Ten: Karess

4.9K 195 10
                                    

Namamalat ang lalamunan ni Brynna sa pagkanta. Pero nakapagtatakang hindi siya nakaramdam ng grabeng pagod o di kayay panghihina kagaya ng naramdaman niya kahapon.

Nilapitan ni Brynna si Tarieth na tahimik na pinagmamasdan ang maliit na bukal ng tubig. Yumuko si Brynna at gamit ang dalawang kamay isinalop niya iyon ng tubig at uminom. Malamig at may konting tamis ang tubig.

"You've done a great job Tara." Very proud na sabi ni Brynna.

"No. Lahat tayo." Noon lang napansin ni Tarieth na ang mga tao ay hindi lumapit sa kanila. Nanatili ang mga ito sa kinatatayuan. Batid niyang gusto ng mga ito na lumapit at makiusyuso pero hindi ginawa ng mga ito.

Tumayo si Tarieth at nagsalita gamit ang lenguahe ng mga Tuskani. "Mula sa araw na ito, ang lupaing ito ay hindi na pag-aari ng Tuskan. No Tuskani army will set foot on this land.  This land has been given back to you.  Mga mamamayan ng Saltain! You have been given a rare chance.  Sa bawat pagsisikap ay may katumbas na biyaya. Pagyamanin ninyo ang lupang ito."  The crowd cheers and shout with happiness!  "Hanggang sa muli nating pagkikita." Iyon lang at umalis na si Tarieth kasunod si Brynna at ang tatlong mga kasama.

"Hija," tawag ng matandang kausap kanina ni Tarieth kaya napahinto sila. "Maari ba naming malaman ang inyong mga pangalan?"

"Windstone po." Sagot ni Tara.

"Whitethistle po." Sagot naman ni Brynna.

"Salamat mga ineng. May the elements guide and protects you. Hanggang sa muling pagkikita." Pagkasabi ay nanginginig ang katawan nito at pilit na lumuhod sa lupa pero bago pa nito iyon nagawa ay nahawakan na ni Tarieth ang mga braso ng matanda.

"Hindi na po kailangan yan lolo. Hanggang sa muli po nating pagkikita. May the wind brings you nothing but great tidings." Tarieth raised her right hand, fingers touching her forehead, pagkatapos ay yumuko ay idinantay ang parehong kamay sa paa ng matanda at ipinagdaiti ang dalawang nakabukas na palad between her breast.🙏🏻 (amen sign)Ganun din ang ginawa ni Brynna bago sabay na nilisan nila ang lugar.

Yumuko si Mang Kaleb ng madaanan ang matanda kaya nakita nito na napaiyak ang matandang lalaki sa ginawa nina Brynna at Tarieth. Isa iyong Tuskani tradition bilang paggalang sa mga magulang at nakakatanda. Napangiti si Mang Kaleb. Kung kilala lang nito ang mga magulang ni Lady Brynna, baka atakihin ito pagnalaman na ang isa sa dalawang batang nagbigay galang dito ay ang anak na babae mismo ng Duke ng Brun.

Kinabukasan ay napagpasyahan nilang umalis na. Tumanggi ang may ari ng Somed Inn na pagbayarin sila pero hindi pumayag si Brynna at iniwan ang pera sa lamesa sa kanilang silid kung saan madaling makita bago umalis.

Kinausap ni Brynna ang nakakatanda sa dalawang babae na sa wakas ay nagpakilalang Jasmine.

"Jasmine, kung nangangailangan kayo ng trabaho sa Brun pumunta ka sa apothecary shop ni Miss Elvira at doon ka magtanong. Ang alam ko naghahanap siya ng magbabantay sa kanyang shop. Alam ni Mang Kaleb iyon. At kung wala kayong matutuluyan meron din siyang silid doon na pwede ninyong matirhan." Nahihiya at hindi makatinging nagpasalamat ito sa kanya at ang kasama nitong si Bau pala ang pangalan. Pagkatapos magpaalam kay Mang Kaleb ay sumakay na sila sa karwahe para umalis.

Ang mga tao ng Saltain ay nasa gilid ng daan at inihahatid ang kanilang karwahe ng tanaw sa kanilang pag alis. Maliban sa matanda na nakausap kay Tarieth at ang may ari ng Somed Inn na halos lumuhod sa harapan nila ay wala ng ibang taong kumausap pa sa kanila. Hindi na iyon pinansin pa ni Tarieth. Ang mahalaga nakatulong sila.

Ilang oras na rin silang naglalakbay ng may makasalubong sa sa daan. Dahil maliit lang ang daan at kasya lang ang isang karwahe kaya tumabi muna sila sa gilid at hinintay na makalampas ang mga nakasalubong.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon