Fifty-two: Lagoon

4.2K 191 27
                                    

Lakad takbo ang ginawa ni Rai. Gahol na siya sa oras. Sampung araw. Hindi niya alam kung anong magagawa niya sa sampung araw. Kung paano mailigtas ang mga inosenteng tao sa lugar na kung hindi siya kikilos ay madadamay.

Maingat ang kilos na gumapang sa ilalim ng lupa palabas ng mataas na pader na nakapalibot sa buong siyudad ng Taroque. Pagkalabas ay muling ginamit ang kapangyarihan para bumalik sa dating hitsura ang lupa. Tinunton ni Rai ang pinaglagyan ng kabayo. Hinaplos ni Rai ang ulo ng kabayo bago sumakay. Pagkatapos ay pinatakbo ito ng mabilis, hindi alintana kung may makakakita o makakasalubong sa daan.

Tuskan used to have hundreds of villages but throughout the years some of the villages had been abandoned. Dahil na rin sa kawalan ng makakain. Karamihan kasi sa mga lugar ay minahan. Nang wala ng mamimina sa lupain ay basta nalamang iyong iniwanan. Sa kawalan ng kahoy sa kabundukan ay walang hayop na nabubuhay sa kalbong gubat. At tigang na rin ang mga lawa. Kaysa mamatay sa gutom nilisan ang mga nayon na walang pag asang tutubuan ng mga pananim. Ngayon ay inisa-isa ni Rai ang mga nayon. Patungo siya sa Erigal. Ayon sa nakalap niyang impormasyon ang Erigal ay isang bayan noon pero ngayon ay isa na lamang nayon, na nasa humigit tatlongdaan lang ka taong naninirahan.

Gaya ng mga naunang bayan na pinuntahan ni Rai, tahimik ang buong lugar. May katamtaman ang layo sa bawat bahay na yari sa pinagtagpi-tagping kahoy. Marahil ay dahil sa kalumaan at wala ng maipambili ng materyalis. May mangilan-ngilang gawa sa bato pero gaya ng karamihan may tagpi din ang bubong. Malaki at maluwang ang maalikabok na daan. Dahil gani na kaya tanging sinag ng buwan at kislap ng mga butuin ang tanging ilaw sa dinadaanan ni Rai. Huminto si Rai sa isang dalawang palapag na bahay. Ito rin lang sa lahat ng mga bahay doon ang tanging may nakasinding ilaw. Deretso sa kuwadra si Rai. May isang batang lalaking sumalubong sa kanya at dito niya ibinigay ang remda ng kanyang kabayo. Binigyan niya ito ng isang pilak, ang pera na ginagamit ng Tuskan. Namilog ang mga matang mahigpit na ikinuyom nito ang palad na para bang natatakot na mawala ang kanyang ibinigay at taos pusong nagpasalamat. Nahabag si Rai pero hindi nagsalita. Tinalikuran nito ang bata at nagpunta sa harapan ng bahay at itinulak ang pintong kahoy.

Sa pagkamangha ni Rai ay puno iyon ng tao. Mukhang may pulong na kasalukuyang nangyayari. Nakatalikod ang mga ito sa pintuan kaya hindi agad siya napapansin. Hindi kagaya ng mga pulong na nakikita ni Rai ang mga ito ay tahimik. Mahina ang boses ng lalaking nagsasalita sa harapan. Maingat ang kilos na tinungo ni Rai ang isang sulok at tahimik na nakinig habang nakatayo.

"Lahat tayo ay mamatay sa gutom kung hindi tayo magtulungan." Ang sabi ng lalaking nasa harapan. Marahil ay ito ang pinuno ng lugar na iyon.

"Pero Mang Chito, sinasabi ng may ari ng bahay panuluyan doon sa Saltain na walang sinumang makakapagnakaw sa kanilang mga pananim." Ayon sa isang babaeng payat. Sa tuno ng boses nito ay bata pa pero ang hitsura nito ay matanda na. Marahil ay pinatanda ng kahirapan sa buhay.

"At maniwala naman tayo?" Sarkastikong sabi ng nagngangalang Mang Chito. "Ilang taon tayong naghintay at umasam na sana ay mapadaan din sa atin ang mga naglalakbay na Mages pero wala. Habang gumanda ang buhay ng mga taga Saltain ay tayo naman ay mas lalong naghihirap!"

"Pero Mang Chito, baka po pagnalaman ng mga taga Saltain ang gagawin natin ay baka tuluyang hindi na tayo nila biyayaan ng pagkain." Ang sabi ng isang lalaki.

"Pagkaing kakarampot!" Galit na sagot ni Mang Chito. "Batid ninyong lahat na ang unang gulay at prutas na nakarating sa atin dito ay hindi natin kinain kundi itinanim natin. Pero nasayang lang ang lahat dahil hindi nabuhay sa ating lupain. Ilang beses na akong nagpunta sa Saltain at bumili ng mga buto na maari nating itanim sa ating lupain pero lahat namamatay! Darating ang panahon na lahat tayo, kagaya ng ibang bayan sa Tuskan ay lilisanin din ang lugar na ito dahil sa gutom! Hahayaan ba ninyo na mamatay tayo dahil sa gutom? Na iwanan natin ang lupaing ating kinamulatan?" Madamdaming pahayag ni Mang Chito. Halata sa hitsura nito na totoo ang mga sinsabi nito. Napuno ng bulungan ang buong silid. Natahimik lang ang lahat ng biglang bumukas ang kurtina sa likuran ni Mang Chito! Gulat na napalingon ito!

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon