Nagkita sina Tempest at ang grupo ni Brynna sa mismong gate ng Baltaq. Karga-karga ni Rhiwallon ang natutulog na si Rhyddik."Sigurado ka ba Tee na umalis kasama namin? May ilang araw pa naman bago ang araw na napagkasunduan nating magkita sa Quoria." Naisip kasi ni Brynna na baka kailangan pa ng kaibigan panahon, hindi naman kasi ganun nalang kadali ang magpaalam, lalo na at maraming kailangang gawin sa Baltaq. Di biro ang mga nangyaring pagbabago.
Umiling si Tempest, "Gagahulin tayo ng oras, kailangang maihatid muna natin si Rhiwa sa Khu-Gwaki."
"Khosanen Tempest, hindi na kailangan. Kung pahintulutan ninyong makapasok sa kaharian ng Quoria ang aking asawa, ipapaalam ko lang sa aking pamilya ang kinaroroonan ko nang sa ganun ay masundo kami ng aking anak."
"Sigurado ka Rhiwa?" dudang sabi ni Tempest. "Mas mapapanatag ang loob ko kung nasa loob ka ng kaharaian ng Khu-Gwaki."
"Sigurado ako Khosanen Tempest. Sobrang laki na ng naitulong mo sa aming mag-ina." Nahihiyang sabi ni Rhiwallon.
"Wag mong isipin iyon Rhiwa, ang totoo, mas mapanatag din ang loob ko kung nasa lupain ka ng Khu-Gwaki lalo na at kasama mo si Rhyddik. Naisip ko kasi baka magbagong anyo si Rhyddik. Ang kaharian ng Quoria, kahit sabihin pang mapayapa, halo-halo ang tao doon na nagmula sa iba't-ibang kaharian. Mabibilang lang ang mga tao o baka wala pa ngang nakakakita ng dragon." Paliwanag ni Brynna.
Sa narinig ay napahinuhod din si Rhiwallon. "Kung ganun, kayo ang magpasya Khosanen Tempest."
"Rhiwa, tigilan mo na ang kakatawag mo sa akin ng Khosanen. Tempest o Tee nalang. Naalibadbaran ako. Mula sa Baltaq hanggang Khu-Gwaki ay aabutin tayo ng ilang araw." Saglit na nag-isip si Tempest. Maya-maya lang ay muling nagsalita ito. "Ganito nalang, sumama ka muna sa amin sa Quoria, sabik na rin kasi akong makita ang aking mga magulang, at pagkatapos naming magkitang magkakaibigan kami mismo ang maghahatid sa iyo sa Khu-Gwaki. Ngayon kung nag-alala ka sa pamilya mo, pwede mo namang ipaalam sa kanila ang kinaroroonan mo. Sa mismong bahay ka namin manirahan, malaki at malawak ang aming lugar, nasisigurado ko na ligtas kayong dalawa ni Rhyddik. Okey lang ba yon Rhiwa?" nakangiting tanong ni Tempest.
"Ikaw ang masusunod Khosanen Tempest." Sang-ayon ni Rhiwallon. Gustuhin man nitong umuwi kaagad, pero nanaig ang takot para sa kaligtasan ng anak. Naisip din ni Rhiwallon na may posibilidad na mangyari ang sinasabi ni Tempest, hindi ligtas si Rhyddik lalo na kung mag anyong dragon ito. "Ipagpatawad ninyo Khosanen Tempest, pero hindi ko magawang tawagin ka sa iyong pangalan, isang napakalaking kasalanan niyon sa kaharian ng Khu-Gwaki." Napabuntonghininga si Tempest sa narinig, di nagpilit. Tumango ito kay Rhiwallon, ipinakitang naintindihan nito ang naramdaman ng babaeng weredragon.
"Alright, Bree? Ride or fly?"
Natigilan si Rhiwallon sa narinig. Hindi maintindihan ang ibig sabihin ng Khosanen nito.
Tumingala si Brynna, sabay bulong, "sasakay tayo." Tatlong malalaking lawin ang nagpakita sa himpapawid. Mabilis na bumulusok ang tatlo pababa, patungo sa kinatatayuan nila. Ang mga guwardiya sa itaas ng gate ay naghiyawan ng makita ang mga lawin, nakatingala. Walang takot na lumapit si Brynna sa pinakamalaki sa tatlo at kinausap. Ipinakilala nito ang tatlo kina Tempest at Rhiwallon. "Ito si Soaring Wind, ang pinakamatanda sa kanilang tatlong magkakapatid. Ang pangalawa ay si Gliding Wings at bunso na nag-iisang lalaki ay si Mighty Wings. Lumapit si Tempest sa pinakamaliit na lawin na si Mighty Wings at hinaplos ang kulay puti at ginintuang balahibo ng lawin.
![](https://img.wattpad.com/cover/59075275-288-k228145.jpg)
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasyLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...