Four: Telepathy

5.2K 203 1
                                    


House of Lancaster
Brun
Thunder Moon

Alas nueve ng gabi.
Kanina pa nagkukwentuhan ang mga kasambahay ni Brynna. She felt totally happy dahil kasama sa kwentuhang iyon ang kanyang Mama Sola na dumating galing La Fun. Unti-unti na ring naka recover ang La Fun pagkatapos ng paglusob ayon sa kanyang Mama Sola. At gaya ng pangako nito bumalik ito sa Brun para harapin ang kanyang mga magulang. Ang inaasahan ng Mama Sola niya na galit galing sa mga magulang niya dahil sa pagkidnap nito sa kanya ay hindi nangyari. Ganun nalang ang tuwa nito ng imbes na galit nagpasalamat pa ito sa pagligtas sa kanya.

Sa dami ng nangyari sa buhay niya, she wanted to say... "And they live happily ever after... " Pero hindi iyon ganun kadali. Ang buhay ay hindi ganun. Napatingin si Brynna sa kaibigang si Tarieth na kanina pa nakatayo sa may bintana. Kanina pa niya naramdaman na restless ang kaibigan kaya nilapitan niya ito.

"Hey Tara, okey ka lang ba? Gusto mo na bang magpahinga?" Nag alalang tanong ni Brynna.
Isang iling lang ang isinagot ng kaibigan.

"Wala? Eh kanina ka pa di mapakali?"

"Hindi ko alam Bree. Sa totoo lang kanina pa ako hindi mapakali." Sagot ni Tara na ang paningin ay nasa labas ng bintana.

"Napansin ko nga. At hindi lang ako, lahat kami." Ani ni Brynna sabay sulyap sa mga magulang na natigil sa pagkukwentuhan. Alam ni Brynna na nakikinig ang mga ito sa kanila. Naintindihan niya ang mga magulang dahil nag alala ito sa kaibigan na itinuring na ring anak.

"Is it time Tara?" Ang tinutukoy ni Brynna ay ang paglalakbay nila papuntang Quoria. Hindi maintindihan ni Brynna kung bakit, pero she felt a strong pull towards Tara. She has a very unique personality. Mabait sa kung mabait si Tara and Brynna felt some wilderness in her friend. Tinanggap niya ito bilang isang kaibigan kahit sa panaginip niya lang ito nakikita.  Naniniwala siya na isang mabuting tao ito kahit hindi niya alam ang tunay na pagkatao at pinanggalingan nito.

May mga oras din na nararamdaman ni Brynna na hindi nito alam makikitungo sa ibang tao o kahit mga bagay na normal na ginagawa ng mga tao. Para bang hindi ito sanay nakisalamuha sa ibang tao. She act like nasa learning process pa ito. Wala itong sinasabi sa kanya sa personal na buhay maliban sa galing ito sa Lasang.

Lasang...isang mahiwang lugar.

Lahat nang nakapaligid sa kanila ay ang tingin kay Tarieth ay isang batang babae, tanging siya lang ang nakakakita ng totoo nitong hitsura. Noong una nagtataka siya kung bakit walang pagtataka o pagkamangha sa mga mukha ng tao kapag nakita ng mga ito si Tara. Kaya ng tanungin niya ang kaibigan ay natawa lang ito.

Ipinakita nito sa kanya kung ano ang mukhang nakikita ng ibang tao dito. It was Tara's face but it wasn't. The pointed ears and the mysterious enchanting face are gone. Tara said it's the magic of her people. And she didn't question her friend. And what her 'people' mean.  Tama na sa kanya na simula noong una silang magkita ay hindi nito itinago sa kanya ang totoong hitsura nito. Actually sa kanilang tatlo, siya, si Seregon at Tempest.

Soon magkikita din silang apat. Kung hindi dahil sa pakiusap niya kay Tara ay matagal na sana silang naglakbay papuntang Quoria pero gusto pa niyang makasama ang mga magulang kaya nakiusap siya sa kaibigan na kung maari ay mananatili muna sila sa Brun at naintindihan naman siya nito kaya hanggang ngayon ay nasa Brun parin sila.

Ngunit sa hitsura nito ngayon ay mukhang kailangan na nilang umalis.

"Hindi iyon Bree. Tama ka, kailangan na nating umalis. Pero iba ang nararamdaman ko kanina pa. I felt something bad is going to happen." Ani ni Tara na puno ng pag alala ang mukha.

Hindi nakaimik si Brynna. Hindi niya alam ang sasabihin sa kaibigan. Wala siyang nararamdaman maliban sa mabilis na pagbabago ng panahon.

"Hija, may problema ba?" Tanong ni Brennon. Hindi nagawang sumagot ni Brynna dahil napansin niya na sapo ni Tarieth ang dibdib.

"Tara, masakit ba dibdib mo?" Nag alalang tanong ni Brynna.

"No. Kailangan ko lang sigurong magpahinga."tinanggal nito ang kamay sa dibdib at pilit na ngumiti.

"Sasamahan na kita. Papa, Mama, Mama Sola mauna na kaming magpahinga. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam ni Tara." Paalam ni Brynna sa mga kasama. Pumayag naman ang mga ito.

Magkasama pa rin sa iisang silid si Brynna at Tara kahit na maraming silid sa loob ng Manor. Pagkasarado ng pinto ay humarap si Tara kay Brynna at ginagap ang dalawang kamay ng kaibigan. "Bree, nararamdaman ko na unti-unting nauubos ang life force ni Seregon!"  Nanginginig ang kamay nito na nakahawak sa kanya.  "Kailangan ko siyang makausap para malaman ko kung anong nagyari sa kanila ni Tempest."

"Huh! Anong nangyari? Paano?" Naguguluhang tanong ni Brynna na nabahala.

"Alam ko ang gagawin. But I want you to open your mind to me. Mahirap itong gawin Bree. We might only have a few minutes. Depende sa kaya ko. Kung ano man ang kalagayan ni Seregon ngayon, I want you to be ready to heal okey? Few minutes Bree, we have only few minutes."  Mabilis na tumango si Brynna.

"Okey. I'm ready." Pumikit si Brynna at gaya ng sabi ni Tara, binuksan ang isip. Noong una ay walang naramdaman si Brynna ilang saglit pa ay nakita niya siTara. It's like she's dreaming yet not.  Aware siya sa nangyayari sa paligid niya.

"Seregon gumising ka at makinig ka sa akin!" Kulang nalang sumigaw si Tara para marinig siya ni Seregon.

    "Cee, naririnig mo ba kami?" Tumulong na rin si Brynna sa pagtawag kay Seregon. 

"Tara? Bree!!! Nasaan kayo?" Sa wakas ay tumugon ito sa kanilang tawag.  Pareho silang dalawa ni Brynna na nakahinga ng maluwag.  "I'm so sorry guys.  I almost lost Tempest dahil sa-"

"Wag mong sisihin ang sarili mo Cee, hanapin mo kung sino ang gumawa nito kay Tempest! We are very far from you, and it's taking its toll on both of us.  Wala na tayong oras, mamaya ka na umiyak." Putol ni Tara sa paninisi ni Seregon sa sarili.

"Hindi ako umiiyak!" Matigas na tanggi ni Seregon kahit bakas pa sa mukha nito ang luha.

"Oh okey, kala ko kasi luha yong nakikita ko." Tukso ni Tara dito, pilit na pinapagaan ang sitwasyon kahit siya man ay natatakot sa maaring mangyari.  "Okey, hindi ako sure sa gagawin ko.  Mind communication even in Elvedom is not common.  At hindi madali, ngayon palang ay nararamdaman na nating tatlo ang lakas ng hugot nito sa ating mga kapangyarihan kaya kailangan nating magmadali.  Cee, I need you to open your mind to us.  Kagaya ng ginawa natin pagnag meditate tayo.  Bree, do your worse." Ani ni Tara at hinayaan na si Brynna sa gawin kailangang gawin habang pinanatili ang communication nilang tatlo.

Ilang minuto pa lang ang lumipas pero parang oras na ang dumaan.  Tara started to feel lethargic but still hold on.  Kahit maubos pa ang kahulihulihan niyang lakas gagawin niya para sa mga kaibigan.

Nang sa wakas ay matapos, parehong nanghihina si Tarieth at Brynna.  Pero bago pinutol ni Tarieth ang communication kinausap niya muna si Seregon.

"I want you to promise me one thing Seregon... Promise me never to use your life force again. Not for anything...anything or anyone at all." May diin ang bawat kataga na sinabi niya iyon kay Seregon.

"Hindi ko magagawa yan Tara, alam mong hindi ko yan magagawa kung buhay na ninyo ang nakataya."

Gustong magalit si Tara sa narinig mula dito pero naintindihan niya ito.
"Then at least promise me this... Never use your life force again without our permission first." Pakiusap niya kay Seregon.

"I promise."

"Good...." Parang bulong lang iyon sa pandinig ni Seregon pero ramdam niya ang satisfaction sa boses ni Tara.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon