Eighty-six: Fighting Master Andracus

4.8K 124 39
                                    


Mabilis ang takbo ni Tara papasok sa kwueba, hindi nakaligtas sa pansin niya na mas lalong dumami ang kulungan, bawat isa ay may tig-iisang laman, hindi mawatasan ni Tara kung anong klaseng nilikha ang mga iyon.

Padilim ng padilim ang loob ng kuweba, sa bawat dalawang metro ang pagitan ay naiilawan ito ng globe light na nakapatong sa hugis kamay na bakal, mistula iyong totoong buhay na kamay.

"May sapak yata to sa ulo si Andracus." Hindi napigilang sabi ni Tara na ang tinutukoy ay ang kamay na nakahawak sa globe light.

Bahagyang humina ang takbo ni Tara ng mamataan sa unahan na wala ng nakahilirang kulungan, sa halip ay may ilaw na parang kurtina. Para iyong alon ng dagat na pagnatamaan ng sinag ng araw ay kumikinang. Sakop ng kurtinang ilaw ang buong lugar. Nagmistulang harang ito.

Habang nakatingin sa kurtinang ilaw may kutob si Tara na sa kabila ng kurtinang ilaw ay doon niya makikita si Andracus. At higit sa lahat may pakiramdam siyang hindi ito nag-iisa. At malamang sa hindi na may mga nakahandang bitag doon si Andracus para sa kanya.

Alam niyang darating ako. Nakita niya ang kapangyarihan at kakayahan ko, kaya taong bobo lang o sobrang bilib sa sarili ang hindi maghahanda.

Kahit alam niyang piligro kung papasok siya ay hindi nangimingiming humakbang si Tara papasok.

Hindi nga angkamali si Tara.

Unang bumungaf kay Tara ay isang kakaibang kugar. Ang kaninang bobong na bato ng kuweba ay napalitan na ng kalangitan. Maitim ang ulap na parang uulan.

"Isang pocket dimension!" Gulat na bulalas ni Tara. Ang isang pocket dimension ay kapareho ng isang mundo ngunit limitado ang laki niyon. Naisip ni tara na ang kaninang dinaanan niyang parang kurtina ay ang pintuan na nagdudugtong sa Tuskan at sa maliit na dimension na ito.

Ha harapan ni Tara ay may nakahilirang mga nilalang na daig pa ang mga desiplinadong sundalo tuwid na nakatayo. Walang kagalawgalaw. Ang tanging kaibahan nito sa mga sundalo ay hindi ito mga tao kundi ibat-ibang klaseng nilalang. May werewolf, wereleopard, werelion pero may kakaiba sa hitsura ng mga were. Mayroon ding elfo! At higit sa lahat---si Andracus!

Nakatayo si Andracus sa pagitan ng hanay sa may pinakalikod ng mga sundalo nito. Ang itim na roba nito ay isinayaw-sayaw ng hangin. Taas noo iyong nakatingin kay Tarieth na para bang isa itong diyos at si Tarieth ay isang langgam.

"Dumating ka rin sa wakas." Nakangiting sabi ni Andracus na para bang bumabati lang sa matagal na kaibigan.

"Fight me Andracus, and I will spare all your men." Walang kangiti-ngiting sabi ni Tara habang nagsimulang humakbang palapit kay Andracus. Sa harapan ni Tara ay ang libo-libong mga sundalo ni Andracus, pero wala doon ang atensyon ni Tara kundi nasa iisang tao lang. Para sa kanya, ang tanging taong kailangan niya roon ay si Andracus at wala ng iba. Dahil ito lang ang may atraso sa kanya.

"Hahaha! Spare my men? Hahaha!" Nanunuyang tawa ni Andracus. "Na ikaw mag-isa? Sa tingin mo kakayanin mo kahit ang tatlong daan kong mga tauhan?" Nakangising sabi ni Andracus, makikita sa mukha nito ang hindi naniniwalang makakaya ni Tarieth ang tatlong daan niyang mga tauhan.

Ang totoo ay tama naman si Andracus. Kung ang pagbabasehan ay ang pangangatawan ni Tara kumpara sa mga tauhan ni Andracus ay mistula itong bagong silang na sanggol na makikipaglaban sa mga higante at malalakas na katawang nilalang.

"Fight me Andracus, and I will spare ALL your men." Seryoso pa ring sabi ni Tarieth na para bang hindi nito naririnig ang sinasabi ni Andracus at panunuya.

Para kay Tarieth hindi na kailangan pa ng maraming salita. Kill or be killed. Yon lang ang gusto niyang maging hantungan nilang dalawa ni Andracus. Ang iba pa ay wala na siyang pakialam. Dahil ito na ang kanyang pinakahihintay. Sa lahat ng mga pinagdaanan niya sa buhay, lahat ng pasakit at paghihirap. Hindi niya kailan man nalilimutan na ito ang pinakauna-unahan niyang naging kaaway at ang nagbunsod sa kanya na maghiganti. Ang pumatay sa kanyang matalik na kaibigang si Fu. Gaano man na katagal ang panahong lumipas, kahit ang tanging natira sa kaibigan niyang si Fu ay buto nalang, dadalhin niya at ihaharap sa libingan ni Gu ang ulo ni Andracus bilang alay dito. At sa kahit ganoong paraan, matatahimik ang kaibigan niya sa kabilang buhay.

Nanlilisik ang mga mata ni Andracus sa ipinakitang emosyon o mas tamang sabihin ang kawalan ng emosyon sa mukha ni Tarieth.

Tumalikod si Andracus at itinaas ang kamay. Noon napansin ni Tara na may mga kakaibang krystal sa lupa. Ang pagkakalagay ng mga krystal ay pormang pentagram. At hindi lang iyon, alam niya kung para ano ang mga krystal iyon. At may mga nakasulat sa lupa din sa lupa na mga karakter na hindi mawatasan ni Tara. Pero kahit hindi niya naintindihan, may kutob siya na iisa lang ang hangarin no Andracus. Ang gumawa ng portal. Gaya ng lugar na na kinaroroonan nila ngayon, dahil paglabas ni Tara sa kurtinang ilaw ay nasa ibang lugar na siya. At ngayon ay mukhang gagawa na naman ng ibang daanan si Andracus.

At hindi nga nagkamali si Tarieth. Pagkatapos itaas ni Andracus ang dalawang kamay ay may ibinulong ito sa hangin na mahikang hindi naririnig ni Tarieth kahit pa nakakarinig ang mga elfong katulad niya kahit sa maliit na kaluskos. Duda ni Tara na isa na naman iyon sa kapangyarihan ni Andracus. Bialng isang elemental mage, kaya niyang manipulahin ang hangin. Ngunit kung ang kalaban ay may mahika rin na panlaban, malaki ang posibilidad na hindi niya magamit ang kapangyarihan sa hangin. Maliban nalang kung gagamitin niya ang buo niyang lakas. Isang bagay na iniiwasan niyang gawin.

Nagsimulang umilaw ang mga krystal sa lupa. Pagkatapos ng nakakasilaw na liwanag ay may isa na namang kurtinang ilaw na lumitaw. Sa pagkakataong ito ay mas malaki at malawak iyon. Pagkatapos buksan ang portal ay binalingan ni Andracus ang isang tauhan na nagsilbing commander at may sinasabi. Pagkatapos sumigaw ang commander sa mga tauhan. Alestong sumunod ang mga nilalang, nagsimulang nagmartsa ang mga ito patungo sa portal maliban sa tatlong daang nakaharang sa daanan ni Tara.

"Kahit anong gawin mo Andracus, hindi kita papayagang makawala sa akin ngayon." Parang kulog iyon na dumating sa tainga ni Andracus. Ang kulay abong mga mata ni Tara ay naging kakulay iyon ng madilim na ulap. Para bang may bagyong namumuo sa doon.

Sa simula palang ay hindi pinag aksayahan ni Andracus ng pansin ang batang si Tarieth. At bakit niya pag-aaksayahan ng atensyon ito? Isa lamang itong bata, totoo at may angking kapangyarihan ito, pero marami ng nakalaban si Andracus na mas makapangyarihan dito. Mga makapangyarihang nilalang na namumuno sa mga mundong winasak ng kanyang master. Si Fergun ay isa lang sa mga chess Piece ng kanyang master. Wala sa kalingkingan ang batang ito sa ibang mga nakalaban niya, mga nakalaban niyang ngayon ay matagal ng pinagpyistahan ng mga uod. At ang kanilang ipinagmamalaking mundo? Ngayon ay wala ng natitira kundi mga buto at patay na mundo.

Kung hindi lang dahil sa nararamdaman niyang kapangyarihan na nagpapatayo ng kanyang balahibo na papalapit sa Tuskan ilang araw na ang nakaraan ay hindi niya lilisanin ang Tuskan. Hindi pa tapos ang kanyang misyon.

Ilang araw na ang nakaraan ng maramdaman niyang may isang malakas na kapangyarihan ang paparating sa Tuskan. Bilang isang mage, nararamdaman niya ang unti-unting pagbabago sa mga elemento sa paligid. Kung mga pagbabago lang ng galaw ng mga elemento ay hindi niya iyon papansinin, ngunit, naramdaman niyang may malakas na nilalang sa likod ng pagbabagong iyon. Isang nilalang na lubhang makapangyarihan, iyong klaseng hindi pa niya nakakalaban. At may pakiramdam siyang kung kakalabanin niya ito ay walang dudang maging sanhi ito ng kanyang katapusan.

Isa pa, kailangan niyang ibalita ito sa kanyang master. Kailangang sabihin niya sa kanyang master na may nilalang sa Elvedom na mas makapangyarihan pa sa kambal na Erythrina at Erynia.

Ngayon, papayag ba siyang aksayahin ang kanyang mahahalagang oras sa isang bata? Nagpapatawa ito!

"Ang isang katulad mo ay hindi kwualipikadong kalabanin ako." Puno ng pang-uuyam ang mukha ni Andracus ng sabihin ito. Ipinapakita nitong isang mababang antas si Tarieth. "Kung makaya mong talunin itong tatlong daang mga tauhan ko, baka pag-aaksayahan kita ng oras ko. Hahaha!" Sabay hakbang papasok sa portal.

Nang makita ni Tarieth na humakbang papasok si Andracus sa portal, may kung anong kumawala sa loob ni Tarieth.

"Ang sabi ko, tatapusin natin ito ngayon. Andracus!!!" Galit na sigaw ni Tara. Kasabay ng sigaw na iyon isang malakas na tnog. Para iyong tunog ng salaming nabasag.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon