Twenty three: Slaves

4.9K 204 3
                                    

Tuskan

Sa pinakailaliman ng lupa sa bundok ng Tir ay mabilis ang mga hakbang ni Master Andracus na binaybay ang madilim na daan. Walang kahit konting liwanag na pumapasok sa lugar na iyon, ang tanging kulay na makikita doon ay itim. Pero nakapagtatakang sigurado ang bawat hakbang ni Master Andracus na para bang nakakakita ito sa kadiliman.

Pababa ng pababa sa kinailaliman ng lupa ang daang tinatahak nito. Maririnig sa kapaligiran ang ingay ng parang may hinahataw na mga bakal at bato. May mga tunog din ng mga hayop. Habang pababa ng pababa si Master Andracus ay palakas naman ng palakas ang mga tunog.

Pagkaraan ng ilang minutong paglalakad ay sa wakas nakikita nito sa unahan ang liwanag na kulay light green. Mas lalong binilisan ni Master Andracus ang paglalakad hanggang tumambad sa dito ang malaking lawa kung saan doon nanggagaling ang liwanag. Liwanag na parang nagmumula sa kinailaliman ng tubig.

Ilang dipa mula sa lawa ay huminto si Master Andracus, lumuhod, inilapat ang dalawang palad sa lupa sabay halik doon. Nananatili ito sa ganung posisyon. It was total submission to his Master.

"Mahal na hari, may m-masamang b-balita."

Nagsimulang bumukal ang berdeng tubig sa harapan ni Master Andracus pero hindi pa rin ito nagtaas ng ulo.

"Another failure Andracus?" Isang nagyeyelong boses na kahit ang marinig mo lang ito ay parang binabalot ng yelo ang iyong buong pagkatao. Kahit ang makapangyarihang kagaya ni Andracus ay nakakaramdam pa rin ng panlalamig.

Nanginginig na sumagot si Master Andracus,"Mahal na hari, hindi nagawang sakupin ng mga tauhan ng hari ang La Fun ganun din ang Brun. M-may dalawang makapangyarihang mages na tumutulong sa kanila."

"Tell me."  Walang emosyon ang boses nito ng magsalita habang umaahon sa tubig na lalong nagpapakaba kay Master Andracus.  Nagsimulang magsalaysay si Master Andracus sa mga naibinalita sa kanya ng mga sundalong nakaligtas.

"Your failure, your life Andracus."

"Y-yes your majesty."Hindi pa rin nag angat ng ulo na sagot ni Master Andracus na nanginginig ang katawan sa takot.

"Iharap mo sa akin ang dalawang mages na sinasabi mo.  Kill all those who failed." 

"Masusunod mahal na hari."  Nang mag-angat ng ulo si Master Andracus ay mag-isa nalang siya sa kadiliman.  Mabilis na nilisan nito ang lugar para maipatupad ang utos ng hari.

Balik sa kaharian.

Sa harapan ni Master Andracus ay ang mga sundalo at BattleMages na nakauwi galing sa La Fun.  Suminyas si Master Andracus sa mga nagbabantay sa mga ito.  Pagkaalis ng mga nagbabantay ay muling itinaas ni Master Andracus ang isang kamay.  Maririnig sa paligid ang tahol ng mga aso.  There are also growling sound. Sa narinig ay nagsimulang magpanic ang mga sundalo na sugatan pa ang iba. 

Nang marealized ng mga BattleMages ang kanilang kapalaran ay kanya-kanyang gamit ng sariling kapangyarihan ang mga ito.  Hindi para lumaban kundi upang magpakamatay.  They rather kill themselves kaysa hintayin na makarating sa kinaroroonan ng mga ito ang mga aso na tumatahol.  May ibang mga sundalo na nagmamakaawa na patayin din kagaya ng ginawa ng ibang mga BattleMages.  May natutupok ng apoy, bumubula ang bibig, tumutirik ang mata at may iba rin na basta nalang natumba, lahat ay wala ng buhay.  Walang kahit isa sa mga BattleMages ang tumulong sa mga katabing sundalo.

May ibang mga sundalo na humanda para lumaban pero ng makita ang paparating na hayop ay nawala ang tapang ng mga ito.  Tumatahol man ang mga ito na gaya ng aso, malayo naman ang hitsura ng mga paparating na hayop sa pagiging aso.   They are creatures of nightmare. 

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon