Sixty-four: Ubaren Firewings

4.6K 259 28
                                        


            Sa biglang pagsulpot ni Seregon sa frontyard ng kuwadra ay nagulat ang stable master na si Master Roly. "Val!" gulat na bulalas nito. "P-paano k-ka biglang sumulpot dito? I-sa kang Mage!" nabulol na tanong nito.

Walang nagawa si Seregon kundi ang umamin. "Opo Master Rolly." Nakalimutan ni Seregon na maaga palang gumigising si Master Rolly. Madaling araw na ng magpasya si Seregon na umuwi. Pinakiramdaman muna kasi nitong mabuti ang nagyeyelong lugar bago umalis.

"Aba! Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?" nanlaki ang mga mata nitong sabi.

"Master Rolly wala pong dahilan para sabihin ko sayo iyon." Nakangiting sagot ni Seregon.

"Valerius, a-ang ibig kung sabihin M-master Valerius, ngayon alam ko na isa kang Mage, hindi ka maaring magtrabaho dito bilang isang stable boy! Isa kang Mage! Ngayon din ay dadalhin kita sa palasyo, ipakilala kita doon para makaharap mo ang MasterMage." Puno ng paggalang na sabi ni Master Rolly. Halos mataranta ito. Mages in Kurlaz have high status. The stronger the power, the higher the status given to a Mage. Lalo na ngayong kokonti nalang ang Mages sa Kurlaz.

"Master Rolly, hindi ko po kailangan ng trabaho. Pero kailangan ko pong makaharap ang hari. May importante po akong kailangan sabihin sa kanya." Magalang na sabi ni Seregon. "Maari nyo po ba akong samahan sa palasyo?" Naisip ni Seregon na kung siya lang mag-isang pupunta doon ay baka hindi kaagad siya harapin ng hari. Si Master Rolly ay isang stablemaster. Kilala nito kung sino ang maaring lapitan para makaharap niya kaagad ang hari.

"Walang problema. Kung gusto mo eh kahit ngayon na kaagad!"

Natuwa naman si Seregon sa narinig kaya agad na pumayag ito.

Pagdating sa palasyo ay mangilan-ngilan palang ang gising na tao. Agad ipinaalam ni Master Rolly ang sadya sa kakilala nito sa palasyo pero hindi akalain ni Seregon na hindi pala ganun kadali makaharap ang hari. Mag-iisang oras na silang naghintay ngunit wala pa ting nangyari. Habang lumilipas ang oras ay mas lalong dumadami ang taon gustong makaharap ang hari. Ang isang oras ay naging dalawa.

Naging tatlo.

Naging apat. Sa tabi ni Seregon ay hindi mapakali si Master Rolly, nag-alalang sinulyapan si Seregon na nasa tabi nitong nakatayo. Ni walang ka galaw-galaw ito. Wala ring makikitang emosyon sa mukha ng binata kaya hindi tuloy malaman ni Master Rolly kung ano ang naramdaman nito.

Bilang isang anak ng hari ay alam ni Seregon kung paanong hindi basta-basta makahingi ng panahon para makaharap ang hari. Dahil hiningi niya ang tulong ni Master Rolly at iniiwasan niyang mapahiya ito kaya naman patuloy siyang naghintay. Habang naghihintay ay walang kumakausap kay Seregon. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin sa mga taong kasama niyang naghihintay na makaharap ang hari. Hindi niya masisisi ang mga ito. To them he is just an insignificant young man, given how old the robe that he is wearing. Halata sa mag kasuotan ng mga ito na mga matataas ang antas ng mga ito sa kaharian. Sinong mag-aakala na isang prinsepe si Seregon? At hindi lang basta isang prinsepe, isang prinsepeng tagapagmana ng korona sa kaharian ng Quoria. Ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang kaharian sa buong kontinente ng Elvedom.

Habang naghihintay ay biglang nagkagulo ang mga tao doon. Maya-maya lang ay may dumaan sa harapan ni Seregon na isang matandang lalaking nakasuot ng pulang roba. Agad nakuha nito ang buong atensyon ni Seregon. Hmmn...a FireMage. Agad na pinakiramdaman ni Seregon ang kapangyarihan ng matandang lalaki. Hmmn..not bad. Matangkad ito at katamtaman ang laki ng katawan base sa lapad ng balikat nito. Pero walang panama ito sa lolo Firen ni Tempest sa aura ng lalaki. Firen's aura have a feel of ancientness. Pero ang lalaking pinagmasdan ni Seregon ay kahit mukhang matanda na ito ay hindi ito maikukumpara sa lakas ng kapangyarihan ng High Lord.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon