Hindi makapaniwala si Jasmin na nakasakay sila ngayon ng kapatid niya sa isang karwahe at kakalagpas lang nila sa gate at ngayon ay tinatahak na nila ang daan paalis ng Tuskan.
Habang papalayo sila sa Taroque ay nakahinga ng maluwag si Jasmine. Pinayagan na rin silang lumabas ni Mang Kaleb. Binigyan sila nito ng bagong damit. Dahil hindi sila pwedeng magtago nalang sa ilalim ng upuan sa buong byahe at hindi rin pwede na madusing sila.
Maraming gustong umalis sa Tuskan, pero karamihan ay nauwi sa pagbubuwis ng mga buhay. Mahigit na ipinagbabawal ng hari ang paglisan sa Tuskan. Kung mahuhuli ka ay hindi mo lang buhay ang kapalit kundi ang buo mong pamilya. Ang mga pamilyang nahuli ay binibitay at ipinapakita ito sa lahat ng mga taga Tuskan. Simula noon ay wala ng nangahas na lumisan.
Mula sa bintana ay kitang kita nina Jasmine at Bau ang kahirapan sa Tuskan. Makikita sa mga hitsura ng bawat tao ang hirap sa buhay, kawalan ng pag-asa at higit sa lahat ang takot.
Hindi na nakayanan ni Jasmine na patuloy na pagmasdan ang dinadaanang kahirapan. Para ano pa? Wala naman siyang maitutulong. Inalis niya ang paningin sa bintana at tumingin sa kaharap na lalaki. Matanda na si Mang Kaleb pero maliksi pa rin itong kumilos. Ayon dito may inasikaso ito sa Tuskan kaya ito laging bumibisita. Hindi nito sinabi kung anong inasikaso roon at hindi na rin siya nagtanong. Ang pagtulong nito ay sapat na sa kanya at tatanawin niya na utang na loob dito iyon habang buhay.
Noon ay isang pangarap lang niya na makarating sa lugar ibang lugar. Maraming kagaya niya ang gustong lumisan sa Tuskan pero dahil wala naman silang masasakyan ay hindi nagawa. Walang makakalabas sa Tuskan na nakapaa lang. May mga sundalong nakabantay sa gate. Tanging mga sasakyan lang kagaya ng karwahe ang nakapasok at nakalabas. Pero tinitingnan muna ang loob ng karwahe bago ito pinalabas o pinapapasok. Kaya ganun nalang ang kaba ni Jasmin ng tingnan ang loob ng karwahe. Bago pa man sila nakalapit sa gate ay nakatago na sila ilalim ng upuan kung saan kasyang kasya ang isang tao. At dahil parehong maliliit at payat silang magkakapatid kaya nagkasya sila doon.
Malapit na sila sa hangganan ng huminto ang sinasakyan nila sa harapan ng isang panuluyan.
"Bakit po tayo huminto Mang Kaleb?" Tanong ni Jasmin.
"Kailangan na nating magpahinga. Kailangan kong ipahinga ang mga kabayo at pakakainin ko na rin sila. Ito ang huling kabayanan ng Tuskan. Kaya dito tayo pansamantalang huminto para makapagpahinga din tayo. Lalo na at mukhang masama ang lagay ng panahon. Kaya halina kayo. Sumama kayo sa akin at para makakin tayo."
"Wag na po Mang Kaleb. Babantayan nalang po namin ang karwahe ninyo at ako na rin po ang maghingi ng pagkain para sa mga kabayo." Mungkahi ni Jasmine. Nahihiya siyang sumama dito. Isa pa wala silang perang pambayad.
"O sige." Anito at iniwanan na silang magkakapatid. Parehonh nakahinga ng maluwag silang magkakapatid habang inaasikaso ang kabayo. Ito na ang umpisa ng pagbabago ng buhay nilang magkakapatid. Kahit abala sa ginagawa ay pansin ni Jasmine na maingat ang kapatid na si Bau na hindi marumihan ang suot na damit. Naawa siya dito. Alam niya na natatakot ito na pag narumihan ay baka pagbayarin sila.
Parehong kumakalam na ang kanilang sikmura pero ni hindi nagreklamo ang kapatid. Kahit naman mag reklamo ito ay wala rin silang makain. Nagkatinginan silang magkapatid ng sabay na tumunog ang kanilang tiyan.
"Wag kang mag alala Bau. Konting tiis nalang. Pagdating natin sa Brun maghahanap kaagad ako ng trabaho. Kahit ano. Narinig ko na usapan sa mga nagtatrabaho sa bakery na malaki daw magpasahod sa Brun." Hinila ni Jasmine ang kapatid at umupo sila sa nakataling mga patay na talahib.
"Ako rin kerina maghahanap ako ng trabaho. Tutulungan kita."
Inakbayan ni Jasmine ang kapatid. At inihilig ang ulo sa kanyang balikat. "Okey, magtulungan tayo. Pero sa ngayon mas mabuti pa na magpahinga ka na muna." Hindi ito sumagot pero naramdaman ni Jasmine na tumango ito. Nanatiling gising si Jasmine. Sinabi niya na babantayan niya ang karwahe kay iyon ang kanyang gagawin.
Naalerto si Jasmine ng may narinig siyang kaluskos. Mabilis na iginala niya ang paningin sa loob ng kubo. Maliban sa ilang kabayo ay wala ng ibang taong nakita si Jasmine. Pero alerto pa rin siya.
"Hi!"
Napaiktad si Jasmine ng biglang may magsalita sa kanyang likuran. Nagising din ang kapatid na nakatulog sa kanyang balikat.
Nalingunan ni Jasmine ang isang batang babae. Simple lang ang damit nito na hanggang talampakan. Hindi sigurado si Jasmine sa kulay dahil tanging ilaw lang sa dalawang lampara doon ang nagbibigay ng liwanag. Mahaba ang manggas at may nakataling sinturon na gawa sa pilak at may desinyong bulaklak sa baywang niyo.
Mahaba ang nakataling buhok nito na may mangilan-ngilang kumuwala at tumatabon sa gilid ng mukha nito. Natunganga si Jasmine. Napakaganda ng maamong mukha nito. Sa unang pagkakataon ay nakakita si Jasmine ng mga matang kakulay ng dagat. Nakangiti ito. Kaya mas lalong kinabahan si Jasmine. Base sa kanyang karanasan sa buhay, walang ngumingiti sa kanya kung wala itong masamang balak. Kinabahan si Jasmine at napatayo. Kailangan niyang humanda. Kung may binabalak itong masama, mabuti na iyong makapanlaban siya.
"Anong kailangan mo?" May katigasang tanong ni Jasmine sa batang babae.
"Nagulat ba kita?" Nakangiting tanong ng batang babae. Hindi nagsalita si Jasmine pero timango ng bahagya.
Tumawa ng walang tunog ang batang babae. Mukhang naaliw ito sa kanya.
"Pasensiya ka na ha." Nakita ni Jasmine na mukhang sinsero naman ito sa paghingi ng paumanhin.
"Kanina ka pa ba dito?" Tanong ni Jasmine. Gusto niyang malaman kung kanina pa ito o kararating lang. Gusto niyang makasiguro na hindi nito narinig ang pinag-usapan nilang magkapatid. Dahil kung nagkataon baka isumbong sila nito sa mga sundalong Tuskan. Hindi pa sila nakalabas ng hangganan ng Tuskan.
"Oo kanina pa. Narinig ko ang usapan ninyong magkapatid. Papunta pala kayong Brun?"
Napuno ng takot ang dibdib ni Jasmine.
"Wag kang mag alala, hindi ako masamang tao. Kaya wag kang matakot. Ako nga pala si Bry--."
"Bree! Andito ka lang pala, anong ginagawa mo dito? Diba sinasabi ko sayo na wag lumayo? Akala ko ba hindi maganda ang pakiramdam mo?" Tanong ng isa pang batang dumating. May suot itong bandana sa ulo. Matangkad ito sa unang batang dumating. Maganda rin ito. At pareho ang suot na damit ng dalawa pero ang batang kararating ay sa bawat gilid ay may slit hanggang baywang ang damit nito. Nasilip ni Jasmin na sa ilalim ay nakapantalon ito at boots ang sapin sa paa nito.
"Hi Tara. Sorry. Hindi ko na kaya doon sa loob kaya lumabas ako." Sagot ng batang may bughaw na mga mata.
"Sino naman ang mga kasama mo?" Tanong ng pangalawang bata. Halata sa hitsura nito ang kuryosidad.
Muli ay tumingin sa kanila ang batang may bughaw ang mga mata.
"Hi, ako nga pala si Brynna at ito si Tarieth. Kayo anong pangalan ninyo?"
*note*
I need to put this book on hold. I need to finish ViticiPrema and then these. I want to focus on one. Please bear with me. Thank you.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasyLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...
