Natigilan ang mga sundalong sumugod patungo kay Tara. Umalingawngaw sa paligid ang sigaw ng isang ibon. Nagpalinga-linga ang mga sundalo, may mga tumingala sa kalangitan ngunit walang nakikita kahit anino ng ibon, nang makitang wala namang ibon, muling sumugod ang mga sundalo patungo kay Tara ngunit hindi pa man nakalapit ang mga ito ay biglang dumilim ang paligid. Para bang may biglang tumakip sa konting liwanag nanagmula sa kalangitan. Muling napatingala ang mga sundalo, at sa pagkakataong ito ay nakita ng mga sundalo ang napakalaking nag-aapoy na ibon.
Muli ay pumaibabaw ang tunog ng ibon. Namangha ang mga sundalong nakakita sa ibon. "Isang Phoenix!" sigaw ng isang sundalong naroroon.
"Hindi ko akalain na makakakita ako ng isang Phoenix! Sa pagkakaalam ko ay namumuhay lang ang mga phoenix sa Lasang."
"Napakagandang ibon!" Kanya-kanyang bulalas ng mga sundalo habang ang sinasabing ibon ay nakabukas ang nag-aapoy nitong malalaking pagpakpak at lumipad paikot sa kinatatayuan ni Tara. Mayabang ang asta ng ibon habang nakatingin sa mga sundalo na para dito ay mga langgam lang.
Wala sa mood si Radiance, dahil ang sarap ng pahinga niya at ginising siya ng kanyang amo. At ang una pang niyang nasilayan ay ang mga mumunting langgam na ito. Pero wala siyang magawa kundi ang sundin ang utos ng kanyang amo. Napaingos pa si Radiance ng makita ang pagkamangha ng mga sundalo ng masilayan ang kanyang angking kagandahan. Napairap ito. "Mga ignorante!" ni wala man lang kahit isa ang tumakbo palayo ng makita siya, at heto at nakatunganga pang nakatingala sa kanya. Muli ay umikot si Radiance, at sa pagkakataong ito ay mas lalong nag-aapoy ang balahibo nito. Napakagandang pagmasdan nito. Namamanghang sinusundan ng tingin ito ng mga sundalong naroroon, huli na nang mapansin ng mga ito na ang bawat dinaanan ng nag-aapoy na ibon ay naging abo. Huli na para tumakbo, dahil sa laki ng ibon, sakop nito ang malaking bahagi ng lupain.
Pagkatapos halos ubusin nito ang libo-libong sundalo ni Haring Fergun ay muling bumalik si Radiance sa balat ni Tara. May iilang AirMages na nakatakbo dahil na rin sa lakas ng kapangyarihan ng mga ito. Natulala ang mga ito sa malagim na kinahihintanan ng mga kasama. Sa muling pag-ihip ng malakas na hangin ay kasabay na ninangay ng hangin ang abo. Sa dami ng naging abong sundalo ay napuno ng abo ang kapaligiran.
Sinamantala naman iyon ni Tara. Basta nalang ito namulot ng sandatang nagkalat sa damuhan at sumugod. Daig pa ang isang ipo-ipo sa bilis ni Tara, hindi ito nagtatagal na tatlong segundo sa bawat sundalong madaanan. Iniisang hataw lang nito sa bitbit na espada. Walang kahit isang sundalo ang nakakaisang tama dito.
Si Markus na nanunood ay halos ayaw kumurap, dahil kung kukurap ito ay hindi na nito masundan nang tingin ang dalaga may mala anghel na kagandahan pero isa palang mabangis na mandirigma. Matagal bago natauhan si Markus, kung hindi pa ito muntik nang tamaan ng kalaban ay hindi pa nito maalala na nasa gitna pala ito ng labanan at nakapaligid dito ang kalaban. Nanghihinayang man na hindi na mapanuood ang galing ng dalaga ay nagsimula na ring lumaban si Markus, dahil ayaw naman nitong mamatay.
Kung kanina ay sinugod si Tara ng libo-libong sundalo, baliktad na ngayon, dahil ito na mismo ang sumugod sa grupo ng mga sundalo. Natauhan din galing sa pagkagimbal ang mga sundalo at nagsimulang palibutan si Tara. Kahit napapalibutan si Tara ay wala itong pakialam. This is the place where she most excel. At the battlefield. Mula pagkabata ay puro nalang siya pag-aaral, kahit ang ugali ng mga mortal ay pinag-aralan niya. Hindi niya alam kung ano ang pamilya at kaibigan. Tanging alam niya ay mamahala sa isang kaharian at pakikipaglaban. Kung hindi dahil sa kanyang mga kaibigan ay hindi pa maramdaman ni Tara kung paano ba talagang mabuhay ng normal.
Matagal ng tinanggap ni Tara ang katutuhanan.
If you want to live, you kill or be killed. Ito ang batas ng kagubatan. Matagal ng nawala ang inosenteng bata noon, na kahit isang dahon ng kahoy ay pinakakaingatan. Alam niya ang kailangan niyang gawin. Upang maipaghiganti niya ang kaibigang si Fu ay kailangan niyang ubusin ang mga sundalo ni Fergun saka niya makakaharap si Andracus. Walang humpay si Tara sa paggalaw, bawat galaw at tama ng kanyang espada ay may isang sundalong natutumba.
Kung sa mga oras na iyon ay nagkataong nanunood alinman kina Firen, Bris o Camthaleon, pihong mamumutla ang kahit sino sa mga ito. Napapalibutan si Tara ng kalaban, pero bawat galaw nito ay kalkulado. Walang makalapit na kalaban dito. Walang kahit konting flaw sa paraan nito sa pakikipaglaban gamit ang espada. Para itong sumasayaw. Ang bawat galaw ng kamay nito na may hawak na espada ay nakakahalina. Ang bawat tama ng espada nito ay kalkulado. At ang pinakanakakatakot pa ay walang kahit konting kapangyarihan ng kahit alin mang elemento ang lumalabas sa katawan nito. Ibig sabihin ay purong lakas lang nito ang ginagamit habang nakikipaglaban at walang halong kahit konting kapangyarihan. Kung ganito na ito kabangis habang nakikipaglaban gamit lang ang sariling lakas ng katawan, paano pa kaya kung gumamit ito ng kapangyarihan?
Napakunot noo si Tara ng mapansing nag-iisa nalang siya sa bahaging iyon. Napansin nito si Markus na kasalukuyang nakikipaglaban, pero dahil napansin nitong mukhang kaya naman ng nito kaya hindi na ito tinulungan ni Tara. Sa isang bahagi ng lupain ay naroon sina Felix at Haring Fergun at patuloy na naglalaban. Hinayaan ni Tara ang dalawa at itinuon ang pansin sa palasyo at humakbang papasok.
Sa isang iglap ay narating ni Tara ang dating silid ni Andracus. Ito ang unang pagkakataon ni Tara na marating ang palasyo ng Tuskan at hindi rin niya alama ng kinaroroonan ni Andracus, pero sa mamagitan ng amoy ay natunton niya ang silid ni Andracus. Pinaghalong amoy lupa, hayop at gamot ang naamoy ni Tara. Masakit iyon sa ilong pero walang magawa si Tara kundi ang magtiis kung gusto niyang makaharap si Andracus ay kailangang sundan niya ang amoy na iyon.
Malaki ang silid, may iba't-ibang buto ng hayop at tao sa loob at ginawang palamuti. May nga balat ng hayop. May isang malaking kulungan sa isang gilid ngunit walang laman, pero halatang kamakailanlang ang may nakakakulong doon, naroon pa ang nangangamoy na naaiwang pagkain at dumi sa loob ng kulungan. Iginalang mabuti ni Tara ang mga mata hanggang mapadako ang panginin nito sa malambot na balahibo ng hayop na nakalatag sa sahig. Maingat ang bawat hakbang ni Tara na lumapit, hindi siya tanga para hindi mag-ingat. Isang magaling na Mage si Andracus, at hindi ito basta-basta hahayaan ang silid na pasukin ng ibang tao.
Hindi nagkamali ng hinala si Tara, may tatlong hakbang bago makarating sa balat ng hayop na nakalatag sa sahig ay biglang may sumabog na ilaw. It was like a wave of colors. Napatingin si Tara sa katawan at sa gutay-gutay na damit na suot na parang dinaanan ng libo-libong matatalim na bagay. Sa ilalim ng gutay-gutay na damit ay may kulay itim na lumitaw. Tinanggal ni Tara ang suot na damit, at lumitaw ang kulay itim na pandigmang kasuutan. Yumuko si Tara para tanggalin ang balat ng hayop sa sahig. Pagtanggal nito ay tumambad sa mga mata nito ang isang trapdoor. Walang pag-alinlangang binuksan iyon ni Tara. Mabigat ang pinto pero balewala iyon kay Tara. Unang sumalubong kay Tara ang nakakasulasok na amoy, pangalawa ay ang batong hagdanan pababa.
Sa huling pagkakataon ay inilibot ni Tara ang paningin sa loob ng silid na iyon bago humakbang pababa ng batong hagdanan.
Note: Guys, sorry for the always delayed update. Gaya sa sinabi ko na, ang hirap magsulat, hindi naman kasi basta-basta nalang pinupulot sa daan ang ideya mo. huhuhu! Pagbigyan na ninyo ako kung palaging delayed ang update ko. Heneweyz, salamat sa walang sawang paghihintay!
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasyLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...
