Dahil kinikilig ako at hindi makagetover sa aking "not so friendly date" kahapon, nagpost agad ako ng status sa Fb pagkagising ko.
"Queen Aira Dela Rosa--is feeling happy."
Wala pang dalawang minuto, naglike na ang aking kauna unahan at solid liker syempre walang iba kundi si Nico lang naman.
*kring kring kring*
"Hello Jian?... Napatawag ka, nagbreakfast kana ba?"
"Si Nico 'to. May gusto lang akong sabihin sa'yo."
Ngek. Magdamag kasi kaming magkausap ni Jian sa phone kagabi kaya nagexpect ako na s'ya yung tumawag this morning.
"Tungkol saan?" tanong ko.
"May reunion tayo, nagorganize si Tungsten. Kasama si Jackie so, dapat kasama karin."
"Okay, when and where?
"Next week sa Nueva Ecija... Bye!"
Seryoso? Ang layo naman. For sure less than ten lang ang aatend. Last year nag organize din si Tungsten ng reunion pero seven lang naman ang dumating out of 45.
Pagkatapos kong magbreakfast nagmadali akong magtooth brush dahil magcocommute pa ako. Palagi pa namang traffic sa Bauan kaya kailangan bilisan ko ang pagkilos.
"Sabay na tayo, mahirap magcommute ngayon umuulan."
Si Nico kaagad ang tumambad sa akin pagkalabas ko ng gate. May dala s'yang payong na si hello kitty ang design. Weird
"Sa'yo ba yan?" natatawa kong tanong.
"Kay Happy."
Ah. Kay Happy Masaya, pinsan n'ya. Schoolmate namin s'ya pero ahead kami sa kanya ng 4 years siguro nag debut na s'ya.
"Bakit ka pa tumawag kanina, susunduin mo naman pala ako. Sana ngayon mo nalang sinabi para hindi sayang load mo.."
"Gusto ko lang naman marinig ang boses mo... atsaka naka plan ako kaya okay lang."
Heto na naman tayo. "Excited nako sa reunion!" sabi ko para change topic.
"Ako rin...three days and two nights 'yun. Mabuti nalang weekends, last day ng foundation week.
"Hayyy, nakakamis tuloy pumasok sa school. Sa lahat ng event kasi paborito ko ang foundation week, may jail booth, horror booth blind date booth at kung ano ano pa!"
"Mabuti ka pa naenjoy mo, ako kasi palaging pari sa marriage booth kaya hindi ako makapagtry ng ibang booth."
"How sad, atleast hindi ka gumastos. Samantalang ako noon, nagbayad pa talaga ako para makadate si Tristan, tapos nung nasa Jail booth s'ya nagpahuli rin ako, tapos nagbayad din ako ng entrance fee sa horror booth kasi s'ya yung aswang dun."
"Ikaw talaga..." sabi n'ya habang ginigulo ang buhok ko.
After one hour nakarating narin ako sa office at sakto namang pumipirma si Steph sa logbook namin. Nagtataka siguro s'ya kung bakit maaga ako ngayon kasi palagi akong late.
"Haba ng hair..." panunukso n'ya.
Agad naman akong pumunta sa cubicle ko para ituloy ang storyng ginagawa ko. Nasa Chapter 11 na ako at wala pa ito sa kalahati ng goal ko. Sabi kasi ng boss ko dapat atleast 50 chapters ang gagawin ko at dahil masunurin naman ako tama na siguro ang 51.
KEN'S POV
Hindi ko na s'ya pwedeng ipaglaban. It's too late. Akala ko mahihintay pa nya ako, hindi ko naman kasi gustong iwan s'ya.
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...