Twenty-five: Camaraderie

4.6K 206 16
                                        

"Tara! Saan ka ba nagpunta?" Salubong na tanong sa kanya ni Tempest, nag-alala.

Tinuro niya ang likod. "Diyan lang. Nakita ko kasi mga kaibigan ninyo. Naki-usyuso ako. Tapos na ba si Brynna? Parang ang bilis ata?"

"Really? Baka yan yong sinasabi ni Rev na ginawang practise area ng mga old students. And no! Akalain mo yon? I couldn't believe how someone so..so..--

--addicted?" Dugtong niya ng mahirapang makahanap ng tugmang salita ang kaibigan patungkol sa pagkahilig ni Brynna sa mga halaman.

"I was about to say passionate." Natawa siya sa sinabi nito. Passionate is an understatement.

"Are you two talking behind my back?"

"Who?" Sabay pa na tanong nilang dalawa ni Tempest, paenosente effect.

Inirapan lang silang dalawa ni Bree, halatang hindi naniniwala.  Kanina pa pala umalis sina Vanity at Rosemair kaya tanging si Tempest lang ang kasama ni Brynna.

"So, nagustuhan mo ba ang mga nakikita mo sa loob?" Tanong niya kay Brynna. Anyong sasabat sana si Tempest pero pasimpleng hinila niya ang damit nito. Hindi naman sila napansin ni Brynna dahil nagsimula na itong maglitanya tungkol sa---mga halaman. Napuno ng excitement ang boses nito habang nagkukwento. Noon lang na gets ni Tempest ang kanyang balak.

When Brynna told her a few days ago na wala itong naging kaibigan sa Palan, she empathized with her. She knows how much it means to have someone to talk and listen to you. At gusto niyang nariyan sila palagi sa isa't-isa. From now on, gusto niyang nariyan siya lagi at nakikinig sa kaibigan. Kahit maglitanya pa ito umaga hanggang gabi, pakikinggan niya ito.

Nagulat nalang sila dalawa ng biglang lumihis ito sa usapan. "Alam kong para akong baliw na nagsasalita dito, but thank you for listening kahit hindi ninyo ako naintindihan."

"Hoy Brynna! Minamaliit mo naman yata ang katalinuhan namin? Kahit hindi kami HealerMages ni Tara alam ko ang mga halamang pinagsasabi mo noh!"

"Really?" Nagulat pa ito.

"Oo naman!" Parang nainsulto pang sagot ni Tempest.

Natawa si Brynna sa reaction ni Tempest. "Ang ibig kung sabihin ay nakinig pala kayo. Naintindihan ko naman kung pinalabas ninyo sa kabilang tainga ang pinagsasabi ko. I know sometimes I don't make sense."

"Alam mo Bree, honestly you are a great source of information. Lalo na sa mga halaman. Kaya payo ko sayo, wag mong umpisahan si Karess. Dahil pagnagkataon hindi kayo matatapos. And also, now that I know that the glass house have two kinds of poisonous plants, I want you to study it and share with me your findings."

"Those are just mild poisons Tara. It will take weeks or months bago malalaman ng tao na nilason pala ito."

"Does it had side effects?"

----no."atubiling sagot ni Brynna.

"Can it be cured even if it's been months ingesting the poison?"

"Of course! But I am not certain on what stage the patient can be cured."

"See? The more na kailangang malaman mo ang antidote!"

"I already know the antidote."

"Good. I need it."

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon