Fifty: Feelings

3.3K 147 2
                                    

Hindi mapakali si Raevel. Kanina pa nila minamatyagan ang mga halimaw na ayon kay Tempest ay mga Orokind.  Nasusuka na siya sa mga pinanggagawa ng mga ito.  Alam niyang tama ang sinabi ni Tempest kanina.  Kung isang Orokind nga lang ay nahihirapan sila anim pa kaya?  Suminyas si Raevel sa mga kasama, kailangan na nilang umalis.  Gabi na at kailangan nilang kumain at magpahinga.  Ngayon alam na nila ang lungga ng mga ito, mapag-aaralan na nilang mabuti kung paano lusubin ang mga ito.

Pagkatapos makakain at magligo ay muling umalis si Raevel.  Plano niyo hanapin ang tindahan ni Tempest.  Maraming gustong itanong si Reavel dito. 

"Hey, Rave! Saan ka pupunta?"  Nalingunan ni Raevel si Dreanen at hindi ito nag-iisa.  Kasama nito si Ffusia at Evo.   Ang mga ito ay kaklase niya sa University at kagaya niya ay mga mercenaries din.

"I'm going to town why?"

"Anong gagawin mo dun?" Nagtatakang tanong ni Dreanen.

Kibitbalikat lang ang naging sagot ni Raevel. Sa lahat ng mga naroroon, tanging siya lang ang klarong nakakakita sa mukha ni Tempest kaya hindi ito nakilala ng mga kasamahan.

"Sige ingat." Paalam ni Dreanan. Tumango si Raevel at itinaas ang ang isang kamay bilang pamamaalam.

Mabilis na narating ni Raevel ang sentro ng pamilihan. Dumeretso si Raevel sa itinuturong lugar ng tauhang pinasunod niya kanina kay Tempest. Nang makarating sa pintuan ay saka kumatok. Hindi nagtagal ay may nagbukas ng pinto. Isang maganda ngunit may katandaang babae. Halata sa reaksyon nito ang gulat ng makita si Raevel.

"Magandang gabi Mister, ano po ang kailangan ninyo?" Magalang na tanong ni Ylis.

"Magandang gabi, nariyan ba si Iolanthe?" Tanong ni Raevel sa matanda gamit ang oangalang ibinigay ni Tempeat kanina sa kanya. Hindi niya alam ang rason kung bakit kailangang itago niyo ang tunay na pangalan pero ayaw naman niyang ibunyag ang lihim niyo kahit sa katulong. Hindi pa man nakasagot si Ylis ay naunahan na siya ng kanyang amo.

"Ylis, papasukin mo siya please. Raevel, pasok ka!" Sigaw ni Tempest.

Hindi na nagtaka si Raevel kung bakit alam ni Tempest na siya ang nasa pintuan. Noon pa man ay malakas na talaga ang kapangyarihan nito. Pinapasok naman agad si Raevel sa matandang babae at itinuro ang kinaroroonan ng amo.

Natagpuan ni Raevel ang sadya na halos matabunan sa napakaraming tela. Nakapusod sa ibabaw ng ulo ang mahabang kulot na buhok nito na tinalian ng puting lace. Napalunok si Raevel ng makita ang suot na damit ni Tempest. Ang pang-itaas nito ay isang dangkal niya lang na tela na nakapalibot sa kalahati ng katawan nito. Labas pusod at malambot ang pahabang palda. Kitang-kita ang makinis at maputing balikat at braso nito na puno ng tattoo. Parang nahihipostismong lumapit si Raevel dito habang ang mga mata ay nakatutok sa mga braso ni Tempest.

Kunot noong itinaas ni Raevel ang kaliwang braso ni Tempest at matamang pinagmasdan ang bawat tattoo na naroon.

Nananayo ang balahibo ni Tempest sa ginawa ng binata pero hinayaan niya ito. Sa sobrang abala sa kanyang ginagawa ay nakalimutan niyang isuot ang katernong manipis na pang-itaas na may mahabang manggas. Maliban sa tatlong mga kaibigan ay wala pang ibang tao na nakakakita sa tattoo niya. Noong sampung taong gulang siya ay konti palang ang tattoo niya hanggang sa nadagdagan iyon at mas nadagdagan pa ng makarating sila sa Twilight realm.

"I know you have tattoo's but I never thought it would be this many. They are beautiful Tee." And reverently touch each tattoo with his fingers. Sinuyod ng tingin ni Raevel ang bawat isang tattoo hanggang sa mapadako ang paningin nito sa makinis na balikat ni Tempest saka muling napalunok. How long has it been since he felt desire? The boiling of his blood, and the raging need to utterly possess someone. To simply kiss and feel her embrace. Tumaas ng tumaas ang paningin ni Raevel hanggang sa mapadako ang mga mata nito sa mukha ng dalaga. May parang mainit na kamay na pumisil sa puso ni Raevel. Green eyes. His green eyes. Raevel didn't know he missed those eyes. How he missed her face. How he missed those curly hair. How he missed...her...until that moment.

"I missed you Tee..." Hindi napigilan ni Raevel ang damdaming sabi.

Naninibago man si Tempest sa intensidad ng damdaming ipinakita ni Raevel ay hindi estranghero ang damdamin sa kanya dahil ganun din ang kanyang naramdaman. The intensity she saw in his eyes matches her own. Hindi pa rin makapaniwala si Tempest na ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang seryosong batang si Reavel. Parang may sariling isip ang isang kamay ni Tempest na tumaas patungo sa mukha ng binata. Wala sa loob na inalis nito ang buhok na tumakip sa isang mata nito. Malayang pinasmasdan ni Tempest ang gwapo at seryosong mukha ng binata. Noon napansin ni Tempest ang nakita niya noon na pilat sa gilid ng noo nito.  Wala ito noon.  She traces the scar with her fingers.  The wound must have been deep enough to leave scars.  It must have hurt him.  Naisip ni Tempest.  Malayang iginala ni Tempest ang mga mata sa mukha ng binata hanggang sa mapadako ang paningin sa mapupulang labi nito. 

She have never been kissed.   And she have never felt the urge to do so until now.  Not that she have never seen handsome men.  Contrary to that.  She have seen many handsome and beautiful men.  From ordinary folks, rich folks and warriors alike.   But she have never felt like this.  Wondering how it would taste like...

Raevel's body trembled with need watching her looking at him, while biting her own lips.  Para bang nag-iisip ito kung hahalikan siya o hindi.  At that moment, Reavel found out how he wanted her to kissed him so badly that he is willing to give anything...anything at all for a kiss. 

"Nangangalay ang leeg ko sa kakatingala saiyo Rae umupo ka nga."

Daig pa ang binuhusan ng malamig nantunig si Raevel sa narinig.  Noon lang din nito napansin na kanina pa sila nakatayo doon.  "Wala kang upuan."

"Oh!" Noon lang naalala ni Tempest na wala palang upuan doon.  "Kahit saan, umupo ka sa ibabaw ng tela.  Basta wag lang yong nakatingala ako sayo."

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?"

"Nag-aayos dahil inubos ni Princess Olivia ang mga paninda ko noong nakaraang araw." Sagot ni Tempeat na abala sa pagtutupi ng mga tela.

"Do you need help?" Alok ni Raevel.

"Nope.  Upo ka lang dyan at matatapos na rin ito."  Saka may naalala.  "Teka, kumain ka na ba?"

"Bakit nagluto ka?" Tudyo ni Raevel.

"Nakakainsulto ka ah!" Nakalabing sagot ni Tempest.  Saka, "marunong kaya akong magluto.  Pagnatikman mo ang luto ko makakalimutan mo pati pangalan mo!" Mayabang na sabi ninTempest.

"So, finally.  After seven years, may natutunan ka rin pala."

"Yabang nito!" Sabay irap kay Raevel.  "Ano pala ang sadya mo?"

Kung hindi pa ipaalala sa kanya ni Tempest ay hindi maalala ni Raevel ang pakay.  "Gusto kong malaman kung anong ginagawa mo dito Tee.  At anong nnagyari sa inyo sa loob ng pitong taon."

"Even if I wanted to, I can't. But I will tell you everything when the time is right. And also, please call me Iolanthe."

Walang magawa si Raevel kundi ang pag bigyan si Tempest.

Saglit na nagkuwentuhan ang dalawa pagkatapos ay nagpaalam na rin si Reavel. Pagkalis ng pagkaalis ni Reavel ay manilis na pumasok si Tempest sa sariling silid. Ito ang pinakahihintay niyang araw para magkita sila ng mga kaibigan.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon