Habang kumakain ay napapansin ni Tarieth na pinagtitinginan sila ng ibang studyante pero wala namang naglakas ng loob na kausapin silang tatlo. Nakita ni Tarieth na kinawayan sila ni Vanity, katabi nito si Rosemair. Kumuha muna sila ng pagkain bago lumapit sa mga ito at doon umupo. Si Seregon ay kasama naman sa ibang mesa ang ipa bang mga kaibigan nito, isa na roon si Reavel.
"Alam n'yo ba na wala ng ibang pinag-uusapan dito kundi kayo? Lalo na ikaw Bree? Ikaw pala ang nag-iisang anak ng Duke ng Brun!"
Halatang hindi alam ni Brynna kung ano ang isasagot pero ngumiti ito.
"At pinag-usapan din ang ginawa ninyo kanina sa training ground. As usual marami na naman ang bumilib kay Commander General Strongbow at sa inyo rin. Lalo na kay Seregon!" Parang kinilig pa ito ng banggitin ang pangalan ni Seregon. Mukhang kagaya ng ibang kababaehan sa university ay hindi rin ito nakaligtas sa charm ng kapatid. "Kung nakita mo lang ang hitsura ni Koriene ng malaman niyang anak ng Duke si Brynna. Haay! Para akong nasa alapaap!"
"Van, hanggang ngayon ba naman hindi kayo magkasundo ni Koriene?"
"Naku Tempest wag ka ng umasa!" Sabay irap nito kay Tempest at saka muling hinarap ang pagkain. Natawa lang si Tempest sa inasta ni Vanity, halatang kilala na nito ang kaibigan.
"Tutuloy ba talaga kayo sa Duel? Iiwan n'yo na ba talaga kami?" May lungkot sa boses na tanong ni Rosemair.
Sa unang beses na ipinakilala sa kanya ito ni Tempest ay magaan na agad ang loob niya sa babae. Halatang mabait ito.
"Narinig mo naman during meeting diba? Ayaw nila na magstay kami. We don't have a choice. You are not safe if I am here."
"Wag kang mag-alala Rose, Vanity dahil mukhang magtatagal pa kami dito ng konti." Napatingin si Tarieth kay Brynna, nagtatanong ang mga mata. "Nakausap ko kanina ang--si Com. Gen. baka may changes daw sa decision ng university or school council."
Natuwa naman sina Vanity at Rosemair sa narinig.
Siya. Hindi niya nagustuhan ang narinig. Tahimik na ipinagpatuloy niya ang pagkain.
Kinabukasan ay ipinapatawag sila ng High Lord. Ipinaalam nito sa kanila ang napagdesisyunan ng university council. Totoo ang sinabi ni Bree. Kailangan nilang magstay.
Si Brynna ay kailangan magtrabaho sa infirmary, silang tatlo ni Tempest at Seregon ay kailangan magpatuloy sa pag-aaral pero ang kasama nila ay ang mga pioneering students(fourth years).
Ang mga Pios (pioneer student) mostly work in the field. At dahil sina Tempest at Seregon started as BattleMage students, yon din ang pinili niya. Ngayon patungo sila sa wing ng mga pios kung saan naroroon ang mga classrooms.
Naninibago si Tarieth sa mga nakikita. Kakaiba ang wing na iyon. It was busting with activity. May mga studyante din na nakatambay sa hallway. Ang iba ay nakaupo sa sahig, ang iba ay kanya-kanyang grupo na nag-uusap. At sa tuwing dadaan sila ay tumatahimik ang mga ito at pinagtitinginan sila, nakaka intimidate. May magilan-ngilan naman na bumabati at nakakilala kay Tempest at Seregon, isa sa mga bumati ay pinagtanungan ni Seregon ng direksyon. Dahil first time nilang umapak sa wing na iyon kaya di nila alam ang pupuntahan. Itinuro naman sa kanila kung nasaan ang silid na hinahanap nila.
Sa wakas ay nasa harapan na nila ang silid na hinahanap. Si Seregon ang kumatok ng tatlong beses. Maya-maya lang ay mag nagbukas ng pinto. Nagulat pa sila ng ang nagbukas ay walang iba kundi si Master Bris Cadwallader. "Pasok." Hindi na nito hinintay kung pumasok ba sila. Basta nalang ito tumalikod at lumapit sa isang malaking misa na nasa gitna ng silid.
Maliban sa iba't-ibang sandata na nakasabit sa loob ng silid, isang maliit na misa na may isang upuan sa likod ay wala ng ibang kagamitan sa loob. It was very plain and bare.
Sa itaas ng table ay may malaking mapa. The map shows the north side of Quoria kingdom.
"Good morning Master Cadwallader." Bati ni Tara. "Ako po si Tarieth Windstone. AirMage student."
"Good morning." Humarap ito sa kanila. "As you all know, you will be learning under me. As a pioneer, we allowed our BattleMage students to practise working in the field. Our kingdom thanks to the elements are currently at peace but that doesn't mean we are safe. That's the reason why palaging binabantayan ang ating mga borders lalo na ang norte kung saan palaging may nakaambang panganib." Itinuro nito sa mapa ang norte. "Beyond our walls are lands we are still trying to explore. And beyond the lands are the vast waters. And beyond the waters are another lands we haven't explored yet. Our king does not allowed our fleet to voyage there. We are simply not ready. We believed na may mga iba't-ibang tribu ang nakatira sa malawak na lupain sa kabila ng border. All pioneer students have rotation patrolling the border. And that is why you three are here. Instead na mag ensayo kayo gaya ng iba. You will be given your first week of wall duty. Don't worry, it's quite safe basta sumunod lang kayo sa utos ng inyong superior. Tomorrow, kasama ang iba pang mga pioneer ay aalis kayo papuntang norte. Good luck sa inyo. You have the rest of the day to prepare." Iyon lang at dismiss na sila. Pagkatapos magpasalamat at magpaalam ay lumabas na sila sa silid at bumalik sa kanilang mga silid without talking.
~~~~*•*~~~~
Kinakabahan si Brynna habang naglalakad papuntang infirmary. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagiging eight years old, noong inang umapak siya sa Academy ng Palan. ang kaibahan nga lang ay ngayon hindi na siya anak ng isang preserver. She is now the daughter of the Duke of Lancaster. And it's also the reason kaya siya mas lalo siyang kinabahan. Ayaw niyang magbigay siya ng kahihiyan sa kanyang mga magulang at kanyang mama Sola.
Ang infirmary ay tahimik ng pumasok si Brynna. Agad na pinunatahan ni Brynna ang silid ni Master Whiteshades na siyang HeadHealer doon. Kumatok muna si Brynna bago pumasok.
"You must be Brynna. Which one should I use Whitethistle or Lancaster?" May ngiti sa labing tanong ng HeadHealer.
Nahihiyang sumagot si Brynna,"kahit alin po."
"Lancaster then, as much I respect High Lady Sola, hindi ko pwedeng ipagwalang bahala ang pagiging anak mo ng Duke. I don't want to cause insult hija. "Ako naman si Miranda Whiteshades."
"Good morning Master Whiteshades. Ikinagagalak ko po kayong makilala."
"The pleasure is mine hija. I was so excited when I learned that the High Lady have an apprentice. I always wanted to be her apprentice you know. Matagal bago nag manifest ang kapangyarihan ko hija. And during that time, tanyag na magaling ang High Lady sa buong kontinente. Tanyag din na hindi kumukuha ng apprentice ang High Lady. She was always busy. Naintindihan ko. And now here you are, much younger than the High Lady herself noong naging isa siyang HealerMage. Hindi mo alam na natuwa ako na makasama ka hija. The council said that you will study under me. But, I have always high regards with the High Lady at sa kanyang kakayahan. Maybe, just maybe I could learn something from you hija. Kahit matanda na ako, hindi pa naman siguro huli para matuto diba?" Ngumiti ito sa kanya. Hindi malaman ni Brynna kung matuwa o matakot dito. Sobrang taas ng expectation nito sa kanya? Isa lang ba itong ploy? Pero sobrang genuine ng mga ngiti nito and ramdam niya ang warmness ang pagtanggap niyo sa kanya.
"C'mon hija, I'll show you personally the infirmary and of course it's residents."
Parang naglakad sa alapaap na sumunod si Brynn kay Master Whiteshades kahit puno ng pangamba ang kanyang dibdib.
•note•
As I have said, I am giving them a chance to get to know the school kahit ilang araw lang. Thank you sa lahat ng mga reads and votes! Paxenxa na matagal ang ud. Nanood ako ng Playful Kiss! Kinilig ang lola. Then I realized na may similarity si Hana sa Saving all my love na book ko at ang movie! But xempre mas maganda ang palabas! Parang gusto kung mag sulat ng pampakilig! Lol! Pampawala lang ng stress. Ikaw ba naman makapagsulat ng 15 chapters kung hindi matigang ang utak mo! I deserve a break!Kiss! Kiss!😘
xiantana

BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasyLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...