Sixty five: Council

4.6K 217 31
                                    

                  

Kung nagulat man ang mga taong naroon sa silid ay wala ng hihigit pa sa gulat na naramdaman ni haring Jeddlin at Master Rolly.  Si Master Rolly ng marinig ang sinabi sa binatang nakilala nitong Valerius ay kulang nalang himatayin ito.  Hindi lang dahil tinawag nitong Uncle ang hari kundi dahil agad na tumatak sa isipan ni Master Rolly ang pangalang Narmolanya. 

Sa parte naman ni haring Jeddlin ay sobrang gulat nito hindi lang dahil nagpakilalang pamangkin niya ang binatang nakaharap kundi dahil alam ni haring Jeddlin na matagal ng hinahanap ng kanyang kapatid at ang asawa nitong si Camthaleon ang nag-iisang anak ng mga itong si Seregon.  Sa loob ng maraming taon ay hindi kaila kay Jeddlin kung gaano ka lungkot ng kanyang nakakatandang kapatid sa pagkawala ng anak nitong si Seregon.  Kung totoong ang pamangkin niya ito ay siguradong matututwa ang kapatid.  Sa naisip ay agad na napatayo si haring Jeddlin at mabilis na lumapit kay Seregon.

            "Your highness,,"pigil ni Master Ubaren sa hari.  "Hindi po pwedeng basta nalang kayong lumapit sa lalaking iyan.  Hindi po natin nasisiguradong anak nga po siyang kapatid ninyo."  Saka may ibinulong ito sa hari.  Mukhang nagising naman si haring Jeddlin at hindi na tuluyang lumapit kay Seregon pero hindi rin ito bumalik sa kinauupuan nito. 

            When Seregon saw this, he snorted.  "Wag kang mag-alala.  Kung gusto kung patayin ang sino man dito sa loob ng silid ay hindi ko na kailangang lumapit.  I can kill you even at far distance." Nakakalukong sabi ni Seregon.  Naiinis pero hindi naman niya masisi ang mga ito.  After all, he is a stranger.  Nang marinig ni Master Ubaren ang sinabi ni Seregon ay tumalim ang tingin nito kay Seregon.

            Tumikhim ang hari bago nagsalita.  "Hijo, kung totoong ikaw nga ang pamankin ko, may patunay ka bang maibibigay?." malumanay na sabi ng hari.

            Natigilan si Seregon.  Patunay?  Ano ba ang maari niyang gamiting patunay?  It has been years since he left this world.  "I'm sorry your highness, but I have no proof with me but I can tell you a lot about my parents.  And if you are not convince, you can ask my father.  For almost seven years I have not set foot in Quoria.  By now my parents already know that I have arrived but don't know where I am right now.  But if you tell them where I am right now then the better.  I only have few days left here in Kurlaz.  After that, I will leave and go back to Quoria.  But before I do that, I wanted to tell you something important.  Regardless of whether you believe me or not that I am your nephew it doesn't matter much to me.  All I ask is that you will listen to what I have to say."

            Sa narinig ay napaisip ang hari.  Ilang araw lang ito.  Kung hindi totoong pamangkin niya ito ay wala namang mawawala sa kanya kung makinig siya dito.  Pero kung totoong pamangkin niya ito at hindi niya tinatratong mabuti ay makakatikim siya sa nakakatandang kapatid.  Lalo na siguro sa asawa nitong si Camthaleon.  Sa naisip ay nakapagpasya si haring Jeddlin.  "Alright, sabihin mo sa akin ang gusto mong sabihin."

            "Your highness, nais ko sanang ipatigil mo ang paggamit ng mga Mages sa mga kapangyarihan ng mga ito sa pagbago ng klima." Deretsahang sabi ni Seregon sa tiyuhin nitong hari.

            "Ano!?" kulang nalang ay himatayin si haring Jeddlin sa gulat.  At si Master Ubaren naman ay nanlisik ang mga mata sa galit. 

            "Lapastangan!" sigaw ni Master Ubaren.

            Napuno ng bulong-bulungan sa loob ng silid. 

            "Sino siya para sabihin iyan?"sabi ng isa sa mga naroroong tao.

            "Anong karapatan niya para makiaalam sa kalakaran ng kaharian?" galit na sabi naman ng isa pa sa mga mayayamang naroroon.

            "Seregon, kahit totoo pa na pamangkin kita ay wala kang karapatang hilingin iyan sa akin." Pigil ang galit na sabi ni haring Jeddlin.  "Dahil bago ka pa lang sa kaharian ko kaya kakalimutan ko ang sinasabi mo."

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon