Ilang araw na si Iolanthe sa Baltaq at sa bawat araw ay nakikita niya ang mga alipin na naglalakad sa gitna ng init ng araw habang karga sa balikat ang Palanquin. Isang korteng kahon na natatabunan ng mga palamuti at magandang kurtina. Ito ang kalimitang ginagamit na sasakyan sa Baltaq. Sakay ang mga mayayamang tao sa lugar na iyon. Minsan may apat na alipin ang nagbubuhat. May iba din na mas marami. Depende siguro sa dami ng alipin at laki ng Palanquin. Walang pang-itaas na suot ang mga alipin kaya sunog sa araw ang kalahating katawan ng mga ito. Hindi puti ang kulay ng balat ng mga Baltaki kundi kayumanggi. Mainit kasi ang lugar na iyon at malapit pa sa dagat. Sa unang beses na nakita niya ang Baltaq ay totoong namangha si Iolanthe. Naglalakihan ang mga gusali, maayos ang daan at makukulay ang mga kasuotan ng mga Baltaki.
Ang mga karaniwang damit ng babaeng Baltaki ay maninipis, makukulay at nagpapakita ng balat. Karamihan sa mga gamit ng babae ay walang manggas at bukas hanggang baywang ang likuran at hanggang sakong ang laylayan. Naintindihan niya kung bakit ganun. Walang baliw na magsusuot na makakapal na damit sa Baltaq dahil sa sobrang init ng panahon. Ang mga lalaki naman ay nakapantalon at pang-itaas na walang manggas. Mayaman ang kaharian ng Baltaq sa yamang dagat at pananim ngunit mas tanyag ang lugar sa slave-trading kung saan ang mga alipin ay binibinta sa kahit sinumang may pera.
A slave is subjected to the whims and caprices to his/her owner. Iolanthe even saw some landlord holding lashes wherever they go. Ang iba naman ay bumibili ng mga alipin para may magtrabaho, halimbawa sa farm o di kaya'y sa mga palaisdaan. Those slaves fared no better. Bugbog sa trabaho, wala pang sweldo, kung meron man ay kakarampot lang.
Maaga palang ay maraming tao na sa pamilihan. Bago pa sumikat ang araw ay bukas na ang maliit na tindahan ni Iolanthe. Nagbibinta siya ng mga mamahaling tela. Silk and velvet. Dahil mamahalin ang mga paninda niya, karamihan sa mga kustomer niya ay mayayaman. Kung tutuusin sa ilang araw na pananatili niya dito sa Baltaq ay totoo namang maganda ang pamumuhay. The place is almost perfect. Walang nanghihingi ng pagkain o pera sa daan. Lahat ng lugar ay malinis at nasa ayos. Totoong nagustuhan ni Iolanthe ang lugar habang nasa himpapawid pa siya. But the moment she set foot on the land, all beauty faded. Pag apak pa lang ng paa niya sa lupa ay daig pa niyang nakaapak ng isang bahay ng langgam. Until now she could still feel the feeling of ants crawling from her legs to her entire body. Iolanthe shivered at the thought.
She soon learned why she felt those. She discovered that Baltaq have an underground mazes of tunnels kung saan doon nakatira ang mga mahihirap na Baltaki. Ang Underground Oretse. Kung saan walang pumapasok na sinag ng araw. Doon hindi mo lang makikita kundi maramdaman mo ang sobrang kahirapan sa buhay. Iisipin mong mas maganda pa ang maging isang alipin gaano man kalupit ng amo dahil kahit papaano ay may makakain ang mga ito araw-araw at nasisinagan ng araw.
Ang mga taga Oretse ay mga taong kahit bilang alipin ay hindi nabibinta. The place was a nightmare. May nabalitaan pa si Iolanthe na dahil sa kawalan ng makain, kumakain ang mga ito ng kapwa tao. Sobrang kabaliktaran ng kagandahan sa itaas.
Napukaw ang atensiyon ni Iolanthe ng may huminto na Palanquin sa harapan ng kanyang tindahan. Bumaba doon ang isang babae. Naninilaw ito sa dami ng alahas mula ulo hanggang paa. Ang suot na damit nito na kulay pula at nakatali sa leeg, ang malambot na tela ay korting pa ekis sa dibdib at may dalawang pulgadang lapad na gintong sinturong sa maliit na baywang nito. May gintong dekorasyon din ang sandalyas nito. Nakalugay ang itim at unat nitong buhok na hanggang baywang ang haba. Sa dami ng tagabantay at gara ng Palanquin nito ay hindi na magtataka si Iolanthe kung isang prinsesa ang kaharap.
Yumukod si Iolanthe bilang pagbigay galang sa dumating. "Princess Olivia of the house Ybut." (Ye-bu). One of the slaves carrying the Palanquin announced. "I heard of your beautiful wares. And I can't blame them. Where did you get all this fabric merchant?" Malamyos na tanong ng prinsesa kay Iolanthe gamit ang lenguahe ng taga Baltaq.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasíaLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...
