Natuon ang paningin ni Tempest sa dalawang lalaking naunang nakalapit. Kapansin-pansin ang mabilis na kilos ng dalawa.
Ito ang dalawang tagabantay ng hari. Sina Hugo at Rocco. Agad naglabas ng kapangyarihan sa apoy si Rocco.
Pinalibutan nito ng apoy si Tempest, ang apoy na inilabas ni Rocco ay pinapalakas pa ng kapangyarihan sa hangin ni Hugo. Tumaas ng tumaas ang nagliliyab na apoy, hanggang sa natabunan na nito si Tempest. Ang mga taong naroroon ay nagtakbuhan palayo, kahit nasa malayo na ay naramdaman pa rin ng mga ito ang init na ibinubuga ng nagliliyab na apoy.
"Iparamdam sa babaeng ito ang lupit nang apoy ng Baltaq!" Mayabang na utos ng hari. Nasa mukha nito ang kasiyahan sa nakita.
Malupit ang mga ngiting sumilay sa mga labi nina Prinsesa Olivia at Prinsipe Archie. Natanggal ang pangamba at takot sa dibdib ng mga ito.
"Lupit?" Naroon ang pang-uuyam sa boses ni Tempest ng magsalita. "Hahaha!" Tawa nito. "Ipapakita ko sa iyo kung gaano kalupit ang kapangayarihang apoy na sinasabi mo!" Pagkatapos sabihin iyon ay bigla nalang nawala ang apoy na nakapalibot kay Tempest na para bang ang nagliliyab na apoy kani-kanina lang ay isa lamang guni-guni. Naroon pa rin si Tempest sa kinaroroonan nito kanina. Walang kahit konting sunog o kahit konting dumi ang suot na damit. Na nakapagtataka gayong sobrang init ng apoy kanina lang.
Tumingin si Tempest sa hari saka itinaas ang isang kaliwang kamay hanggang dibdib. Itinahiya sabay bukas nang nakakuyom na kamay. Sa ibabaw ng palad ni Tempest ay mayroong blue flame.
"B-blue flame!" Gulat na napatayo ang hari, ganundin si Prinsesa Olivia. Samanatalang di Prinsipe Archie naman ay tumayo at ginawang panangga ang inuupuan nito kanina.
Tumaas ang gilid ng labi ni Tempest ng mapansin ang ginawa ng prinsipe.
"Blue flame!" Isa-isang sambit ng mga taong naroroon.
Samantala si Rocco ay napaatras nang makitang nakatingin dito si Tempest. "E-elemental Mage!" Nahihintakutang sabi ni Rocco.
Tumingin si Tempest kay Rocco. Naramdaman ni Tempest na malakas ang lalaking mage na kaharap. Sayang at kagaya ni haring Archibald ang pinagsisilbihan nito. Wala itong ipinagkaiba kay Vino. Pero hindi ito ang oras para panghinaan siya ng loob. Hindi siya tanga para hindi malaman na ang dalawang lalaking mage ay ang pinagkakatiwalaan ng hari. Ibig sabihin, malaki ang kinalaman sa dalawa kung bakit nagkaganito ang Baltaq. Kung hindi dahil sa kapangyarihan ng dalawa, hindi maglakas loob si Haring Archibald na angkinin ang truno. At kung hindi dahil sa katalinuhan ng ama ni Ffusia baka noon pa ay patay na ito pati na ang buong pamilyang Isherwood.
Ikinuyom ni Tempest ang kamay na may blue flame, biglang nawala ang apoy sa paningin ng mga tao. Pero mula sa nakakuyom na kamay ay bumukas ang hintuturo nito sabay turo kay Rocco na mas lalong namutla sa nakita. Mula sa hintuturo ni Tempest ay may mabilis na lumabas na maliit na apoy. Kasing liit lang iyon ng apoy na naggaling sa kandila pero tumama ito deretso sa dibdib ni Rocco. Nanlaki ang mga mata ni Rocco, hindi makagalaw. Pinagmasdan nito ang maliit na blue flame hanggang tumama iyon sa sariling dibdib. Nakita nito at lahat ng mga taong naroron ang unti-unting pagpasok ngbmaliit na apoy sa dibdib ni Rocco hanggang mawala iyon. Nakapagtatakang walang naiwang butas o kahit konting sunog sa damit na suot ni Rocco. Nag angat nang mukha si Rocco mula sa pagkakayuko sa dibdib kung saan tumama ang blue flame. Napatitig ito kay Tempest, puno ng takot ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasíaLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...
