Nagising si Val sa amoy ng pritong baboy. His stomach grumbled telling him he needs to get up and eat. Iyon ang kanyang ginawa. Still wearing his thick cloak with the hood covering his head, he went downstairs. Sinalubong si Val sa asawa ng Inn keeper na si Aling Argie at pagkaupo ni Val ay inihain sa harapan nito ang pagkain. Tahimik ang Inn, maliban kay Val at dalawang tao na kagaya niyang kumakain ay wala ng tao doon.
Pagkatapos bayaran ang kinakain ay kinausap ni Val si Mang Benjur. Nagtatanong kung saan madaling makahanap ng trabaho.
"Depende sa kaya mong gawin Mister Val."
"Ngayong malapit na ang tagsibol ay maraming nangngailangang farm ng tulong. Pwede rin tauhan sa palasyo." At pabirong dinagdag pa nito, "kung may kapangyarihan ka, pwede ka sa Arcane tower." Sabay tawa nito.
"Arcane Tower?" Val asked with just a tiny hint of curiosity in his voice.
"Lahat ng mga mages dito sa Kurlaz ay nagtatrabaho sa Arcane Tower."
"Anong klaseng trabaho?"
"Di syempre, mga gawain na may kinalaman sa mahika."
"Ahh." Tumango-tango si Val sa kawalan ng masabi. "Mang Benjur, marunong po akong magluto. Pwede po kaya akong magtrabaho sa palasyo?"
Nagtataka si Val kung bakit tumawa si Mang Benjur. "Bakit po?"
"Mister Val, mahigpit ang palasyo. Halika may sasabihin ako sayo." Nagtataka man ay lumapit si Val dito at nakinig sa sinabi ni Mang Benjur.
Unang araw ni Val sa kanyang trabaho.
Dahil sa tulong ni Mang Benjur ay nakahanap ito ng trabaho. Isang stable boy ng palasyo. Bago sumikat ang araw ay nagsimula na sa trabaho si Val. Nalinis na niya ang yard at ngayon ay tinutulungan ni si Master Roly sa paggogroom ng kabayo. May mga kabayo doon na hindi pinapagalaw ni Master Roly sa kanya o ng apat pa niyang kasamang stable boy. Ang mga kabayong tinutukoy nito ay ang mga high breed stallion, mga kabayo daw iyon na paborito ng hari.
Tanghali na ng may dumating na apat na lalaking sa unang tingin palang ni Val ay nahahalata nito na mga sundalo. Mabilis na kinuha ng mga kasama ang renda ng mga kabayo ng bagong dating, nakigaya din si Val. Pagkatapos ibigay kay Val ang renda ng kabayo ay tinalikuran kaagad siya ng matangkad na lalaking sakay niyon. Mabilis naman na inasikaso ni Val ang kabayo.
Ilang araw na ganun ang buhay ni Val. Kasundo naman niya ang kanyang mga kasama maliban sa isa. Si Edwin. Pero basta sinusunod niya lang ito ay wala siyang problema dito. Ang tatlo pa niyang mga kasama sa trabaho ay si Marlon, sumunod kay Edwin sa tagal na nagtatrabaho bilang stable boy, magkasabay naman na nagtrabaho doon si Rey at Jason. Sa tingin ni Val ay hindi magkakalayo ang edad nilang tatlo ni Marlon at Rey na nasa labing walo. Ang pinakabata sa kanila ay si Jason dahil sa tingin Val ay nasa labing-dalawang taon ito. Si Edward naman ay nasa dalawampu. Ang pinakamatanda sa kanilang apat.
Sa unang araw ng pahinga ni Val ay inaya siya ni Marlon na magpunta sa bayan. Natuwa si Val dahil simula ng magtrabaho siya sa palasyo ay hindi na siya muling nakabalik sa bayan. Bibisita din siya Little Lamb. Maaga pa lang ay nasa bayan na sila ni Marlon. Habang naglalakad at nagpatingin-tingin sa mga binta sa pamilihan ay may mangilan-ngilang kakilala si Marlon na bumabati dito. May mga babae din na magiliw na ngumiti dito siguro dahil may hitsura ito. Lagi din itong may nakahandang ngiti sa mga nakakasalubong nito. Masayahin at madaling tumawa rin ito.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasyLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...