CHAPTER 41

414 19 8
                                    

Dumiretso ako sa parlor right after kong ibigay kay Boss Richard ang resignation letter ko.

Actually last year ko pa nasabi sa kanyang gusto ko nang iwan ang writing pero binigay ko parin yung letter for formality. Close kasi kami.

"Edgy V-line Layers." sabi ko sa bading na parlorista.

"Bagay na bagay po yan sayo ma'am. For sure lalong maiinlove sa'yo ang boyfriend mo." kung may boyfriend lang sana pero wala na eh... Narinig ko lang sa friends ko noong high school na kapag gusto mong makamove on, magpagupit ka. Try lang, haha.

This year, gusto ko lang maging positive. Narealize ko na masyadong naging negative ang outlook ko last year at ito talaga ang dapat kong baguhin. Sana matuto na akong magpatawad, magtiwala at syempre magmahal muli...

I want to fall in love again but this time with no regrets.

Maikli lang buhay para masyadong bigyang pansin ang mga kabiguan. Kung may bago mang dadating sa buhay ko, thank you. Kung wala man, thank you parin...

"First day ng work pero late ka agad. Kanina ka pa naming hinihintay ni Jane." nag eexpect pa naman akong yung buhok ko ang una n'yang pupunahin. Three minutes palang naman akong late.

"Sorry, traffic lang...." opening ng bake shop ni Ping at Shawn kaya may work na agad ako.

Isinuot ko ang apron at nagsimulang magbake ng mga paunang orders ng mga kaibigan namin.

First love ko ang baking kaya kahit matagal na akong hindi nagbebake, hindi ko parin nakakalimutan kung paano gawin ito.

"Salamat Sir, come again..." wika ni Jane na todo ang pacute sa gwapo naming costumer.

"Bet mo?" tanong ko.

"Bet na bet... Kaso parang ikaw yung bet n'ya." nagkibit balikat s'ya at pasimpleng kinuha ang cupcake sa tray.

"Kumusta naman ang puso mo? Okay ka na ba? Hindi ka na ba nalulungkot?" tanong ni Ping.

"Hindi na... Marami pa naman akong makikilala, isa pa...hindi lang naman s'ya ang lalaki sa mundo." sabi ko sabay wave ng hair.

"True..atsaka sabi nga sa kanta, ang umasang magmahal muli s'yang magagawa. Wag hanapin ang pag ibig, ito'y darating sa'yo..."

"Wag hanapin? Eh si Nico nga nasa harap na n'ya pero pinansin ba n'ya?" pasinghal na sagot ni Ping. Dapat siguro pati s'ya magmove on na.

"Ping, si Nico ay may Erika na... Maging masaya ka na lang para sa kanya. Hanggang super friends lang talaga kami..."

"Yung totoo, kahit konti ba, hindi ka nagsisi na binasted mo si Nico?"

Wala namang masamang maging honest.

"Ahmmm... Five percent."

"Weh? Mamatey? Five percent lang? 'Pag hindi ka nagsabi ng totoo machuchugi ka..."

"Sige na nga... Siguro mga Ten percent." nag apir naman silang dalawa at tila ba naghaharlem shake na walang sound.

"Sayang... bakit kasi hindi nalang s'ya."wika ni Ping. Nagsibalik sila sa kani kanilang pwesto nang may grupo ng mga kabataan ang pumasok sa shop para bumili ng cupcakes.

"Gusto kong manuod ng mall show nina Darren at Katelyn... Bagay na bagay silang dalawa ano?" wika ng isang estudyante habang pinagmamasdan ang picture nina Darren at Katelyn sa phone n'ya.

Namimiss ko na ang dalawang 'yun, sa TV ko na lang kasi sila napapanood.

Mataas ang ratings ng show nila tapos dumarami narin ang endorsement nila. Speaking of endorsement, what if maging endorser sila ng bake shop? For sure, hindi nila ako matatanggihan.

NICO'S POV

"Pwede naman akong lumipat sa public school..." nakatanggap kami ng warning from Sir Abedes. Nakasulat kasi sa handbook ng school na bawal ang relationship sa mga nagtatrabaho dito.

"Nico... salamat. Pero hindi mo naman kailangang gawin 'yun. Alam ko kung gaano ka nagtatry at nag eeffort para umabot tayo sa level na ineexpect natin... Pero kahit kailan hindi magiging sapat ang mga 'yun kasi hanggang dito lang talaga tayo..."

"Pwede ko parin namang subukan..." nag uusap kaming dalawa sa faculty room nang biglang dumaan si Ms. Debbie kaya natigilan kami sa aming usapan... Pero agad rin naman s'yang lumabas nang makuha ang lesson plan n'ya sa kanyang table.

"Mahal mo pa ba s'ya?" tanong n'ya nang kami nalang dalawa ang nasa loob.

Hindi naman mawawala 'yun eh. Napasinghap ako nang hangin bago ko iconstruct sa isip ko ang tamang sagot sa tanong n'ya.

"I guess silence means yes. Suarez, gusto kita... Gusto palang kita. Eh kahit naman sinong lalaki pwede kong magustuhan. Pero ikaw, matagal mo s'yang minahal kaya impossibleng makalimutan mo na lang s'ya ng ganung kadali... baka nga hindi mo na s'ya makalimutan kahit kailan. Nung makasama ko kayong dalawa, nakita ko kung paano mo s'ya kausapin... kung paano mo s'ya tingnan... kahit kailan hindi ko nakita yun sa'yo pag ako ang kasama mo... Maging honest ka sa nararamdaman mo, kasi kahit kailan alam kong hindi magiging ako.." bumitaw s'ya sa pagkakahawak sa kamay ko at binigyan ako ng sinserong ngiti. Ang bait n'ya talaga.

"N-asaktan ba kita?"

Umiling iling s'ya. "Masyadong matindi ang pagkakaibigan natin kaya siguro ang pagiging more than friends masyado malayo nating marating. Bakit naman ako masasaktan? Inalagaan mo ako pati narin si Kim... Hindi ka pa nga nagkakagirlfriend pero gusto mo na agad maging daddy?" napahagikhik s'ya nang sabihin n'ya ang huli n'yang pangungusap.

"Wala naman kaming pag asa eh. Kahit naman wala na sila hindi parin n'ya ako magugustuhan..."

"Sinong may sabi? Mawawalan lang kayo ng pag asa kung wala ka nang gagawin... Yung totoo nadevelop kana ba sa akin?"

"Hindi pa...."

"See... wag mo nang pilitin ang sarili mo. Wag na nating piliting mafall sa isa't isa dahil kahit kailan hindi 'yun mangyayari..." tumayo s'ya sa kinauupuan n'ya at kinuha ang bag n'ya para umalis.

"Bakit ganyan ang mukha mo? Umayos ka nga! Ikaw na nga ang binibigyan ng chance para maging masaya pero nagdadalawang isip ka parin. Suarez, okay lang ako..." sabi n'ya kabang kinukurot ang pisngi ko.

Dumiresto ako ng bahay at naabutan kong kabababa lang ni Happy sa kotse ni Macky. Tapos na ang thesis n'ya pero magkasama parin sila?

"Happy, inuulit ko lang sa'yo ha. Bawal ka pang magkaboyfriend... Hindi pa pwede... Dadaan muna s'ya sa akin bago n'ya makuha ang makunat mong Oo." pagbabanta ko.

"Ano bang sinasabi mo, Kuya? Ako, magkakaboyfriend? Bakit may nanliligaw ba sa akin?" depensa n'ya.

"Nililinaw ko lang sa'yo... Masyadong complicated ang love para isabay mo sa pag aaral. Maniwala ka sa akin..."

"Wag ka nang excited, Kuya. Sino bang magkakagusto sa akin? Isang hamak na nerd, walang masyadong kaibigan,at may sariling world most of the time..."

"Si Macky...."

"Seriously? Umaasa kang magugustuhan ako nun!? Hindi ako type ni Macky, wala s'yang ibang intensyon kundi asarin ako araw araw at sabihan ng mga walang kwenta n'yang naiisip. Chill ka lang kuya... chill."

"Lalaki ako, alam kong may gusto 'yun sa'yo."

Nanginginig ang panga n'ya na tila ba pinipilit itago ang nagbabadya n'yang ngiti. "Push mo yan, Kuya..." inirapan nalang n'ya ako at muling ibinalik ang atensyon sa pinapanood n'ya.

Change is coming. Bawal na ang may lovelife.

-----------------

NP: In Love Again by Colbie Caillat.

A/N.

Magbabago na nga ba si Ai? Magiging matalino na kaya s'ya sa pag ibig?

Hindi naman pala naging si Nico at si Erika, ibig sabihin ba nito susubukan n'ya uling suyuin si Aira?

Change is coming sabi ni Nico kaya bawal na daw ang may lovelife? Paano na si Happy at si Macky?

Vote. Comment. Recommend.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon