Thirty: Friend or Foe

4.2K 199 6
                                    

Napasinghap si Brynna sa nakita. No wonder iritado ito. Malaki ang sugat nito sa binti. And it was oozing with puss. Kung sino man ang nag-aasikaso nito ay hindi ginamot ng maigi. Nang tingnan niya ang pangalan sa nakasulat doon ay saka niya nalaman na isang student lang ang nagpapalit ng benda sa sugat. And she's not doing a great job.

"Daniel, your wound have infection. At dahil doon you have a slight fever. Meaning your body is starting to fighting the infection. I will try to clean your wound and heal after. Hindi ko pwedeng deretsong isara ang sugat without cleaning it first. I will warn you though that it will be a little bit painful. Are you up to it?"

Tinitigan siya nito bago dahan-dahang tumango.  Muling tumayo si Brynna at lumabas ng silid para magtungo sa supply room.  She needs medicines and tools sa gagawin niya.  Naabutan niya roon si Master Wood.  Ipinaalam niya dito ang plano niyang gagawin.  Sumangayon naman ito.  Inilagay ni Brynna ang lahat ng mga kinuhang gamit sa ditulak na tray at naglakad pabalik sa room XIX.

Tahimik ang silid ng muling pumasok si Brynna bagaman gising ang karamihan sa mga pasyente doon. Kinabahan man ay nilakasan ni Brynn ang loob. This is what she dreamt of doing all her life. And she will do it using all her knowledge in healing sa abot ng kanyang makakaya. She will help this students and heal them.

"Are you ready Daniel?" Bahagyang tumango ito.

With his permission, nagsimula na si Brynn sa kanyang trabaho.  May isang dangkal ang laki ng sugat nito sa binti.  Hindi sigurado ni Brynna kung anong nakasugat doon pero sigurado siya na hindi knife wound iyon.  Hindi malinis ang hiwa.  Sapantaha niya natamaan ng debris na tumalipon during the fight ang paa nito.  Metikulosa si Brynna sa kanyang trabaho lalo na ang paglilinis ng sugat.  Alam niya kasi na kung may matitira kahit konting dumi doon ay dilikado ito na magkaroon ng infection.  If that happens mas lalong mahirap iyon at masakit sa pasyente.  She needs to re-open the wound again, let it bleed hanggang sa lumabas ang lahat ng nana, pag purong dugo na ang lumalabas ay saka niya ito linisin muli ng mabuti.  In Daniel's case, hindi na niya kailangan lagyan pa ng kahit anong medisina.  She will heal it and seal the wound.  Masyado ng matagal ang pagtitiis nito sa sakit. 

Nang sa wakas ay nalinis na niya ang sugat ay saka niya tinawag ang kanyang kapangyarihan.  Napaiktad si Daniel ng makita nito na unti-untimg may lumabas sa kanyang mga palad na liwanag.  "Relax, I'm starting the healing process, there will be a little pain since the skin will start to knit together.  But I don't think it will be too painful.  My power have will help you not to feel too much pain.  Pero kung masakit, sabihin mo sa akin okey?"  Tumango ito.

Ibinalik ni Brynna ang atensyon sa ginagawa.  Nakita niyang unti-unting gumaling ang sugat nito.  Once done, walang iniwang peklat ang sugat.  Saka lang tumayo si Brynna at nilinis ang kalat sa higaan ng kanyang pasyente.

"I'm afraid na kailangan mo pa rin na magstay dito Daniel.  May bali ka sa kamay.  Maganda ang pagkakaayos ng mga buto kaya di na kailangang gamutin ko yan, but you need to be extra careful with your arm. It's healing well.  At ang iba mo pang pasa sa katawan ay papagaling na.  Baka bukas e inform ko si Master Whiteshades na baka pwede ka ng bumalik sa student quarters mo granted na alagaan at maging maingat ka sa iyong baling kamay.  So, how are you feeling?"  Inquire ni Brynn dito.

"I'm feeling so much better now Miss.."

"Brynna, Brynna Lancaster." Pakilala ni Brynn muli sa sarili. Halatang nagulat ang kanyang pasyente base sa expression ng mukha nito.

"Lady Brynna, I'm sorry sa naging asal ko kanina. At maraming salamat sa paggamot sa akin."

"Brynna, just Brynna. At walang anuman. Now if you'll excuse me. Titingnan ko lang ang iba pang pasyente. Magpahinga ka na. Your body needs to keep up after the healing process." Magaan ang pakiramdam ni Brynna nagpaalam kay Daniel. Ramdam niya ang sinseridad ng pagpapasalamat at pakumbaba nito. And it makes her happy. Aalis na sana si Brynna ng mapansin niyang may tao sa kanyang likuran. Noon lang niya napansin na may mga tao pala na nakatayo doon. The scene remind her of the academy. During the time na nag observe silang mga studyante sa mga HealerMages sa aktong pangagagamot ng mga ito. Kasama sa grupo si Master Wood.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon