Fourteen: First meeting

4.5K 205 23
                                    

She was wearing a beautiful gown.  Mukhang may iniisip ito dahil ni hindi sila nito napansin.  Halatang malungkot ito. Pagkapasok ay tinungo nito ang pinakaunang kama at pabagsak na humiga doon.

"Well hello Princess!" Si Karess ang unang nakahuma. Napabalikwas ng bangon ang kakapasok na batang babae.

"Hello Ty(tee)!" Bati niya dito. Lumingon ito at nagtama ang kanilang mga mata.  Naglakbay ang mga mata nito sa kanyang kabuuan halatang hindi makapaniwala na naroon siya.

Dahil nasa kanya ang atensiyon nito kaya nagulat ito ng bigla itong yakapin ni Brynna pero agad din na himiwalay.

"Finally! Nagkita na rin tayo!" Excited na sabi ni Brynna.

"Bree! Tara!" Bulalas ng batang babae. Ganun nalang ang panghihilakbot ni Tarieth ng bigla itong umiyak. Hindi nila alam kung bakit ito umiyak kaya niyakap nila ito.

"Nakakainis kayo! Alam n'yo ba na galing pa kami ni Seregon sa palasyo? Ilang oras akong nagtiis na ayusan dahil akala ko darating kayo ngayon! Tapos malalaman ko lang na hindi pala kayo ang dumating? Hindi man lang ninyo ipinaalam sa amin ni Seregon na hindi pala isa sa inyo ang umaangkin sa truno! Tingnan mo hitsura ko!" Talak nito.

"Maganda naman ah! Mukha kang prinsesa!" Sabat ni Karess.

"Prinsesa! Hindi na ako bata para pangarapin--- teka sino yon?"

Natawa silang dalawa ni Brynna at ipinakilala dito si Karess.

"Sorry Ty, hindi namin alam na may pangyayaring ganun dito. Saka dumating naman kami ngayon diba kaya hindi nasayang ang paghahanda mo." Nanunukso pang sabi ni Brynna.

"Bakit mo naman naisip na isa sa amin iyon?" Nagtatakang tanong ni Tara.

"Naramdaman ko kasi na malapit na kayo kaya akala ko isa sa inyo ang dumating."

"Ang angkinin ang truno ang pinakahuling bagay na gagawin namin Ty. Pero hindi ka ba masaya na nagkita na tayo?" Tanong niya dito.

Napangiti si ito na mukhang noon lang yata nagsink in sa utak na magkasama na sila. "Syempre masaya! Ang tagal kaya naming hinintay ni Seregon na makita kayo."

Sabay na napatingin sila sa pinto ng may kumatok. Lumapit si Tempest sa pintuan at binuksan iyon. Pagbalik ay may hinihila na itong isang matangkad na mukha ng binatilyong lalaki.

"Cee!" Unang nakilala ni Brynna ang bagong dating.

"Seregon!" Bati niya rin.

"Lee Min Ho!" Si Karess!

"Girls, girls his mine!!!" Pang aangkin ng pusa kay Seregon ng makitang niyakap nilang dalawa ni Brynna ang lalaki at nakikisiksik din ito. "Yey! Group hug!"

"What's that weird voice?" Tanong ni Seregon.

"Hey! Hindi weird ang boses ko! Sultry! And your stepping on my tail! Watch it!" Halos mapatalon si Seregon sa gulat ng makita si Karess sa paanan nito at ng makitang naapakan pala talaga nito ang buntot ng kawawang pusa.

"Sorry." Hinging paumanhin ni Seregon.

"It's okey handsome. Pasalamat ka kamukha mo si Min Ho ko kaya patatawarin kita."

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon