Sixty nine: Water Barrier

4.5K 222 24
                                    

"Anong ibig sabihin nito?" Kunot noong ni Tempest?

"Lady, gusto kang makilala ng aming boss." Sagot ng isa sabay tingin sa direksyon ng binatang kampanteng nakaupo sa lamesa kasama ang dalawa pang mages.

Sa narinig ay lumingon si Tempest at tiningnan ang binata. Lalong nangunot ang noo ni Tempest. Pagkatapos ay nilingon ang kasamang si Ylis. "Ylis, umupo ka uli doon sa kinauupuan natin. Kung may gisto kang kainin mag order ka."

Yumuko si Ylis saka muling bumalik sa lamesa nila kanina. Si Tempest naman ay naglakad patungo sa lamesa ng binata.

Nang makita ng binata ang papalapit na si Tempest ay naging mayabang ang ngiti nito.

"Set." Mayabang na utos nito sabay turo sa katabing upuan. Pabilog ang malaking lamesa kaya naman madali nalang na dinagdagan iyon ng isa pang upuan.

Kalamadong sumunod naman si Tempest.

"Anong pangalan mo?" Mayabang pa ring tanong ng binata ni hindi tumingin kay Tempest na para bang ordinaryo nalang dito ay pangyayari.

Sa narinig ay nilingon ito ni Tempest saka tinitigan pero hindi nagsalita.

Nang walang marinig ang binata mula kay Tempest ay napilitan itong tumingin kay Tempest kaya nagtama ang paningin ng dalawa.

Noon natigilan si Prinsepe Archie.  Sa buong buhay niyo ay noon lang ito nakakita ng ganoong kulay berdeng mga mata.  Habang nakatingin ito sa berdeng mga mata ng dalaga ay para bang naramdaman nito na parang hinihigop ang kaluluwa nito.

"Prince Archie right?" Nanunuyang sabi ni Tempest.  Hindi pa man nakasagot ang prinsepe ay muling nagsalita si Tempest.  "Ninais mo ang presensiya ko, sa gusto ko man o hindi.  Tandaan mo, kagustuhan mong lahat ito." Malamig na sabi ni Tempest.

Binalot ni Tempest ang buong lamesang kinaroroonan ng hindi nakikitang magical wind barrier.  Pagkatapos ay kinontrol nito ang hangin sa loob ng barrier.

Tandaan na sina Tempest, Brynna, Seregon at Tara ay nawala ng pitong taon sa Quoria at nagpunta sa ibang mundo.   Isa pang dapat tandaan at kakaiba ang daloy ng oras sa ibang mundo sa oras sa Elvedom, lalo na sa Twilight Realm.  At sa loob ng nga taon na ito ay walang ginawa ang apat kundi ang mag ensayo at palakasin ang kani-kanilang kapangyarihan. 

And because of that Tempest already have a total control of her powers.

Masayang nagtatawanan pa ang lima ng marinig ang sinabi ni Tempest. Pero maya-maya lang ay natigilan ang mga ito.  Noon lang din napansin ng mga ito na parang nahihirapan na ang mga ito na huminga.  Nagkatinginan ang lima. Halos sabay pa na tinutop ang dibdib.  Gustuhin man ng lima na tumayo at umalis ay hindi magawa.  Kahit na ang gumalaw man lang ay hindi magawa ang tumayo pa kaya?

Unti-unting pinagpawisan ang lima lalo na ang prinsepe dahil sa lima ay ito ang pinakamahina.

Itinukod ni Tempest ang siko sa lamesa at tiningnan si prinsepe Archie na pulang-pula na ang mukha at halos puputok na ang ugat. "Prinsepe Archie diba?" Patuyang sabi ni Tempest. "Tingin mo dahil isa kang prinsepe ay pag-aari mo na ang mundo at lahat ng tao? Tingnan mo nga ang sarili mo? Ni hindi ka makahinga sa kakaonting kapangyarihan na ginamit ko? So weak..."  Ani ni Tempest na puno ng disgusto ang tuno.  "Dahil mahina ka ay daig mo pa ngayon ang isang langgam sa dragong katulad ko. Akala mo makapangyarihan ka dahil prinsepe ka? Real power is the individual strength not the circumstances of birth. Kung hindi dahil sa katusuhan ng iyong ama ay wala ka sa kinaroroonan mo ngayon. Magsilbi sana itong leksiyon sa iyo." Matalas ang matang sabi ni Tempest bago tumayo at iniwan ang lima na halos magkulay ube na ang mga mukha. Tumayo din si Ylis na nakaupo di kaluyan. Sabay na umalis ang dalawa sa restaurant.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon