Pinili ni Brynna na umupo sa tabi ng ina sa mahabang sofa. Ang ama nitong si Brennon ay naupo isang pang-isahang upuan. Si Bryan ay mas piniling tumayo malapit sa bintana at ang Uncle Brandon naman ni Brynna at nakatayo malapit sa pintuan.
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Brynna. "Buhay kaming lahat at nasa mabuting kalagayan. Ilang araw palang kami nakabalik sa mundo natin. Ang huling naalala ko ay ang Duel at Markings pagkatapos ay tinangay kami ng parang ipo-ipo at nagising nalang ako na nasa isang di pamilyar na lugar. Ang mundo ng walang hanggang Takipsilim o mundo ng Takipsilim. Nasa magkaibang panig kaming apat sa mundo na iyon. Nakarating kami doon dahil kailangan. At kung ano man iyon ay mas mabuti pang hindi na ninyo malalaman. Ang totoo niyan, pakiramdam namin ay ilang buwan lang kaming nawala pero ng muli kaming magkita sa mundo na iyon ay nagtaka kami dahil iba na ang hitsura naming apat. Hindi namin agad napansin iyon dahil maliban sa aming apat ay wala ng ibang tao sa mundo na iyon. Nalaman lang namin ang dahilan ng pagbabago ng anyo namin ng makabalik kami sa mundo natin. Magkaiba kasi ang oras sa mundo na ito sa mundo ng Takipsilim."
Napalunok si Brynna. Pilit na pinaglabanan ang kaba sa ipapasabog na balita sa lahat."Bago ang lahat ay may ikukwento ako sa inyo."
Worldlore
"According to the WorldLore, when our world was created, there was only the elements. Ignis, Aer, Aqua and Terra. When there is water, air, heat and soil there is life. So life was born onto this world. Though the four elements created life, it can also destroy. Fire burns, air blows, water flows and earth grow.
When the gods saw the destruction caused by the four elements, he decided to reign them in. The gods created another. The Fae. They are one with nature and have of course the power of nature. The Fae queen became the guardians of the elements. But Destiny intervened. The queen fall in love with a mere mortal. Her love leads to the fall of the Quoria Empire. The queen did not just cursed the land to suffer but imprison the sentient elements that the Mages manipulates.
"Hija, ano yong sentient elements na sinasabi mo?"
"Sentient elements like us have a mind of it's own. They allows people with elf blood to manipulates them." sagot ni Brynna.
Halata sa hitsura ng ama ni Brynna na mas lalong naguluhan ito, kaya nagpatuloy si Brynna sa pagpaliwanag. "Habang nasa Takipsilim kami ay napag-alaman namin na hindi lang apat kundi may anim na mga elemento. Ignis, Aqua, Terra, Aer, Aether or spirit and Chaos. Aether is an intangible element. It is mysterious, elusive and powerful. It is everything and nothing. And the sixth element is Chaos. The void, infinite darkness."
"HIja, I hope you understand that what you just told us is a lot to take in. It defies our life long beliefs. At anong kinalaman niyan sa inyong apat?" Tanong ni Brennon.
"Dahil kaming apat ang napili na maging tagabantay Hindi lang tagabantay ng mga elemeto kundi tagabantay ng buong mundo." Halos bulong lang iyon na sagot ni Brynna. "There's more." Napalunok si Brynna. Kung siya lang ang masusunod ay ayaw niyang siya ang maghatid ng masamang balita sa mga magulang. Pero wala siyang pagpipilian. Tumingin si Brynna sa kanyang ama. Ang kulay bughaw nitong mata ay kahit papaano ay nagbibigay lakas sa kanya.
"There are mages who used chaos magic in our world."
"Dark Magic? Sorcery anak?" Nagtatakang tanong ni Brennon.
"Hindi papa. Iba sa sorcery. Ang sorcery ay gumagamit ng spells at minsan tumatawag ng mga espiritu. Ang sinasabi ko ay ang mga Mages na tumatawag sa itim na kapangyarihan. Kapangyarihan na kayang sirain ang buong mundo."
![](https://img.wattpad.com/cover/59075275-288-k228145.jpg)
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasiLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...