Sixteen: The royal highnesses

4.8K 199 7
                                        

Habang nagpapagaling ang kaibigang si Tempest ay sinamantala ni Tarieth iyon.  Dahil sa nangyari sa Selection temple ay hindi siya mapakali.  Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang mga sinabi ng tatlong nilalang.  Ang ipinagtataka niya ay kung bakit tatlo lang ang mga ito gayong may apat na elemento.  At naguguluhan siya sa mga sinasabi ng mga ito.  Kailangan niyang malaman kung ano ang mga nilalang na nakausap niya at higit sa lahat kailangan malaman niya kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi ng tatlo.  And the only way to do that is to do some research.  The most obvious place to go is the library, after all this school was as old as the temple. 

Kaya naman heto siya ngayon, buried in books, beside her was Karess who was the only one helping her, at ang tanging pinagsabihan niya sa nangyari.  Sa mga mapapadaan na studyante they would think it funny seeing a huge cat flipping pages.  What they didn't know that the cat is one of the most intelligent creature in existence.  Mas ito pa nga ang nagbibigay impormasyon sa kanya.  Sa lahat ng nabasa niya wala siyang nakitang impormasyon man lang sa kanya tungkol sa tatlong nilalang.  O tungkol sa mga nakasulat sa pader ng Temple. 

The next day ganun pa rin ang ginawa nilang dalawa ni Karess at kagaya ng unang araw naduduling nalang si Tarieth at nananakit ang likod ay wala pa rin silang makita kahit man lang na mention kahit saglit ang tatlong nilalang.  With a throbbing head tumayo si Tarieth at inaya si Karess na maglakad at libutin ang paaralan.   Sa kanilang paglilibot ay nakakarating sila sa training ground.  Walang katao-tao doon.  Dahil sa nangyari, all classes are temporarily suspended.  Aalis na sana si Tarieth ng may mahagip ang kanyang mga mata. 

There was someone in there, no-two people.  Lumapit si Tarieth sa kinaroroonan ng mg ito.  Magkaharap ang dalawa.  Nakatalikod sa kanya ang isang kaya di niya mamukhaan at ang isa naman ay nakapwesto paharap sa kanya at kilalang-kilala niya.  Si Master Bris Cadwallader.  Mukhang may pinag-usapan ang dalawa, hindi man tama ay curious na nakinig si Tarieth.

"Hindi ko maintindihan kung bakit sila sumalakay sa University.  But I guess the reasons are obvious wasn't it?"  Ayon kay Master Bris.

"I guess you are right Dre. But do you think I can ask him about it?  Alam mong ayaw niyang pag-usapan ang kanyang nakaraan." Sagot naman ng lalaking nakatalikod. Kahit nakatalikod ay halata ni Tarieth na mayaman ang lalaki dahil sa suot na damit at tindig nito.

"More than anyone ikaw ang may kapangyarihan na kayang magtanong sa kanya." Si Master Bris.

"At suklian ng kawalanghiyaan ang lahat ng ginawa niya sa kaharian? If there was one man who help build this kingdom at pinanatili ang kapayapaan ay siya na iyon. Hindi Dre, hindi ko magagawa iyon sa kanya." Malungkot ang boses na sabi ng lalaking nakatalikod.

"Naintindihan kita. And more than ever malaking pasasalamat ko na hindi ako ngayon ang nasa kalagayan mo. Tanging ipinapangako ko sayo na I will lay down my life for you, for our people and for the kingdom. You are my brother by choice Leon, never forget that." Pangako ni Master Bris.

"Sa lahat na nangyayari sa nakalipas na mga linggo at araw ay higit kailan man kailangan ko ang mga tulong ninyo. At napakaswerte ko na nariyan kayong mga tunay kung kaibigan. And same here brother, same here." Nagtapikan ang dalawa sa balikat pagkatapos nagyakap.

Bago pa siya mapansin ng dalawa ay patalilis na nilisan ni Tarieth ang lugar. Gustuhin man niyang magtagal at makinig ay iniiwasan niyang may makapansin sa kanya. Kung hindi dahil sa kanyang matalas na pandinig ay hindi niya marinig ang pinag-usapan ng dalawa. Ang kinaroroonan niya ay malayo ang distansiya kaya hindi kaagad siya napansin ng mga ito.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon