Sixty two : Blackthorne

5K 237 24
                                    

Blackthorne Manor

Ang sabihing nagulat ay kulang para ipahayag ang naramdaman ni Xander ng sabihin ng katulong dito na nasa baba ang mag-asawang Lancaster.  Xander doesn't care about the Duke of Brun.  Xander knew Duke Brennon Lancaster because he is the Duke of Brun and also because when the Duke was young he was a well-known BattleMage along with his younger brother Brandon.  The two brothers got quite a good reputations with regards to their battle prowess.   But Lyla...Duchess Lyla is different.  She is a close friend of Xander's mother.  They went the same Academy and have been friends since they were both young. 

Nagtataka ngayon si Xander kung bakit narito ang mga Lancaster.  Simula ng mamatay ang bunsong anak ni Duchess Lyla ay naging reclusive na ito.  Ano at narito ito ngayon?

Naabutan ni Xander ang mag-asawang Lancaster na mahinang nagkukwentuhan.  Agad na lumapit si Xander sa dalawa saka bumati.

"Xander!" Nakangiting bati ni Lyla saka niyakap si Xander.  "Look at you!  When did you became a handsome giant?" Nagniningning ang mga matang puri ni Lyla.

Napapahiyang ngumiti lang si Xander.  Di malaman kung ano ang isasagot. 

"Lyla, you are making Alexander uncomfortable." Natatawang saway ni Brennon sa asawa.

"I'm sorry Xander, you took me by surprise.  Ang laki mo na kasi.  Noong huli kitang makita sobrang liit mo pa.  Ngayon sobrang laki mo na."  There was an approval on Lyla's face while looking at Xander.

"Oo nga po, sobrang tagal na rin po noong huli ko kayong nakita.  Kumusta naman po kayo?"

"We are both fine." Sagot ni Lyla.
"Alexander, di na kami magpaligoyligoy pa.  Narito kami ni Lyla para kausapin ka sana tungkol sa gusaling ipinatayo mo na gagawin mo sanang healing house.  Balak sana namin na bilhin iyon." Deretsong sabi ni Brennon.

"Your grace, walang pong problema sa akin.  Pero maari ko bang malaman ang dahilan?  O kung anong plano niyo sa gusali?"curious na tanong ni Xander.  Ang gusaling tinutukoy ng Duke ay ang pinatayo niya na gusali na gagawin sana niyang healing house pero nagbago ang kanyang plano kaya napabayaan niya iyon.

"Tawagin mo akong tita. Wag kang masyadong pormal hijo. Tungkol naman sa sinasabi ko, plano sana namin na gawing healing house." Sagot ni Lyla sabay napasulyap kay Brennon.  "You see Xander, many years ago, nabalitaan mo naman siguro na balitang namatay ang pangatlo kong anak?"

Tumango si Xander bilang sagot.

"It turned out that it was not the case."  Saka sinabi ni Lyla dito nangyari sa buhay ni Brynna.

"Wow!" Di mapigilang bulalas ni Xander. 

"My daughter is a HealerMage.  At plano niyang gamitin ang kakayahan habang nasa Palan siya ngayon." Patuloy ni Lyla.

"If that's the case.  Pumapayag po ako."

"Thanks Xander.  I'll send someone to take care about the payments." Si Brennon.

"You grace, di na po kailangan yan.  Accept it as a gift."

"Mukhang hindi naman yata tama yan hijo." Parang gustong tumangging sabi ni Brennon.

"Hindi ko naman po ginamit ang building.  Mabubulok lang po yon."

"Sigurado ka ba hijo? It's a huge building and you must have spend a lot of money." Nag-aatubiling sabi ni Lyla.

"I'm pretty sure tita." Di matitinag na sabi ni Xander. For him it's just a small matter and there is no need to make a fuss about it.
Kaya naman walang nagawa si Lyla kundi ang tanggapin ang ibinigay ni Xander.
Saglit na nagkuwentuhan ang tatlo bago nagpaalam ang mag-asawa.

"Xander, if you have time, why don't you visit our Manor?  Para ma meet mo naman ang bunso namin?" Aya ni Lyla.

"For sure.  Sigurado po iyon." Nakangiting oangako ni Xander.

Sa loob lamang ng ilang araw ang balita tungkol sa paggaling ng hari ay  lumaganap hindi lang sa buong Palan kundi pati na rin sa ibang kaharian.  Lahat ay nagulat at humanga sa galing ni Brynna.

Naging abala si Brynna sa loob ng limang araw.  Bukas na rin ang malaking healing house nito.  Ang WingedShadow Healing house.  Mula umaga hanggang hapon ay doon ginugol ni Brynna ang  oras sa pangagamot.  Gaya ng ipinangako ni Brynna ang pangagamot nito ay libre.  Tumulong din ang Mama Sola nito sa pangagamot.

Sa tuwing tuwing gabi ay ginugol niya ang buong oras sa kanyang pagbabantay.  Habang papalapit ang sampung araw ay mas lalong naging alerto si Brynna.  Bilang isang EarthMage ay hindi na niya kailangan ng maraming taong magbabantay kung may paparating man na kalaban.  Ni hindi nga niya sinabihan ang hari.  Maliban sa kanyang pamilya ay wala ng nakakaalam sa nakaambang panganib na darating.

Ang kanyang amang si Duke Brennon ay kasalukuyang nasa Brun ay naghahanda rin. Kasama nito ang kanyang inang si Lyla at Uncle Brandon. Ang tanging kasama ni Brynna sa manor ay ang kanyang mama Sola at kapatid na si Bryan. Ang totoo ay hindi naman talaga sigurado silang apat na magkakaibigan kung lulusob ba ang kalaban. Ayon sa sinabi ni Tara ay may sampung araw sila, tatlong araw nalang ang natitira. May tatlong dahilan kaya nagpunta sa Palan si Brynna. Una ay upang ipaalam sa mga magulang nilang apat ang pagbabalik nila. Ang pangalawa ay upang alamin kung kaaway ba ang hari ng Palan. Pagkatapos mapatunayan na hindi ay agad isinagawa ni Brynna ang pangatlong dahilan, ang maghanda ng maraming supply sa darating nandigmaan. At dahil tinulungan siya ng hari na makalikom ng sa tingin niya ay sapat na supply na gamot ay wala ng problema pa si Brynna. Ang tanging gagawin niya ngayon ay maghintay hanggang matapos ang sampung araw na ibinigay ni Tara saka siya pupunta sa Quoria para doon sila magkita. Habang naghihintay ay alerto pa rin si Brynna. Bilang isang EarthMage ay madali na niyang malaman kung may palasok sa kanyang balwarte. Ang mismong lupain ang magbigay alam niyon sa kanya. Sakop ng kanyang kapangyarihan ang buong kaharian ng Palan. Kung may aapak man na kaaway ay agad niyang iyong maramdaman.

Tenth day.

Before the predawn light appeared in the horizon, Brynna was already meditating. It was a sunny morning, there was not even a single speck of cloud in the sky.   All her attention was on the entire land of Palan searching for a single ripple on the land.

There was none.

She couldn't sense any danger.  Tara said at the tenth day. Today is that day. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa Tuskan pero habang nasa Palan siya, sisiguraduhin niyang hindi maapektuhan ang Palan.

Suddenly she felt a tiny ripple.  She felt the sudden pulsing of the earths core.  

Sa buong kontinente ng Elvedom ay iilang tao lang ang nakaramdam ng kakaibang paggalaw ng lupain.  Ang kakaibang direksyon ng ihip ng hangin.  At ang init na nagmumula sa ilalim ng lupa na para bang may bulkang sasabog.  Ang malaking lawa na dumadaan sa iba't-ibang kaharian ay kapansin-pansin ang bilis ng daloy ng tubig.

Napatingin si Brynna sa direksyon ng Tuskan.  Hindi malaman kung ano ang naramdaman.  Alam ni Brynna kung gaano kalupit ng inang mundo kung ito na ang magalit.  When nature hits back in all its fury, it will leave not just devastation and corpses but harsh lessons as well. 

It's starting...

Biglang napalingon si Brynna ng may maramdaman siyang tao sa kanyang likod.  Napakunot noo si Brynna ng makita ang lalaki.  Familiar sa kanya ang mukha nito.

Daig pang nakakita ng multo ni Xander ng lumingon ang dalaga at humarap dito.  Nang makita ni Xander ang magandang mukha ng hindi pa nakilalang si Brynna ay nahigit nito ang hininga.  Kahit ilang taon pa ang lumipas ay hindi nakakalimutan ni Xander ang mukha nito.

It's her!

It's a small world after all...

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon