Twenty-seven: Ancient Tomes

4.5K 186 9
                                    

Tarieth was exhilarated!  It felt so good sparring with her friends.  As expected sobrang galing ng kanyang kapatid at Tempest.  Gustuhin man niyang magpatuloy ay hindi maari.  They are starting to attract attention.  And it's the last thing she wants to happen.  Noon din niya namataan si Master Cadwallader.  He was watching them.

She got distracted kaya naman Seregon landed a blow on her side.  She summersaulted and landed on a crouch, her side burning.

"Distracted Tarieth?"

It was their lola V who asked, habang naglalakad ito palapit sa kanila.

"Lola!  Anong ginagawa mo dito?" Si Tempest.

"High Lord needs my help in securing the school!" Sagot nito sabay kindat sa apong si Tempest. 

"Hanggang kailan?" Muling tanong ni Tempest.

"A few days maybe."  Sagot nito habang-isa-isang tinanggal ang mga nakasabit sa katawan na sandata.  "And while I'm here, I might as well enjoy myself.  You three get ready!"

Nagkatinginan silang tatlo sabay napangiti.  Pinalibutan nila ang kanilang lola, nang humanda ito ay walang pagdadalawang isip na sabay-sabay na sinugod nila ito.

Pagkaraan ng kalahating oras ay nakahiga na silang tatlo sa lupa, basang-basa sa pawis at humihingal.  Walang kahit isa sa kanilang tatlo ang gustong gumalaw.

Nakatunghay sa kanila ang magandang mukha ng kanilang lola nakangiti.  "You three are out of shape.  30 rounds every day at dawn.  I'll bring the wood for you to carry tomorrow."  Iyon lang at iniwan na sila nito.  Sinundan niya ito ng tingin.  Lumapit ito sa High Lord na katabi ni Brynna.  "You too young lady."  Ang sabi nito kay Brynna habang ibinalik muli sa katawan ang mga sandatang tinanggal nito kanina.  Pagkatapos ay umalis na ang mag-asawa.  Napasimangot si Brynna na nakatingin sa kanila.  Para bang sinisisi pa sila nito. Aba!

Hindi pa man ito nakakalayo ang mag-asawang Strongbow ay pinalibutan na sila ng mga studyanteng mas lalong dumami.  Someone started to clap hanggang sa dumami at dumami iyon.  They cheer for them.

"That was really amazing guys!"

"Sobrang galing talaga ng Commander General.  Ni hindi man lang pinagpawisan."

"Did you saw her move?  She's like a blur!"

"First time ko siyang nakita in action.  Totoo pala ang sinasabi nila."

Nagkatinginan silang tatlo.  Si Commander ang bida at hindi sila.  Well, at least wala sa kanila ang attention ng mga ito. 

"Tumayo na kayong tatlo diyan at ako'y nagugutom na.  Hindi ko kayo kayang buhatin." Aya ni Brynna sabay offer ng mga kamay kay Tempest at tinulungan itong tumayo.  Pinilit na rin ni Tarieth na tumayo.  Lumapit naman kay Seregon ang kaibigang nitong si Reavel na naroon pala at isa sa mga nanonood.

Paika-ika silang nilisan ang training ground at tinungo ang kanilang silid.  Ang mga studyanteng nakasalubong nila ay tumatapik sa balikat ni Tempest or Seregon.  May mga tumatango din sa kanya. 

Nakarating din sila sa kanilang silid, si Seregon ay deretso din sa sariling silid kasama si Reavel. 

"Well hello girls!" Bati ni Karess na humihikab pa. 

"Hi Karess!" Halos sabay-sabay na bati nilang tatlo.

Pinagmasdan sila nito,"rough day girls?" Habol nito.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon