CHAPTER 9

873 61 15
                                    


Binuksan na ang pinto ng simbahan at naglakad na si Jackie sa red carpet habang kinakanta ni Scarlet ang Runaway. Masaya ako para sa kanya at ang wish ko sana genuine happiness and love and nararamdaman n'ya.

"We are gathered together to celebrate the very special love between Jackielyn McMillan and Cole Sebastian Sandoval, by joining them in marriage. With love and commitment, they have decided to live their lives together as husband and wife."

"The story of your life together is still yours to write. All those present have come to witness and celebrate your love and commitment this day- eager to be a part of your story not yet told."

Ang sweet nila. At sa sobrang sweet, nakakainggit. Unfair ba talaga ang love? Sa tinagal tagal kong naghahanap, hindi ako nakatagpo ng tulad ni Cole. I've been searching for a very long time for the right person to come pero walang dumadating. Is it really my fault? Or am I just not destined to anyone? Baka kapalaran kong maging matandang dalaga, walang anak at walang asawa. Sad life.

------

"You may now kiss the bride." sabi ng pari.

Akmang iaangat na ni Cole ang belo ni Jaja nang unahan s'ya nito at paulanan s'ya ng halik. Hamit na hamit. HAHAHA

My love story is not like the movies. Like, boy meets girl, falls in love with her, then leaves her pero babalik rin kasi narealize n'yang he's still inlove with her. Or vise versa. Palagi nalang one sided love ang drama ng buhay ko. Sana may dumating para magbago.

"Sophia's knight and shining armor?" tanong ko sa sarili ko nang makita yung guy na nakapulot kay Sophia sa parking lot ng resort na pinuntahan namin. Siguro isa s'ya sa mga pinsan ni Jackie na dumating kasama ng parents n'ya.

"Nice shot." pabulong n'yang sambit. Kinunan n'ya ako ng picture gamit ang kanyang camerang Nikkon.

Hindi s'ya isa sa mga abay sa kasal pero nakacostume din s'ya na parang Prince Charming. Siguro nga relative s'ya.

Pagkatapos ng kasal bumalik na kami sa hotel dahil dito ang reception ng kasal. Nasa unahan sina Cole at Jackie sa paligid ng maraming kalapati. As in totoong mga kalapati. Sa tabihan nila ay isang malaking white screen at projector at ipinalabas doon ang childhood memories nila pati narin 'yung elementary days, high school days at college days nila. Syempre kasali ako at si Paulo na si Ping na ngayon sa lahat ng events sa video presentation dahil schoolmates kami ever since nauna lang kami ni Jackie kay Ping ng 2 years pero same school.

"Jeje days." Pang aasar ni Ping nang magflash ang picture namin ni Jackie na nakapeace sign at yung mga buhok naming may bangs sa side. Nakakahiya.

Ilang sandali pa nagflash naman ang picture namin ni Tristan habang magkaakbay sa cafeteria ng school. Ang awkward kasi kaharapan naming dalawa si Ivy sa table at si Jackie naman nakaheart sign ang mga kamay.

Tumingin sa akin si Nico at Ping para abangan ang reaksyon ko pero ang sinabi ko lang naman ay "Ang ganda ko talaga since birth..."

The hell I care.

"Ano ba ang nakakamiss? Yung tao o yung memories?" tanong ni Nico.

"None of the above." sagot ko. Iniisip ba n'yang affected ako. Hindi no. Hindi talaga.

"I'm not talking about Tristan, just answer the question."

"Ahm, syempre yung tao. Kasi ang memories hindi na kailanman mawawala. Pero yung tao, pag nawala at nagbago, s'ya yung mamimiss ko." Sagot ko habang nakahalumbaba. Pero I'm not talking about my ex and my ex bestfriend. Sinagot ko lang yung tanong.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon