Samantala...
Isang araw bago sumapit ang ikasampung araw na palugit.
Hindi pa sumikat ang araw ay nasa himpapawid na sina Brynna at Tempest. Sila ay patungo sa Quoria sakay pa rin sa tatlong lawin. Hindi pa man nakalipad ng matagal ang tatlong dambuhalang ibon nang parehong naramdaman ng dalawa ang unti-unting pagbabago ng panahon.
"It's about to start..." pakikipag-usap ni Brynna sa pamamagitan ng isip kay Tempest. Tumango si Tempest bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Brynna. Ito man ay naramdaman din ang kakaibang simoy ng hangin. Ito ang pangsampung araw na sinasabi ni Tara sa kanila.
"Tee, kailangan kong bumalik sa Palan ngayon din, kaya mo ba?" sabi ni Brynna.
"Hmp! Ako pa!" pabirong umingos pa si Tempest, saka ngumiti at sinabi "It's okey, no worries Bree. We'll be alright. Mag-iingat ka."
Nilingon ni Brynna sina Rhiwallon at Rhyddik na nakasakay sa likod ni Soaring Wind saka sumigaw. "Rhiwa, ikinalulungkot ko na hanggang dito nalang ako. Kailangan kong bumalik sa Palan. Si Tempest na ang bahala sa inyo ni Rhyddik! Sorry!"
Kahit malakas ang hangin ay umabot sa tainga ni Rhiwallon ang sinigaw ni Brynna, tumango ito at nagpasalamat.
"Soaring Wind, ingatan mo ang mag-ina okey?" parang nakakaintindi naman si Soaring Wind na bahagya pang iginalaw ang ulo. "Gliding Wings, your fastest speed, let's go!" Nakakaintinding ibinuka pa lalo ni Gliding Wings ang mga pakpak at bahagyang gumiling pakaliwa, pumaikot ito at sa pinakamabilis nitong lipad ay tinungo ang Palan.
Madilim pa rin ang kalangitan ng marating nina Brynna at Gliding Wings ang Palan. Walang nakakapansin kina Brynna at Gliding Wings ng dumating sila sa loob mismo ng WingedShadow Manor. Saglit na kinausap ni Brynna ang lawin pagkatapos ay hinayaan itong lumipad para maghanap ng makakain. Alam ni Brynna na hindi ito lalayo, kung kakailanganin niya muli ito ay madali lang sa kanyang tawagin itong muli. Napahawak si Brynna sa kanyang kuwentas na medalyon. Ang medalyong ito ay sobrang importante sa kanilang apat. Si Tara mismo ang gumawa ng medalyon. Silang apat ay mayroong tag-iisang medalyon. Kung hindi dahil sa mga medalyon na suot nilang apat ay hindi sila maaring umapak sa kontinente ng Elvedom. Tahimik ang buong manor. Umupo si Brynna sa damuhan at nagsimulang magmeditate.
Palan
Tenth day.
Before the predawn light appeared in the horizon, Brynna was already meditating. It was a sunny morning, there was not even a single speck of cloud in the sky. All her attention was on the entire land of Palan searching for a single ripple on the land.
There was none.
She couldn't sense any danger. Tara said at the tenth day. Today is that day. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa Tuskan pero habang nasa Palan siya, sisiguraduhin niyang hindi maapektuhan ang Palan.
Suddenly she felt a tiny ripple. She felt the sudden pulsing of the earths core.
Sa buong kontinente ng Elvedom ay iilang tao lang ang nakaramdam ng kakaibang paggalaw ng lupain. Ang kakaibang direksyon ng ihip ng hangin. At ang init na nagmumula sa ilalim ng lupa na para bang may bulkang sasabog. Ang malaking lawa na dumadaan sa iba't-ibang kaharian ay kapansin-pansin ang bilis ng daloy ng tubig.
Napatingin si Brynna sa direksyon ng Tuskan. Hindi malaman kung ano ang naramdaman. Alam ni Brynna kung gaano kalupit ng inang mundo kung ito na ang magalit. When nature hits back in all its fury, it will leave not just devastation and corpses but harsh lessons as well.
It's starting...
Biglang napalingon si Brynna ng may maramdaman siyang tao sa kanyang likod. Napakunot noo si Brynna ng makita ang lalaki. Pamilyar sa kanya ang mukha nito.
Daig pang nakakita ng multo ni Xander ng lumingon ang dalaga at humarap dito. Nang makita ni Xander ang magandang mukha ng hindi pa nakilalang si Brynna ay nahigit nito ang hininga. Kahit ilang taon pa ang lumipas ay hindi nakakalimutan ni Xander ang mukha nito.
It's her!
It's a small world after all...
Then she remembered...
"My Lord, magandang umaga! Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" magaang bati ni Brynna. kahit nakakapagod ang nakaraang araw para sa kanya, maliban sa panggagamot ay galing pa siya sa Baltaq kasama ng kaibigan niyang si Tempest. Kug hindi lang niya kilala ang lalaking kaharap ay pakikiusapan sana niyang umalis ito at kung maari ay iwanan siyang mag-isa. Kailangang walang makakaagaw ng atensiyon niya sa mga oras na ito lalo na at mukhang nagsisimula na ang pagsama ng panahon, buhay ng kaibigan niya ang nakataya dito. At hindi kung sinong Mage lang ang kalaban ng kaibigan. Buong kaharian ng Tuskan at ang Master Mage na si Andracus.
"Good morning my lady," balik na bati ni Alexander, sa unang pagkakataon ay hindi alam kung ano ang sasabihin. Ilang taon na ba ang nakalipas mula nang makita niya ang mukhang ito? Nakaupo ito sa lupa habang bahagyang iniharap ang katawan sa kanya.
Magpapakilala na sana si Xander habang walang kakurap-kurap na nakatitig kay Brynna, takot na baka bigla na namang mawala ang babaeng kaharap ng makitang ipinikit ni Brynna ang mga mata nito at inilapat ang dalawang palad sa lupa. Laking pagkamangha ni Xander ng makitang ang mga damu na malapit sa kamay nito ay biglang gumalaw palapit sa mga kamay ng dalaga. Na para bang may mga isip ang mga ito at gustong mapalapit sa dalaga. At hindi lang iyon ang napapansin ni Xander, pakiramdam niya na kahit ang mga halaman sa paligid pati na ang mga punong kahoy ay nakayupi at gustong lumapit sa dalaga. Every living things around her give him the impression that they wanted to be closer to her. And everything give off the kind of feeling that she and nature are one. Nakakapanindig balahibo ang pakiramdam na ito para kay Xander.
Isa siyang EarthMage? tanong ni Xander sa sarili. Pero akala ko isa siyang WaterMage! Hindi ba't nag-aaral nga ito sa Palan?
Gustuhin man ni Brynna na kausapin ang lalaking kilala niya noon bilang HealerMage sa Palan ay hindi niya magawa dahil ayon sa mga halamang nakapalibot sa kanya at base narin sa galaw ng lupain ay nagsimula na ang labanan ng kaibigan at ng mga sundalo ng Tuskan. Hindi man niya nakikita ang buong pangyayari pero ang mga halaman at hayop nakapaligid sa kanya ay ang nagsilbing reporter niya. Ang mga ito ang nagbabalita sa kanya sa kasalukuyang nangyayari sa Tuskan. Sa pamamagitan din ng koneksyon niya sa mundo, ay nararamdaman niya ang agos ng mga pangyayari. At sa pamamagitan niyon ay kaya niyang siguraduhin na ligtas ang mga inosenteng tao sa Tuskan. Hindi niya kailangang mag-alala sa mga kahayopan dahil matagal nang nakaalis ang mga hayop sa Tuskan maliban nalang sa mga kabayong gamit ng mga sundalong Tuskan at iilang alaga ng palasyo.
Alam ni Brynna na ang kaibigan at mismong ang mga elemento ay nagbibigay ng sanctuary sa iilang Tuskani. May iilang piling lugar sa Tuskan ang nanatiling ligtas sa pananalasa ng kalikasan. Habang pinakiramdaman ni Brynna ang lupain ng Tuskan ay hindi maiwasang maramdaman din nito ang pagtaas ng temperature ng mula sa ilalim ng lupa patungong ibabaw. Isang likidong apoy, Para iyong lava na mula sa iang pumutok na bulkan pero mas mainit. Ang kahit na sinong mapalapit ng isang metro sa init na ito ay masusunog ang katawan, pag mas malapit pa sa isang metro ay kahit abo ay walang maiiwan sa katawan ng tao. Kaya hindi niya kayang isipin kung gaano kainit ang likidong apoy na ito. Kahit ang isang FireMage na may angking kakayahan na hindi tinatablan ng apoy ay hindi parin ligtas sa likidong apoy na ito. Maliban nalang siguro sa kaibigan niyang si Seregon, pero hindi parin isang daang pursyentong sigurado si Brynna.
Habang ang buong konsentrasyon ni Brynna ay nakatuon sa pangyayari sa Tuskan, si Xander naman ay walang kakurap-kurap na nakatitig kay Brynna. Hindi man nito alam kung ano ang ginagawa ng dalaga ay hinayaan niya ito. May pakiramdam kasi itong pag ginambala niya ito ay magagalit ito sa kanya. At hindi lang iyon, bilang isang Mage, nararamdaman din ni Alexander ang pagbabago sa kapaligiran, hindi nga lang niya matukoy kung ano iyon, pero mukhang alam ng babaeng nasa harapan.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasíaLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...