Twenty-nine: HealerMage

4.2K 171 4
                                    

Ipinakilala siya sa mga HealerMages doon at sa mga pioneering students na naroroon. Halos lahat ng silid ay ukupado sa mga studyanteng sa kasamaang palad ay nasaktan sa nangyaring paglusob sa university. 

Halo ang naramdamang pagtanggap ng mga naroroon kay Brynna.  May mga mainit, malamig at nag aalangan sa kanya.  But at least no hostility.  Ang pinakahuli na ipinakita sa kanya ni Master Whiteshades ay ang laboratory doon kung saan karamihan sa mga gamit ay doon mismo ginagawa.  Malaki ang laboratory.  Moderno ang mga kagamitan,na kagaya ng Palan.  Sa gitna ng silid ay may mga nakahilirang lamisa na puno ng gamit sa hospital, glass tubes, apothecary bottles, cylinder at iba pa.  May mangilan-ngilan na mga studyante doon, mostly wearing blue robes na kagaya niya.  Ibig sabihin karamihan sa mga ito ay WaterMages.

"Dito sa laboratory, binigyan ng university ng pagkakataon na lumika ang mga studyante ng mga gamot sa iba't-ibang klaseng sakit.  O lumikha ng kahit anong gamot na nakakaganda at nakakatulong sa kalusugan.  Rotation din ang pag-aasikaso sa mga pasyente dito at pagtulong sa laboratory.  Alam mo naman siguro na maraming gagawin dito diba?"

"Yes Master Whiteshades, naintindihan ko po."

Tumango ito at suminyas sa kanya na sumunod siya.   Nasa pinakadulo iyon.  "Ito ang aking working place hija."  Itinuro nito ang nasa white board.  "Ito ang aking bagong eksperimento.  Nang marinig ko ang balita tungkol sa Black Fever na lumaganap sa Brun, nagsimula akong mag research tungkol sa sakit na iyon, hoping I could find a cure.  Pero dahil busy ako hindi ko siya natapos.  Would you like to take a look?" Alok nito.

Excited na lumapit si Brynna dito.  Ang white board ay puno ng mga pangalan ng halamang gamot at kung ano ang maaring magamot nito.  All of them used to threat fever.  Thyme, violet, eucalyptus, ginger, coffee, hibiscus, lemon, willow, meadowsweet, guanabana, linden, tamarind, blackcurrant, apple etc.  "Master Whiteshades, na try n'yo po ba lahat ito?"

"Karamihan diyan hija ay talagang ginagamit ko na sa panggagamot ng lagnat.  Pero hindi ko pa na try lahat na nakasulat diyan.  The most common that I used was the ginger, oregano and willow bark."

"Ang black fever po na kumalat sa Brun ay hindi nagagamot alin man sa mga nakasulat dito Master Whiteshades, at an early stage magagamit po ang Guarana and willow for fever relief but not to cure.  Siguro pag normal black fever.  But black fever caused by a powerful mage.  No.  Base po sa napag-aralan namin ni Master Selene, kailangan ng kapangyarihan ng isang FireMage at WaterMage bago masugpo ang magic.  It is a disease with dark magic.  Kaya hindi siya nagagamot ng hindi muna pinapatay ang mga wormlike creature na nasa loob ng katawan  ng pasyente.  Pagkatapos ay saka namin binibigyan ng gamot.  I used a different specie of Guarana plant at pinaghalo-halo ko po yong iba pa.  Ibinigay ko po sayo ang ingredients."

"I don't know what to say hija.  But thank you."  Halatang natuwa ito.  Sa isang sulok ay may napansin si Brynn na halaman.  Nilapitan niya ito.  "Master Whiteshades, ano pong klaseng halaman ito?"

"Oh! Yan?  Sa lugar namin tinatawag yang bulaklak ng diwata."

"Ano po yong diwata?"

Natawa si Master Whiteshades sa reaksyon ni Brynna.  "White witch."

"A white witch?  Meron po bang white witch?  Diba pareho lang po yon ng isang engkantada?  A powerful being with different kind of magic?"

"Sa pinanggalingan ko ay naniniwala kami.  Sa ibang lugar ay naniniwala sila sa engkantada at alam ko rin ang kwento ng bulaklak ng engkantada ang kaibahan nga lang ay itim ang kulay niyon at puno ng tinik.  It was also said that it can cure any illness.  Pero ang bulaklak ng diwata ay iba hija.  Sinasabing ang lalaking makapitas ng bulaklak ng diwata at maibigay ito sa babaeng kanyang minimithi ay makakamtan nito ang puso ng babae."  She said it with a teasing note in her voice.  Natawa naman si Brynna. 

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon