Seventeen: Strangers

4.5K 169 9
                                    

She saw the king first. 

Nanlaki ang mga mata ni Tara ng makilala ang hari.  The man was wearing the same clothes with the man Master Cadwallader was talking a while ago.  Ang kaibahan lang ay may suot na itong gintong korona at kapa. He is tall man with broad shoulders, tanned skin and almond shape gray eyes. His attention anchored on the High Lord, whatever he saw on the High Lord face was not good because his expression turned grim.

Walking beside him was one of the most beautiful petite woman Tarieth had ever laid her eyes upon. And to think na puro magaganda ang mga elfo. Kung gaano ka tangkad ng hari, ganun naman ka liit ang reyna. She barely reach his shoulder. Her hair was beautifully coiffed at the back of her head. May nakapatong sa ulo nito na isang gintong korona na puno ng iba't-ibang kulay na diamanteng nagkikislapan. Ang suot nitong puting gown ay simple lang pero bagay na bagay dito. Hindi magawang alisin ni Tarieth ang mga mata sa pagkatitig sa mukha ng reyna.

Nagsimula na naman ang usapan. Ipinaalam ng hari ang naging usapan bago pa ito dumating. Sa gitna ng pag-uusap ay biglang dumating ang lola ni Tempest.  Inakusahan nito na impostor ang babaeng nagngangalang Valerya Narmolanya.  In fairness naman sa lola ni Tempest, totoong wala naman talaga din siyang nararamdamang lukso ng dugo dito na kagaya ng nararamdaman niya pag may elfo sa malapit.  Gaya nalang ngayon ng dumating ang Commander General.  Commander General ViticiPrema Ioan Narmolanya.  Siguradong sobrang proud si Master Drakon dito.  Lalo na siguro sina Raiden at Daxen. 

Hindi hiniwalayan ni Tarieth ang commander ng tingin kaya naman ng patalilis itong umalis ay sinundan din niya ito.  

Lumabas ito sa school at naglakad patungong gate.  Ni hindi nito pinasama ang mga tauhan.  Mag-isa niyong tinungo ang gate.  She followed her at a safe distance mahirap na.  Nagtago si Tara sa likod ng statue habang ang sinusundan ay lumabas ng gate.  Noon lang din niya napansin na may nakasunod din pala sa kanya.  Si Karess.

"Sino kayo?" Narinig ni Tarieth na tanong ng commander sa lenguahe ng Quoria.

"We -are -here -by -the -order -of -our -queen! We are from Khu-Gwaki." Narinig ni Tarieth na sagot ng boses lalaki.  Paput-putol ang salita niyo na para bang nagpapraktis pa lang magsalita.

Wait---what?  Khu-Gwaki?  Isn't that dragon lands?  No wonder hindi ito marunong magsalita ng common tongue.

            "Tara! Kanina ka pa namin hinahanap." Si Brynna.

"Shhhsss..." Saway niya sa mga kaibigan na dumating.  Itinuro niya sa mga ito ang pigura ng lola ni Tempest. Nakatayo ito, feet apart. Ang dalawang kamay ay ipinagkrus sa ibaba ng dibdib. May kausap itong apat na matatangkad na tao na nakakapote. Natatakpan ang mga ulo ng apat kaya hindi nila makita ang hitsura ng mga ito. Tahimik na nagmasid at nakinig silang lima, panglima si Karess.

"Anong sabi?" pabulong na tanong ni Brynna. "Bakit hindi ko maintindihan?"

"It's Khu-Gwaki language. Isa sa mga tanyag na lugar ng Animalia Were Kingdom." Sagot ni Tara.

"Ahhh. Kaya pala. Alam ko ang lenguahe nila pero konti lang." si Brynna. Patuloy na nakinig ang

"Kung ang sadya ninyo ay may kinalaman sa nangyaring paglusob ng mga kalahi ninyo sa paaralan na ito ay pumunta kayo sa palasyo at makikipag-usap kayo sa council. Ngayon kung ang sadya ninyo ay ang aking esposo, umalis na kayo. Hindi ko papayagan na alin man sa mga lahi ninyo ang kakausapin siya. Ako si ViticiPrema Strongbow. Ang asawa ko ay si High Lord Firen Strongbow hindi Khosanen Firen Gwawrddydd. Kaya umalis na kayo."  Sagot ng commander sa mga ito. 

Sa narinig ay mabilis na lumuhod ang mga ito, itinukod ang dalawang palad sa lupa at humalik doon ng dalawang beses. Pagkatapos gawin iyon ay muling tumayo ang apat.

"Ipagpaumanhin niyo Khosani ViticiPrema, hindi ka agad namin nakilala." Ang sabi ng parehong lalaki kanina na nagsalita ngunit ngayon ay nakayuko ang ulo. Namumula ang mukhang humingi ito ng paumanhin na para bang isang malaking kahihiyan ang nagawa.   Which in truth, kung totoong Khosani ang commander ay talagang dapat lang na igalang ng mga ito.  Khosani means Princess in Khu-Gwaki language. 

"Wow!  It only mean one thing.  Isang blue blood ang lolo ni Tee!" Napatingin si Tarieth sa kaibigan.  Mukhang hindi pa nagsink in dito ang narinig.

"By the gods!" parang nauubusan ng pasensiya na sambit ng Commander. Parang gusto na nitong magpapadyak sa inis. Pero dahil ito ay isang commander general nakontinto na hanggang sa salita lang ilabas ang inis.

"MeFelina, anong ginagawa mo dito? Sino na naman ang kawawang tene-terrorize mo?" tanong ng High Lord na paparating. Kumindat pa ito pagdaan sa tapat nila na nanatiling nakatago. Tumigil ito sa tabi ng asawa.

Halatang natigilan ang lolo ni Tempest ng makita ang apat na nasa harapan. Nawala ang ngiti sa mga labi nito. At seryoso ang mukha ng magsalita. "Ano ang ginagawa ninyo dito?"

Hindi agad sumagot ang mga tinatanong dahil muling nagbigay galang ang mga ito sa High Lord. Lumuhod ang apat at inilapat ang mga palad sa lupa at yumuko para halikan iyon ng dalawang beses at nanatiling nakayuko.

Halatang naubusan na ng pasyensa ang lolo ni Tempest pero nagpigil lang.  "Tumayo kayo." Utos nito, mabilis naman na tumayo ang apat.

"Anong kailangan ninyo?"

Kumilos ang kaliwang kamay ng pinakamatangkad sa apat akmang may kukuhanin sa loob ng kapoteng suot nito. Nagulat ang lahat ng mabilis pa sa kidlat na kumilos ang  Com. Gen.. Bago pa magawa ng lalaki ang pakay, may nakaambang kumikinang na hagibis sa leeg nito.
Napalunok ang lalaki, tanging ang mga mata ang tanging gumagalaw at nakatingin sa High Lord.  At least may utak ito na hindi gumalaw. 

"MeFelina..." Narinig nila na sabi ng High Lord sa asawa.  As if to say "take it easy".

Hindi inalis ni Commander Gen. ang patalim na nakatutok sa leeg ng kaharap, pero inilahad nito ang kanang kamay. Dahan-dahang ibinigay ng lalaki ang isang nakarolyong papel. Tinanggap iyon ng commander gen. and step backward without losing eye contact sa apat na estranghero. Ibinigay nito sa asawang ang papel na nakarolyo. Agad naman na binuksan iyon ng huli at binasa. Pagkatapos ay muli itong nagsalita.

"Pag-isipan ko."

Tumango ang kaharap nito, "Maraming salamat Khosanen, Khosani at yumukod muli ang apat at paatras na humakbang ng tatlo pagkatapos ay saka tumalikod at umalis.

"Pwede na kayong lumabas." Nagkatinginan silang apat ng marinig nila ang sinabi ng lola ni Tempest. Guilty ang mga mukhang sabay sila na lumapit sa dalawa.

Nanlaki ang mga mata ng lola ni Tempest kaya lahat silang apat ay napatingin sa kanilang likod. Ngunit wala silang makitang tao sa likod, pero ng mapatingin sila sa lupa ay naroon nakasunod pala sa kanila si Karess.

Mabilis ang kilos ng lola ni Tempest na yumuko pagkatapos ay nagsalita sa lenguahe ng mga elfo. "Greeting to you Princess Karessiyana."

"Greetings to you Princess ViticiPrema Ioan Narmolanya Strongbow." Sagot naman ni Karess na bahagya ding iniyuko ang ulo.

"Kilala ninyo ang isa't-isa?" nababaghang tanong ni Tempest.

"Parang natatakot akong magtanong kung ilang taon na si Karess." Si Brynna.

Natawa si Prema sa narinig. "Spinx are rare ang very special creature. They age very slowly." Paliwanag ng Commander, pagkatapos ay muling binalingan si Karess. "Kumusta ka Princess Karess?"

At kagaya ng inaasahan nilang apat, nahihilo ang Commander sa sagot ni Karess.

Sabay silang lahat na bumalik sa paaralan. Tahimik ang lahat habang naglakad papasok. Walang naglakas loob na magtanong dahil hindi pa rin maipinta ang mukha ng High Lord kahit si Tempest ay tahimik.

Naabutan nila sa loob ng kanilang silid ang mga magulang ni Brynna at High Lady Sola ngunit wala roon ang hari ay reyna.

Nakaupo silang lahat sa sofa maliban sa lola ni Tempest na nanatiling nakatayo malapit sa bintana.  Nagkumustahan at nagbalitaan ang dalawang pamilya.  Matagal din na nag-uusap ang mga ito hanggang sa nagpaalam ang mag asawang Lancaster.

•note•
Bitin noh?

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon