Fifty-one:Tuskan

3.9K 205 24
                                    

Walang kahit konting ingay ang mga paang naglalakad si Rai.  Mabilis ang kilos pero maingat na nagtatago sa dilim habang sinusundan ang isang lalaki.

Ilang araw na nitong minamanmanan ang lalaki. Mula ng makita nito sa Lady Love Inn ay hindi na ito tinantanan ni Rai.

Nakita nitong kumatok ng tatlong beses ang lalaki sa pinto, maya-maya lang ay may nagbukas pero hindi nakita ni Rai kung sino iyon. Pagkapasok ng lalaki ay agad na sumara ang pinto. Noong nakaraang araw ay galing din dito ang lalaki.

Nananatili si Rai sa kinaroroonan. Alam na nito kung sino-sino ang kakatagpuin at ang maaring pag-uusapan ng mga katagpo ng lakaki.

Gaya ng inaasahan lumabas muli ang lalaki at walang pagmamadaling naglakad paalis. Madilim at makipot ang daan. Ang lugar na kanilang kinaroroonan ay delikado paggabi pero hindi niya ito alintana. Mukhang ganun din ang lalaking sinusundan. Walang takot itong naglakad paalis sa lugar. Kulang nalang sumipol ito at mukha na talaga itong naglalakad sa parke. Ang taong kagaya nitong parang walang takot na tambangan ay  mas delikado pa sa mga taong nagtatago sa dilim. Hindi aaktong puno ng kumpiyansa ang lalaki kung hindi malaki ang tiwala nito sa sariling kakayahan.

Nakalampas ang lalaking sinusundan ni Rai sa makipot at madilim na parte ng kabahayan at ngayon ay balik sa lugar na tanging mga mayayaman lang ang nakakaapak. Deretsong naglalakad ang lalaki. Tumatango ito sa mga nadadaanang mga sundalong nagbabantay.

Hindi naglaon ay huminto sa isang malaking gate ang lalaki. Bago pa ito makapasok ay lumabas sa pinagtataguan niya si Rai.

"Magandang gabi Mister Marcus---

Hindi pa man natapos ni Rai ang pagbati ay may kumislap na bagay na lumilipad patungo sa kinatatayuan ni Rai.  Inaasahan na iyon ni Rai kaya mabilis siyang naka iwas ng hindi inalis ang tingin sa lalaki.  

Rai know that Markus is a kind of man who hit first and asked question later.  Pagtinamaan ka aw, sorry.  Lalo na at bigla nalang siyang nagparamdam dito. 

"Sino ka?" Matigas na tanong nito.

See?  Kung nagkataong napuruhan siya sa dalawang patalim kanina...

"Kailangan kung makausap ang iyong lolo."  Sagot ni Rai na nanatili sa kinatatayuan at alerto.

"Hindi mo sinasagot ang aking tanong? Sino ka?"

"Isang kaibigan." Sagot ni Rai.

"Hindi yan ang tinatanong ko?"

"Ang pagkatao ko ay hindi importante. Hindi ko na dagdagan pa ang maraming sekretong itinatago mo Markus. At duda ako kung kakayanin mo kung ipagtapat ko ang sekreto ng pagkatao ko at mga nalalaman ko. Kung hindi mo ako bigyan ng pagkakataong kausapin ang lolo mo na saiyo yan. Basta tandaan mo, binigyan ko ang lolo mo ng isa pang pagkakataon." Iyon lang at tumalikod na si Rai. Aalis na sana ito ng biglang tawagin ni Markus.

"Saglit!" Napalingon si Rai.

"Sumunod ka sa akin." Ang sabi ni Markus na nauna ng pumasok sa loob.

Natigilan si Rai ng makapasok sa loob ng bahay. Tanging isang globe light lang ang nagbibigay liwanag sa loob ng marangyang bahay. O marangya noon, ngayon ay halatang napabayaan na. Ang mga kagamitan ay natatakpan ng puting tela at walang katao-tao sa loob. Ni walang sumalubong kahit isang utusan kay Markus.

Deretso akyat ng hagdanan si Markus kaya sumunod na rin si Rai. Sa pinakadulo ng pasilyo ay ang nag-isang silid na may liwanag na naggagaling sa loob. Kumatok si Markus ng dalawang beses bago pinihit ang seradura at binuksan ang pintuan.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon