang kambal ngayon ay malaya na siyang gawin ang ano mang gustuhin niya. At natuto na rin siyang makisama sa mga ordinaryong tao.
"Master Rolly, hayaan na po ninyo ako." Saka nilingon ang mga kasamang natigil din sa mga ginagawa at nakatanaw sa kanya. "Tingnan nyo nga mga hitsura ninyo? Valerius man ang pangalang nakilala ninyo, ako pa rin to." Pero nanatiling nakatunganga lang ang tatlo. "ano pang tinatayo-tayo ninyo diyan? Magtrabaho na kayo ng makakain na tayo ng tanghalian!" may kasamang bulyaw ni Seregon na utos ni Seregon sa mga kasama. Napaigtad ang mgakasamahan sa gulat saka nakangiting lumapit si Marlon kay Seregon saka tinapik si Seregon sa balikat. Ganun lang ka simple at bumalik na ang dating ugali ng mga kasama.
Sa sumunod na mga araw ay naging abala ang mga nakatira sa malapit sa kuwadra. Nang malaman kasi ng mga tao kung saan nakatira si Seregon ay kanya-kanyang pasasalamat ang mga ito. May mga nagbibigay ng mga kayamanan may iba naman na nagbibigay ng pagkain. Lahat iyon ay tinanggihan ni Seregon. Hindi sa minamaliit niya ang mga ito. Nag-alala kasi si Seregon na dahil sa nangyaring thundersnow sigurado siyang ang susunod na mga buwan ay mahirapan ang mga mamayan ng Kurlaz. Marami pa rin kasing namamatay na mga hayop dahil hindi naman lahat naisalba. Ang maganda lang nito ay dahil tumigas sa lamig ang hayop kaya pwede pa rin itong kainin. Sa ginawa ni Seregon ay lalo namang bumilib ang mga taga Kurlaz.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang natitirang araw ni Seregon sa Kurlaz ay iginugol niyang kasama ang kanyang dalawang pinsan. Araw-araw ay makikita sa malawak na lupain ng palasyo ang tatlo. Tinuturuan ni Seregon ang dalawang pinsan na kung paano palakasin ang mga kapangyarihan nina Tenere at Lovella.
Huling gabi ni Seregon sa Kurlaz.
Nang magpaalam si Seregon kay Jeddlin. The king decided to have a huge banquet for Seregon. Again Seregon decline. But when the people of Kurlaz learned about this, everyone in the kingdom decided to prepare a fiest for Seregon. Natural walang nagawa si Seregon. Mapipigilan ba niya ang mga mamamayan? Nang araw na iyon ay nagkasayahan ang buong kaharian ng Kurlaz. Habang nasa kasiyahan ay biglang napatingin si Seregon sa kalangitan. Napansin naman iyon ni Tenere."Ano yon Val?"nagtatakang tanong ni Tenere. Nakasanayan na ng mga kaibigan ni Seregon sa pangalang Valerius kaya lahat ay iyon na iyon na rin ang tawag sa kanya ng kanyang mga pinsan.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantastikLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...