Forty-four: Kurlaz

4.9K 223 20
                                    

Year 517 ME
Terrasday, Lovers Moon

Kung hindi dahil sa tulong ng sariling kapangyarihan ay baka matagal ng nanigas sa lamig si Valerius.  Kahit na doble pa ang suot na damit ay nanuuot pa rin sa buto nito ang sobrang lamig.  Ilang araw ng naglalakbay sa malamig na lugar na iyon at kahit isang bahay ay wala pa rin itong nakikita.  Lamig, gutom at pagod na mas lalo pang pinabigat sa patong-patong nitong damit. 

Valerius wanted to just lay down and sleep for a while pero kailangan nitong magpatuloy habang may araw pa.  Iilang oras lang ang liwanag sa bahaging ito ng mundo.  Kung maari ay ayaw nitong maglakad sa dilim.  Ilangbaraw na nitong pinanabikan na kumain ng kahit ano wag lang tubig na siyang tanging laman ng tiyan nito sa nakalipas na araw.

Nakailang metro na rin ang nilakad nito ng nagsimulang lumubog ang araw. Ganun pa man ay nagpatuloy ito sa paglalakad upang paikliin ang distansiya sa  paroroonan nito.   Pagkaraan ng ilang minuto ay muling inilibot ni Valerius ang paningin sa paligid.  Ang liwanag ng buwan ay nag reflect sa puting snow kaya parang madaling araw lang ang paligid imbes na kadiliman ng gabi.

Muling nagpatuloy sa paglalakad si Valerius hanggang sa may nahagip ang mga mata nito na kumikislap sa malayo.  Binilisan lalo ni Valerius ang paglalakad.  Ang isang ilaw ay naging dalawa, tatlo...hanggang sa dumadami iyon.  Natuwa si Valerius dahil sa wakas nakakakita na siya ng kabahayan.  The prospect of eating real food and a warm bed gives him new strength.

Valerius stopped in front of a huge wooden gate.  Ang buong lugar ay napapalibutan ng mataas na pader na bato.  Kumatok si Valerius sa malaking gate.  Mayamaya lang ay maririnig na ang kalampag na galing sa kabila. At hindi nga nagtagal ay may dumungaw ang isang matandang lalaki.

"Magandang gabi sa iyo.  Anong kailangan mo?" Bungad na tanong ng matandang lalaki gamit ang salita ng taga Kurlaz habang pinasadahan ng tingin si Val.  Ganun nalang ang tuwang naramdaman ni Val.   He finally arrived in Kurlaz.

"Magandang gabi."  Sagot ni Valerius gamit ang kaparehong lenguahe.  "Valerius Windstone Sir.  Ilang araw na akong naglakbay, ito ang kauna-unahang lugar na nakita ko.  I am a wanderer.  Kailangan ko lang ng makakakain at lugar na matutulugan."  Matagal na niyang pinag-isipan ang gagamitin niyang pangalan at ang rason niya kung bakit siya napadpad sa lugar na iyon kaya naging madali sa kanya ang sinasabi.

"Aho!  Isang manlalakbay!  Saglit."  Nawala ito at maya-maya ay bumukas ang malaking kahoy at bakal na gate.  Sa kapal at bigat ng gate ay hindi lang dalawa kundi apat ka tao nag nagtulongtulong para mabuksan iyon.

Nilingon ni Val ang tagabantay at nagpasalamat.  Kahit madilim ay napansin ni Val ang naglalakihang gusali.  Kapansin-pansin din na tinanggalan ng snow ang daan.  Hindi man kasing rangya at kasing laki ng Rukai ang lugar na iyon ay hindi rin naman pahuhuli.  Totoong apoy ang nagbibigay liwanag sa daanan.  Kahit madilim na ay may mangilan-ngilan pa ring bukas na tindahan.  Mga kariton na hinihila ng kabayo at ang iba ay hilahila ng Asno.

Patuloy sa paglalakad si Val.  May mangilan-ngilang napapatingin dito pero hindi naman ito kinausap o sinita.  Dalawang gusali sa kinaroroonan nito ay sa wakas nakakita ng karatula may nakasulat na Little Lamb.  No mistaken it, was an Inn.  Nasa labas ng pintuan palang si Val ay naririnig na nito ang ingay sa loob.  Itinulak nito ang pinto at pumasok sa loob. 

Amoy ng usok ng sigarilyo, alak, pawis, nangangamoy na katawang mukhang hindi nakatikim ng tubig ang sumalubong sa ilong ni Val.  Pero may naamoy din itong bagong luto na tinapay at manok.  Mas lalong nagutom si Val sa naamoy.  Mainit din sa loob.

Namataan ni Val ang bartender sa likod ng bar counter, doon ito dumeretso.  Agad naman itong napansin ng bartender.  Nagpakilala itong si Benjur na siyang may ari ng Little Lamb.  Agad na humingi ng makakain si Val at nagtatanong kung may bakanteng silid ba ito na matutuluyan ngayong gabi.  Swerteng may bakante pa kaya kinuha agad iyon ni Val.  Pagkatapos magbayad ay naghanap kaagad ng mauupuan si Val.  Swerteng may nakita itong bakante sa gilid at doon umupo.

Hindi nagtagal ay dumating ang pagkain ni Val.  Sinabawang manok, mainit-init pa na tinapay at tinapang kabayo.  Val eat the food in front of him with gusto.  Nang matapos kumain ay pinaunlakan ni Val ang alok ng serbedora na rice cake. 

Sated Val listened in silence with the people around him.  Kagaya niya ang mga tao doon ay makakapal ang suot na damit. 

"Sana sa susunod na linggo ay magsisimula ng matunaw ang yelo.  Aba, tagsibol na pero balot pa rin ng nyebe ang buong lupain." Ayon sa lalaking nasa katabing lamesa ni Val.  May kasama itong tatlo pa sa lamesa at mukhang nakainom na ang mga ito.

"Sobrang mahaba at malamig ang taglamig.  Dapat sa mga panahon na ito ay natutunaw na ang yelo."

"Makinig kayo, may kaibigan ako na nagmamay-ari ng isang farm.  Ang sabi niya may nakikitang malalaking aso ang mga ito.  May balita pa nga na may isang bata daw na nawawala, pagkatapos ng ilang araw sa paghahanap ay natagpuan ng mga magulang ang isang paa ng bata.  Kung nasaan ang katawan nito ay walang nakakaalam." Ayon sa lalaking payat.

"Puro naman balita yang narinig ninyo, maaring walang katutuhanan.  Baka naman dahil sa hirap kinain ng mga magulang ang bata." Nagtawanan ang mga ito.

"Iba't-iba ang balitang nakakarating pero ang malaking tanong kung bakit walang ginawa ang mga Mages sa palasyo sa klima natin ngayon.  Baka sa susunod maging kagaya din tayo ng Tuskan."  Ang sabi muli ng lalaking malapit kay Val.

"Hindi basta-basta ginagamit ng hari ang kanyang mga Mages.  Alam naman natin na habang lumalaon ay paunti ng paunti ang mga pinapanganak na may kapangyarihan at pahina ng pahina din ang kakayahan." Si payat.

"Balita ko, may mga batang malakas ang kapangyarihan sa Quoria at hindi lang iyon.  Hindi lang daw iisa ang kapangyarihan ng mga ito kundi marami." Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang lalaking nakaupo paharap kay Val. 

"Elemental Mages?!" Gulat na bulalas ng isa. 

"Shussh!" Sabay naman na saway ng mga kasama nito.

"Oo.  Pakiramdam ko, habang tumatagal ay palakas ng palakas ang kapangyarihan ng Quoria.  Tingin mo, muling babawiin ng hari ng Quoria ang lahat ng kinasasakupan nito noon?"

"Matagal ng malakas ang Quoria.  Pero si Haring Camthaleon, ay hindi gahaman.  Kaya sigurado akong hindi niya gagawin iyon."  Sabay na nagpatango-tango ang mga ito.  Lahat ay nagpakita ng pagsang-ayon.  "Isa pa, ang mag-asawang Strongbow ay kinakatatakutan ng lahat." Dugtong pa nito.

Hindi na tinapos ni Val ang pakikinig sa usapan.  Tumayo ito at umakyat sa itaas patungo sa sariling silid para magpahinga.

Maliit lang ang silid.  Isang higaan na matigas, isang maliit na lamesa at isang upuan.  It doesn't matter to him.  Ang importante ay may matulugan siya.  Tinanggal ni Val ang makapal na tela na nakapulupot sa leeg at isinampay sa sandalan ng upuan, next he removed the thick cloak na gawa sa balat ng hayop.  (Naiimagine ko si Jon Snow myloves ko dito. Bleh! Bah! Libre mangarap!)

Next he remove his sword at inilagay iyon sa higaan.  Ang iba pang mga sandata ay hinayaan ni Val na mananatili sa katawan nito.  Habang nakahiga sa matigas na higaan ay hindi maiwasan ni Val na mag-isip tungkol sa maaring mangyari sa susunod na araw. 

Now that he is already in Kurlaz, bukas na niya iisipin ang susunod na gagawin, right now, kailangan muna niyang ipahinga ang katawan at isip.  Ipinikit ni Val ang mga mata at pagkaraan ilang sandali ay tulog na ito.

•note•
Hi guys! Every sunday pa rin ang updates pero kasi may nagreklamo dahil nabitin sa Part II, bakit cover lang daw. So ito patikim!  Kapreng-bubuyog pag di ka magvote di na tayo bati! 
Kiss! Kiss!
xiantana😘

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon