Thirty-one: Master Whiteshades

4.4K 227 11
                                    

Si Seregon, Tempest at Tarieth ay tapos ng mag handa ng kanilang mga dadalhin kaya naman nasa dining hall na sila ngayon kumakain. Kanina pa palinga-linga si Tarieth, hinahanap si Brynna napansin iyon ni Seregon.

"Hey sis, kanina ka pa dyan. Sinong hinahanap mo?"

"Si Brynna. Late na, hindi ko pa rin siya nakikita. Baka nakalimutan na naman niyon na kumain."

"Gusto mo bang dalhan natin ng pagkain?" Mungkahi ni Seregon.

"Can we do that?"

"Oo naman."

"Sige! Tee samahan mo ako, kuha tayo ng pagkain."

"Vegetables?" Tumango si Tarieth. "Okey lets go!"

Bitbit ni Seregon ang pagkain nagtungo silang tatlo sa infirmary. Nakalagay ang pagkain sa maliit na basket na ibinigay ni Mr. Shades may nakatakip din na puting tela para hindi marumihan.

Pagdating sa infirmary ay nagtanong si Seregon sa mga staff doon kung nasaan si Brynna. Nasa pinakadulo daw ito sa nakahilirang silid. Room XIX at Room XX. Walang ingay na natinahak ng tatlo ang pasilyo.

Kumatok muna si Seregon ng tatlong beses bago sila pumasok. They saw, rows of beds. At isa sa mga beds na iyon ay nakaupo si Brynna at mukhang may ginagamot. Sa kabilang side ng higaan ay may tatlong babaeng nakatayo habang pinapanood ito.

Hindi agad sila napansin ni Brynna na tutok ang atensiyon sa ginagawa. Lumapit si Seregon dito at hinaplos ang buhok. Gulat na napalingon si Brynna, at sumilay ang matamis na ngiti ng makilala si Seregon.

"Cee! Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito habang ang kamay ay patuloy na ginagamot ang pasyente.

Itinaas ni Seregon ang bitbit, halata namang kinilig ang tatlong kasama ni Brynna. Nagkatinginan si Tempest at Tarieth. Alam na ng dalawa kung ano ang nasa isip ng tatlong babae. Lalo na si Tempest dahil biktima din ito sa maling hakahaka sa relasyon nila ni Seregon.

"Oh! Thank you Cee!" Mas lalo pang lumapad ang ngiti nito ng makita sina Tempest at Tatieth. "Hi," halos sabay na bati ni Tarieth at Tempest.

Lumapit si Tarieth kay Brynna. "Anong problema?" Tanong ni Tarieth. Kahit hindi pa gaano katagal na nakasama ni Tarieth si Brynna ay kilala na niya ito. And she felt that something is bothering her.

"Wala naman. Nalaman ko lang kanina na halos puno na ang healing house sa Rukai. At kulang ng healers dito kaya hinayaan nalang nila na makarecover ang mga studyante na nasaktan noong nilusob ang university. Though these are just minor wounds."

Ang ibig sabihin, hindi iyon nangangailangan ng matinding kapangyarihan para gamutin pero hindi nagawa ng mga HealerMage doon. Agad na nakuha ni Tarieth ang gustong iparating ni Brynna.

"Do you want us to stay?"

"Pwede?" May halong paki-usap ang mga mata nito.

"Oo naman, but first pakainin mo muna ang mga kasama mo." Noon lang din naalala ni Brynna ang pagkakamali.

"Oh my! Reya, Mayrel and Lua. Pasensya na. Makakalimutin ako. Gusto nyo bang kumain muna?" Mabilis na tumango ang tatlo halatang gutom na, nahihiya lang sigurong magpaalam kay Brynna.

Pagkaalis ng tatlong babae ay ibinigay ni Seregon ang basket kay Tara at pagkatapos hinawakan ni Seregon ang balikat ni Brynna. Sa mga nanunood na mga pasyente doon ay para lang inakbayan nito si Brynna.

"I admit that this is handy." Kapansin-pansin ang pag-iiba ng kulay na lumalabas sa kamay ni Brynna. Ang kaninang puting glow ay nagkaroon ng konting light blue. Nawala din ang kaninang linya sa noo ni Brynna. Halatang nakahinga ito nga maluwag.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon