NICO'S POV
"Gago ka! Akala ko wala ka na!" sabi n'ya habang umiiyak.
Ano bang nangyari? Bakit s'ya umiiyak?
"Hindi ako mawawala. Never." sambit ko sa kanya habang inaamo ko s'ya.
"Alam mo bang nag alala ako sa'yo. Kanina pa kitang tinatawagan pero hindi kita macontact. Itapon mo na nga 'yang cellphone mo. Walang silbi!" galit n'yang sabi at hindi ko naman maintindihan ang dahilan.
"Ano bang nangyari?"
"Akala namin kinuha ka ng sirena. Bigla ka na lang nawala. Hindi ka man lang nagpaalam. Nakakainis ka talaga!" paulit ulit n'ya ako sinapak habang humahagulgol sa pag iyak.
"Sirena? Naniniwala ka sa sirena?" natatawa kong sabi.
Tumigil s'ya sa pag iyak at biglang natawa sa kahibangan n'ya.
"Oo nga no? Ano bang nangyayari sa kin?"
"Nagpaalam naman ako kay Jeremy. Sabi ko sa kanya hindi na ako makakasunod kasi tinatawag ako ni Kali."
"Sino si Kali?"
"Kali, short for Kalikasan. Tinawag ako ni Kalikasan ng paulit ulit. Sumama yung pakiramdam ng tiyan ko sa mga kinain ko kanina."
"Kali? Sabi kasi ni Jeremy, tinatawag ka ni Happy."
Concern naman pala s'ya. All this time akala ko wala s'yang pake sa akin.
"Ibig sabihin kanina kapa sa C.R? Grabe ha."
"Hindi. May interval naman. Naghahanap din kasi ako ng signal para sa portable TV ko. Last day na ng Forever and Ever eh. Favorite ko kaya 'yun." sabi ko habang umuupo sa damuhan.
"Ano bang bago kapag last day ng isang teleserye? For sure dadalhin ni Carmen si Angela sa bodega tapos hihingi ng ransom sa mga magulang n'ya. Pagkatapos dadating si Emil para iligtas s'ya. Then, matatapos ang Forever and Ever sa eksena ng kasal nila."
"Paano mo naman nalaman? Ikaw ba yung director?"
"Hindi. Pero palaging ganun sa teleserye. Yung tipong sumabog na yung kotse ng kontrabida pero buhay parin pala. Tapos may nawawalang anak na malalaman naman nilang inampon ng isang mahirap na pamilya. Paulit ulit lang naman. Atska bakit mo pa ba aabangan 'yan eh sa huli sila rin naman ang magkakatuluyan."
"Hindi no. Bakit si Jack at si Rose, hindi nagkatuluyan? Tapos si Kenji at si Athena, hindi rin naman Tsaka sina.."
"Sino?" tanong n'ya
"Ikaw at Ako..."
Umamin ako at hindi naman s'ya nabigla. Siguro nga alam naman talaga n'ya pero nagkukunwari lang s'ya.
"Nico, wala tayo sa teleserye. Real life 'to kaya maraming bagay na pwedeng hindi maging posible. Maraming bagay na malabo na talaga." mahina n'yang sabi.
"Basted na ba ako?" seryoso kong tanong.
Tumingin lang s'ya sa akin pero hindi n'ya ako sinagot.
"Kayo na ba?"
"Hindi pa, pero gusto ko s'ya."
Aray naman. Parang alam ko na ang sagot aa tanong ko kung basted ba ako. Masakit narin naman kaya isasagad ko na.
"Bakit hindi nalang ako? Bakit s'ya ang gusto mo? Bakit s'ya...?"
"Dahil hindi s'ya ikaw."
Aray uli. My first love broke my heart for the first time. Ganito pala ang pakiramdam ng mabasted.
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...