Isa akong hopeless romantic writer. Ever since bata pa ako, malawak na talaga ang imagination ko, noon palang gustong gusto ko na talagang magkaboyfriend.
I've already imagined my first kiss, felt the happiness for his future surprises and cried for my future break ups. Kapag naalala ko ang lahat ng 'yun naiisip ko na maaga ko nga pala talagang sinaktan ang sarili ko.
Maaga kong pinaniwala ang sarili ko na walang masamang mainlove kahit paulit ulit. At okay lang kahit masakit.
Ginamit ko lahat ng experiences ko para makagawa ng iba't ibang kwento. I was born inspired. Pero dumating nalang yung time sa buhay ko na wala na akong maisulat.
Ewan ko ba kung bakit nakalimutan ko na. Paano nga ba ang magmahal?
Paano nga ba magtatagal?
Paano ba maiiwasang hindi masasaktan?
Paano?
Sana nga lang alam ko ang lahat ng sagot. Sana kaya ko siyang tanungin kung bakit.
Bakit mo ako iniwan?
Saan ako nagkulang?
Sana kaya niya akong sagutin. Sana malaman ko lahat ng sagot. At sana kapag alam ko lahat lahat, sana kaya kong tanggapin.
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...