Seventy-four: Rhiwallon

4.7K 192 27
                                        

Ayon sa kuwento, noong unang panahon, ang buong mundo ay isang kagubatan. Ang pinakaunang nilalang sa mundo ay ang mga Elfo. Ang lugar na sakop ng mga ito ay tinawag na Elvedom.

Sila ang mga sinaunang tao sa mundo.

May katotohanan dahil matuturing na tao ang anyo ng isang elfo, ngunit...

Maliban sa mga elfo may mga nilalang na mas nauna pa sa kanila. 

Sila ang mga makapangyarihang hayop.

Tatlo sa pinakamakapangyarihang hayop na naghahari sa mundo ay ang Arachnid, Sphinx at ang Dragon.

Among all of these beast Dragons are on top of the the food chain. After all Dragons are the kings of all beast.

Ang mga dragon ay malalaki ang katawan. Malalakas, makapangyarihan, at higit sa lahat matalino.

Dragons have elemental powers.

Arachnids are the Weavers or Dreamweavers, some can also foretell the future through dreamweaving.

And the Sphinx have power to see the future.  The other terms for them are seers.

Maraming kuwento, iba't-ibang haka-haka, pero pagkatapos ng mga pangyayari sa Twilight Realm, hindi na kasing ignorante si Tempest sa mga pangyayari noong unang panahon.

Sa tatlong mahiwagang mga hayop, ang pinakapamilyar si Tempest ay ang tungkol sa mga dragon, dahil...dahil malaki ang koneksiyon niya sa mga Weredragons!

At ang nasa harapan niya ngayon ay isang weredragon! Sigurado siya roon. Kulay pulang weredragon.

Gamit ang kapangyarihan, hinigpitan ng mga mages ang kadenang nakapaikot sa katawan ng dragon. Umatungal ito na para bang nasasaktan, at may usok na lumabas sa ilong na para bang gustong magbuga niyon ng apoy ngunit hindi magawa dahil ang nguso nito ay may nakapaikot na kadena.  Sa paghigpit ng kadena ay napilitan ang dragon na humakbang dahil kung hindi nito gagawin iyon ay mas lalo itong masasaktan.

Ang mga tao sa paligid ay nagtakbuhan at kulang nalang dimikit sa dingding at lumusot doon.  Puno ng takot ang mga mukha, may iba rin na namangha.  Ang iba ay nagmamadaling umalis pero may mga loyal sa hari at gustong manood.

Noon napansin ni Tempest na ang kadenang nakapaikot sa katawan ng dragon ay may mga lugar na bumaon na sa kaliskis. Ang pakpak nito ay may mga parte na buto nalang at wala ng balat. Tempest wonder if the dragon can still fly with wing so tattered.  Kahit ang paa ng dragon ay may kadena, ang haba ay tamang-tama lang para makahakbang ito.

Karaniwan nang malalaki ang mga dragon, kahit malaki ang weredragon na ito ay alam ni Tempest na kung ikukumpara sa ibang weredragons ay maliit ang isang ito. At habang naglakbay ang mga mata ni Tempest sa katawan ng weredragon ay noon nito napagtanto na isang dragoness ang nasa harapan! A female weredragon!

Nagwala ang babaeng weredragon. Kahit halatang nasasaktan ito ay pilit pa rin itong kumawala sa pagkakagapos. Pero mukhang sanay na ang mga mages na nakabantay sa ugali ng weredragon dahil kahit anong pagwawala ng weredragon ay hindi natatakot ang mga nakapalibot na mages dito.

Si Tempest ang nasasaktan para sa weredragon. Sa bawat galaw ng weredragon ay alam ni Tempest na walang katumbas ang sakit na nararamdaman ng dragoness, maririnig iyon sa atungal nito, maliban pa sa mga dugong tumutulo sa sahig. Habang nakatingin sa mata ng weredragon ay nakita ni Tempest na wala na ito sa tamang pag-iisip. Na ang tanging umiiral dito ay ang galit. There is no lucidity in her eyes, only madness. Ni hindi nito tinapunan ng tingin si Tempest at patuloy na nagwawala.

"My dragoness! Come!" Malakas ang boses na utos ng hari. Sa narinig ay mas lalong nagwala ang weredragon. Mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ni Haring Archibald. Hindi malaman ni Temepst kung naintindihan ba ng weredragon ang sinasabi ng hari o naggalit lang iyo ng marinig ang siguro pamilyar na boses. Her jailer.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon