Forty-two: Terra & Ignis

4.6K 201 9
                                        

Nagising si Brynna na nakadapa sa lupa, nahihilo at tuliro. Pupungas-pungas na bumangon at saka lang napagtuunan ng pansin ang paligid. Hindi siya handa sa nakikikta.

Isang patag na lupain. Napapaligiran siya ng walang hanggang lupain.

Nasaan ako!

Palinga-linga si Brynna habang naglalakad. Ang huling natatandaan niya ay ang Markings nila. Pagkatapos ay parang may humihigop sa kanyang katawan at paggising niya ay nandito na siya.

Napatingala sa kalangitan si Brynna at nagulat sa nakita. Mukhang takipsilim sa lugar na ito.
There was a rounded shape above the sky. She's not sure if it's the moon, it's too near.

Nag-alala na abutin siya ng dilim kaya mas lalo binilisan ni Brynna ang paglalakad. Kailangan niyang mahanap ang mga kaibigan. Hindi mainit pero hindi naman malamig ang paligid. Pero ramdam ni Brynna ang kawalan ng ihip ng hangin sa paligid.

Habang patuloy sa paglalakad ay saka lang napagtanto ni Brynna na hindi nagbago ang kulay ng kapaligiran at wala rin siyang nakikitang kahit isang halaman. May mga punong kahoy siyang nadadaanan pero walang kahit isang dahon ang natitira sa puno, wala ring damo. Naalala niya ang Saltain sa nakita niya.

Anong nangyari dito?

Noon lang na pumasok sa isip ni Brynna na baka nasa ibang mundo siya.

Lumapit si Brynna sa isang halaman doon na tangkay nalang ang natitira.

Lumapit si Brynna sa isang halaman doon na tangkay nalang ang natitira

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumalungko si Brynna sa harapan ng halaman at gaya ng nakasanayan na niya, kinausap niya ito. Urging it to grow but nothing happened.

Kinabahan si Brynna, bakit hindi nagwork ang kanyang kapangyarihan? Uupo na sana si Brynna sa lupa galing sa pagkakatalungko ng hindi sinasadyang naitukod niya sa lupa ang isang kamay. The reaction was instantaneous.

May puwersang humihigop sa kanya galing sa lupa at bigla siyang nakaramdam ng matinding pagkauhaw. Hindi malaman ni Brynna kung ano ang gagawin. Ramdam niya ang matinding pangangailangan ng lupain na patuloy na humihigop sa kanyang lakas. Gustuhin man niyang alisin ang mga kamay ay hindi niya ginawa. Sobrang uhaw ng lupa at hindi niya iyon basta mabalewala. Kaya hindi siya bumitaw kahit naramdaman na niya ang unti-unting panghihina ng kanyang katawan.

Hanggang sa nawalan na siya ng lakas.

Why won't you let go child?

Kahit nanghihina ay nag-angat ng ulo si Brynna, kahit ang konting paggalaw na iyon ay napakahirap para sa kanya.

"Sino ka?" Paos ang boses na tanong ni Brynna, dahil marahil sa sobrang uhaw na kanyang nararamdaman. Wala siyang nakitang tao sa paligid, tanging isang malumanay na boses lang ang kanyang narinig.

Why waste your life on a dying land?

"Am I?"

Alam mo ba kung bakit inihahalintulad ng isang ina ang mundo?

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon