CHAPTER 71

434 13 0
                                    

NICO'S POV

Pabalik balik lang ako sa dulo ng kakahuyang ito at mabusising ginagalugad ang bawat dulo. Apat na oras na s'yang nawawala at ayoko nang abangan ang susunod pang mga oras. I need to find her now. As in now.

"Dead end na 'to diba?" dumating sina Macky kasama sina Zach, Dave, Tungsten at Jeremy.

Natatanaw ko na rin sina Ping at Genevieve na papalapit. Pagod na pagod na ang lahat at wala parin sa kanila ang kumakain.

"Yung mga babae umuwi muna kasama si Dave. Kami na ang bahala dito." utas ni Tungsten.

"Sasama ako sa inyo." lumayo si Ping kina Jane at lumapit sa hilera namin.

"No, you should go. You're exhausted. Hindi ako babalik nang hindi kasama si Aira... I promise." binigyan ko s'ya ng tipid na ngiti at nag nod naman s'ya.

Pinanood namin silang makalayo at pabalik balik ang tingin nila sa amin na parang napipilitan lamang umalis.

"Zach, lahat na 'to dead end na?" ani Jeremy.

"'Tong part na ito, oo. Ang origin kasi nito yung balon. Mula sa kaliwa, may pagliko papuntang ilog. Tapos sa kanan, restricted area kasi private property yun."

Naghiwa hiwalay kami at ang kasama ko ay si Macky. Marami s'yang tanong at sinasabi sa likuran ko pero hindi ko na maintindihan ang iba sa mga 'yon. Nakafocus ako sa paghahanap kay Aira at walang ibang pumapasok sa isip ko kundi s'ya.

"Maraming bulb wire. Sa tingin mo ba susuot si Aira d'yan?" tanong n'ya.

Ito ang dead end mula sa kanan ng balon at ito ang pinakamalapit mula sa kinalalagyan ng doll shoes ni Aira. Kumalabog ang puso ko sa kaba at umaasang dito ko s'ya makikita.

"Kung gusto mo hintayin mo na lang ako dito."

Pumasok ako sa nayuping bahagi ng mga alambre at maingat na bumaba sa kabilang bahagi nito.

Maputik ang paligid kaya inilawan ko ang dadaan ko at nagulat ako ng makakita ako ng mga bakas ng paa. Duda akong may kadadaan lang dito dahil sariwa pa ang mga bakas ngunit nang titigan ko ang mga foot steps ay napansin kong may kakaiba.

"Bakit parang dalawang tao?" tanong ko sa sarili ko.

Maingat ngunit mabilis kong nilakad ang talahibang ito hanggang sa unti unti na akong nakarating sa mismong lugar. May kakaunting ilaw sa paligid at mula sa malayo ay may guwardiyang may dalang flash light at naglalakad.

Nagtago ako sa damuhan at hinintay s'yang lumayo papunta sa guard house. Ilang sandali pa ay dumaan ako sa isang mini foot bridge at sa dulo nito ay may duyang gawa sa goma na may nakaupong babae.

Madilim ang paligid ngunit malinaw sa paningin ko kung paano s'ya malamyang nakaupo roon habang ang kanyang mga palad ay tinatakpan ang kanyang mukha.

Hindi maalis ang mga mata ko sa kanya habang dahan dahan ko s'yang nilalapitan. Nanatili lang s'ya sa ganoong posisyon at nang lapatan s'ya ng liwanag ng buwan ay bumilis na ang kabog sa aking dibdib.

Natagpuan ko na ang hinahanap ko. Nasa harapan ko na ang mahal ko.
Lumuhod ako sa kanyang harapan at maingat na inalis ang kanyang mga palad na humaharang sa kanyang magandang mukha.

Gulat n'ya akong tiningnan at unti unti nang namuo ang mga luha sa kanyang mukha. Hinawi ko ang mga takas na buhok na kanyang mukha at mahinahong hinaplos ang kanyang malambot na pisngi.

"Nico...." at nang banggitin n'ya ang pangalan ko ay hindi ko na rin napigil ang pagluha ko. Kanina ko pa itong pinipilit na itinatago sa mga kasama ko at ngayon kusa na silang nagsilabas bunga ng labis na kasiyahan.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon