Pagkagaling sa Lake Gamot ay muling bumalik si Tara sa Saltain. Malaki na ang pagbabago ng Saltain. Ang noo'y naghihikahos na lugar, ngayon ay puno na iyon ng buhay. May makikita na ring mga punong kahoy at kulay berdeng tanim sa isang bahagi ng lupain. Ang lupain na binigyang buhay nina Tara at Brynna.
Pagpasok palang ni Tara sakay ang kanyang kabayo sa Saltain ay sinalubong na ito ng mga tao. Naroon ang pagsamba sa mga mata ng mga tao sa Saltain habang nakatingin kay Tara.
Napapansin ni Tara ang pamilyar na mga mukha ng mga naroroon. Mga mukhang nakilala niya at tinulungan niya mula sa iba't-ibang bayan na kanyang nadaanan. Natutuwa si Tara dahil na tuntun ng mga ito ang Saltain. Deretso si Tara sa tinutuluyang Inn noon sa Saltain. Naroon pa rin ang mabait na may-ari ng Inn at masayang inasikaso ang pangangailangan ni Tara pati na ang kabayo nito.
Walang inaksayang oras si Tara, nalalapit na ang araw na kanyang pinakahihintay. Kaya naman kararating palang ay abala na agad si Tara sa pagtulong sa lahat ng mga tao sa Saltain, para masiguro ang kaligtasan ng mga tao ay kailangang nasa loob ang lahat sa lugar ng hangganan. Mua sa lupain kung saan kinantahan noon nina Tara at Brynna patungo sa Inn ay ang lugar kung saan ibinalot ni Tara ng mahika. Kailangang nasa loob ang lahat. Pagkatapos masiguro na naipasok ang pinakahuling hayop sa Saltain ay kinausap nito ang mga taong nasa paligid.
"Simula sa oras na ito ay walang sinuman sa inyo ang lalabas ng Saltain at sa lugar na sinasabi ko sa inyo. Tandaan ninyo, walang makakapasok sa loob ng bayan na ito, pero malaya kayong makakalabas, ngunit ang mga lalabas ay hindi na maaring makakapasok pang muli." Tahimik ang lahat na nakatingin kay Tara. Bakas ang pinagsama-samang takot, pangamba at pasasalamat sa mga mukha ng mga ito.
"Masasaksihan ninyo kung gaano magalit at kalupit ang mga elemento! Sana magsilbing aral ito sa inyong lahat." Humakbang palabas ng Saltain si Tara at sa unang pagkakataon mula ng dumating siya sa Saltain ay tinanggal ni Tara ang hood na nakatakip sa ulo. Ipinikit ang mga mata at itinaas ang dalawang kamay at idinipa. Ramdam ni Tara ang init na nagmumula sa kanyang tiyan hanggang sa binalot niyon ang buo niyang katawan. Hinayaan ni Tara na lumabas ang kanyang kapangyarihan. Parang naririnig pa ni Tara ang lagutok ng kanyang mga buto at init ng daloy ng kanyang kapangyarihan. Dahil sa mga oras na iyon ay hindi na niya kailangang itago ang kanyang lakas. Sa unang pagkakataon mula ng bumalik siya sa kontinente ng Elvedom ay inilabas ni Tara ang kanyang totoong kapangyarihan. Alam niyang agad na maramdaman iyon ng mga kaibigan at magsilbing hudyat sa mga ito. At pati na rin sa mga makapangyarihang nilalang sa buong kontinente. Nag-uumapaw ang lakas ng kanyang kapangyarihan. Handa na siya.
Oras na.
"Oras na ng aking paniningil!" Malupit ang bawat salitang binitiwan sa isang malamyos na boses na naririnig sa buong kontinente na ikinagulat at ikinatakot ng lahat. Pero para sa piling nilalang ay isa iyong hudyat ng simula. Simula ng digmaang sila lang ang nakakaalam.
Biglang tumahimik ang kapaligiran. Sa Saltain ay kahit ang mga hayop na kakapasok lang ay nakapagtatakang tumahimik. Isang hindi pangkaraniwang pangyayari. Lahat ng tao ay tahimik na naghihintay sa susunod na mangyayari. Ibinaba ni Tara ang mga kamay at nilisan ang Saltain. Iniwan ni Tara ang kanyang kabayo para na rin sa kaligtasan nito. Gamit ang kapangyarihan ng hangin ay lumipad si Tara. Pabilis ng pabilis ang lipad ni Tara hanggang sa makita nito mula sa himpapawid ang malaking bayan ng Taroque. Sa harapan mismo ng malaking gate bumaba si Tara.
Laking pagtataka ng mga mamayan ng Taroque ng biglang dumilim ang kalangitan. Mabilis na kumapal ang ulap na para bang may nagbabantang malakas na ulan. Dahil sa biglang pagbabago ng panahon ay kanya-kanyang nagsilikasan ang mga nagtitinda sa pamilihan. Ang mga establisimento hindi pa nagawang magbukas ay nagpasyang hindi na muna magbukas sa araw na iyon.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasyLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...