"Anong ibig sabihin nito? Basta siya nalang bahala sa lahat? Kalokohan!" galit na sabi ng isang council members. Patuloy ang mga ito sa pagkakagulo hanggang sa natigilan ang mga ito ng maramdaman ang paggalaw ng lupa.
"Ano yon?"kanya-kanyang tanong ng bawat isa. Ilang sandali pa ay may isang tauhan ng hari ang dumating. Hamahangos na ibinalita nito sa hari ang nangyayari sa labas. Mabilis naman ang kilos ng lahat at pinuntahan ang tinutukoy na lugar nito.
Naabutan ni haring Jeddlin at ng mga kasama nito si Seregon na nasa malawak na lupain di kalayuan sa palasyo. Ang lupain sa harapan ni Seregon ay parang alon na gumagalaw. Lahat ay nanayo ang balahibo sa nasaksihan at naramdamang kapangyarihan. Lahat ng tao sa kalapit na lugar ay ramdam na ramdam ang paggalaw ng lupa.
Seregon was seated crosslegged on the ground.
Habang pinagmasdan ni haring Jeddlin ang pamangkin ay hindi nito maiwasang manayuan ng balahibo. Isa si haring Jeddlin sa pinakamakapangyarihan sa kanyang kaharian pero aminado siyang wala kahit sa kalingkingan ang kanyang kapangyarihan kung ikumpara sa lakas ng kapanyarihan ng pamangkin. Kahit ngayon habang pinagmasdan ang pamangkin habang nakaupo sa damuhan ay naramdaman ni haring Jeddlin ang lakas ng kapangyarihang lumalabas galing sa katawan nito.
Hindi lang si haring Jeddlin ang nakaramdam niyon, pati na rin ang mga mages na naroroon at pinagmasdan si Seregon.
"Such strong earth power..." hindi napigilang pahayag ni Master Ubaren.
Apat na oras na nasa ganoong posisyon si Seregon. Bago bumaba ang araw ay saka nito ibinuka ang mga mata. Noon lang napansin ni Seregon na napapalibutan na siya ng snow pero isang metro palibot sa kinauupuan niya ay wala kahit konting snow na makikita. Tumayo si Seregon at pinagmasdan ang paligid. Muli ay ikunumpas nito ang kamay, agad namang nahawi ang snow sa nilalakaran nito. Ang isang beses na pagkumpas ng kamay ay nilinis nito ang mahabang daan patungo sa labas ng palasyo. Noon napansin ni Seregon ang hari na papalapit sa kinaroroonan niya. Hinintay niya ito hanggang sumabay ang hari sa kanya.
Ipinakita ni Seregon ang hari sa ginawa niya. Sa harapan ni Seregon ay may dalawang metro kalaking butas. Nagtataka man ay sumunod ang hari kay Seregon. Puno ng pagkamangha ang mukha nito.
Ang butas ay may hagdanan pababa na gawa sa bato. Pababa ng baba ang hagdan hanggang sa makarating sa isang pinakadulo niyon. Noon inilibot ni haring Jeddlin ang paningin. Namilog ang mga matang pinagmasdan nito ang paligid. Ang lugar na tumambad sa kanya ay napakalawak. Kasing lawak ng kanyang palasyo. Nakahanay ang malalaking lamesa at upuan na gawa sa kahoy na may mga dahon pa. Noon napansin ni haring Jeddlin na buhay ang mga kahoy na ginawang upuan at lamesa. Ang ikinagulat sa lahat ni haring Jeddlin ay temperatura sa lugar. "Hijo, napapansin kung mainit dito. Paano mo ito ginawa?"
"Uncle, ang dingding na bato ay nagbibigay ng init." (Rocks around the fire absorb and reflect heat) With Seregons power as a FireMage it is easy for him to heat the stone.
"Oh!" bilid na bilid ang hari sa pamangkin.
"Uncle, pwede mo nang simulang papasukin ang mga tao dito sa loob. Nag-alala po kasi ako na baka biglang lumamig ngayong gabi habang natutulog ang mga tao."
"Gagawin ko kaagad yan. Hijo, hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan sa ginawa mong ito." Senserong sabi ni haring Jeddlin.
"You are family Uncle, there's no need to say thanks."
"Still, thank you hijo."
"Okey lang po iyon." Nahihiyang sabi ni Seregon.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasyLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...
