AIRA'S POV
Merry Christmas...
Should I tell them? Not now. I don't want to spoil their day. Ayokong itry nilang hindi masyadong magsaya dahil lang malungkot ako at isa pa it's the Lord's day, I should be happy.
Tumawag si Mom and Dad kaninang 4am to greet me. Hindi muna sana ako lalabas ng kwarto pagkatapos ng tawag na iyon pero sina Lola at Ping pinilit akong bumangon.
"Anong kayang gift sa'yo ni Jian?" wika ni Ping habang binubuksan ang regalo sa kanya ni Shawn.
"Pinya." PINYA-iyak PINYA-asa.
"Talaga? Ibang klase na talaga magmahal ang mga boys nowadays. Look oh, si Shawn puto ang regalo."
Pupuntahan ko ba s'ya? Hayst, heto na naman ako at nagbabakasakali. Sabi nga diba, give love on Christmas day.
Naligo na ako at nag ayos ng sarili, pagkatapos ay pinuntahan ko s'ya sa bahay nila.
"Manang si Jian po?" tanong ko sa yaya nilang nagbubukas ng gate.
"Kaaalis lang n'ya. Sayang hindi mo naabutan." aniya
Ilang sandali pa may dumaang kotse sa gate at ang sosyaling mama ni Jian ang sakay.
May kinalaman kaya s'ya sa nangyayari sa amin? Ganito sa mga teleserye eh. Kasi hanggang ngayon hindi parin ako naniniwalang hindi talaga ako mahal ni Jian. Impossible.
"Good morning, hija. Hindi pa ba kayo late sa flight n'yo?" lumabas ang mom n'ya sa kotse at nilapitan ako.
Flight?
"Saan po pupunta si Jian? Bakit po s'ya aalis?" muli na namang nangingilid ang luha sa aking mga mata. Aalis nga talaga s'ya.
"Hindi mo alam?" mahinahon n'yang sabi. "Akala ko ikaw ang kasama n'ya."
"Tita wala na po kami." at hindi ko na nga napigil ang aking emosyon.
Hinawakan ng mom n'ya ang kamay ko at hinaplos ito. "Sorry to hear that, sana maayos n'yo kung ano man ang problema n'yo." aniya.
May tumawag sa kanyang telepono at matapos ay nagpaalam na s'yang aalis. Siguro may acting workshop sa pamilya nila. Masyado silang magaling amacting lalo na 'tong nanay n'ya.
Sumakay ako ng taxi para puntahan si Phil sa studio nila. Baka sakaling may alam s'ya kung mayroon na nga bang iba at kung bakit aalis si Jian.
"Tara na, okay na ba lahat ng dala mo? Sa tingin mo ba wala kang naiwan?" tanong ni Joyce na kakakalas lang ng pagkakayakap sa kanya.
Ako. Ako yung naiwan.
"For sure wala. Ikaw ang nag ayos ng gamit ko kaya sure akong wala akong maiiwan."
So si Joyce pala? S'ya pala yung sinasabi n'yang mahal n'ya.
Masyado nang mabigat ang dibdib ko sa eksenang ito kaya dapat na akong umalis.
*crack*
Nakuha ko ang atensyon nila nang di ko sinasadyang masagi ang paso sa aking paanan.
Tumakbo na ako palayo. Nakakahiya 'yun, bobo na nga sa pag ibig tapos lampa pa.
Nang makalayo ako binilisan ko ang pagkalad pero napansin kong may humahabol sa akin. Mag eexplain ba s'ya?
Lumingon ako at nabigo. Si Phil ang nasa likod ko.
"Alam ko na, gets ko na... Pakisabi nalang sa kanya Bon Voyage."
"Pinabibigay n'ya." iniabot n'ya sa akin ang pendant ko. Nasa kanya pala ito.
"Sige salamat." matapos ay tuluyan na akong lumayo.
BETTINA'S POV
Hindi ko na maintindihan ang anak ko. Nagsimula lang naman lahat nang maghiwalay kami ng Dad n'ya, palagi n'yang iniisip na ako ang kontrabida sa buhay n'ya. Sinikap kong maging mabuting ina pero hindi n'ya yun makita.
Gusto ko s'yang ipush sa business kasi alam kong ang pagiging wala n'yang pangarap ang reason kung bakit sila naghiwalay ni Yan. Pero muli n'yang pinagpilitan ang dancing.
Naisip kong hindi naman siguro masama kung magiging sila ni Joyce dahil alam kong s'ya ang first love n'ya at inisip na baka kung sino lang itong si Aira pero mali ako.
Mahal ni Aira si Jian at mahal ni Jian si Aira. Pero bakit aalis s'ya? I told him na I'm calling the wedding off dahil malaya na s'ya sa gusto n'ya pero ngayon wala na sila.
Ilang araw narin s'yang walang kibo at tila walang gana. Ano bang problema n'ya?
NICO'S POV
"Merry Christmas sa ating lahat at syempre congratulations sa dalawa nating kaibigan na magiging mommy at daddy na!" nandito kami ngayong lahat sa park para magcelebrate ng Pasko.
Kumpleto ang barkada and actually may dagdag pa. Yung lola ni Aira, si Ping at si Shawn pati narin si Steph at Happy.
"Ninong at ninang kaming lahat ha!" sigaw ni Jane habang nag iihaw ng barbeque.
"Sure." sagot ni Jackie.
Feeling ko napakakomplikado ng pagbubuntis ni Jackie kasi kasal parin s'ya kay Cole. Pero despite of that blessing parin naman ang baby na yun kaya dapat paring maging masaya.
Speaking of masaya parang may isang mukhang malungkot at s'ya si Aira.
Sinundan ko s'ya sa tapat ng fountain at napansing palihim na umiiyak. Kahapon lang nang mapanood ko s'ya sa TV malungkot na s'ya at mangiyak ngiyak pero ngayon malungkot parin s'ya at totoong umiiyak na nga.
"Kumusta, nang huling beses kitang makita malungkot ka. Hanggang ngayon ba naman malungkot ka pa rin?"
"Hindi ko na kasi alam kung paano maging masaya eh. Naniwala ako na s'ya na. Akala ko kami talaga para sa isa't isa, pero mali na naman ako. Mali na naman ako---" sabi n'ya gamit rin ang linyang isinagot n'ya sa taping. Natatandaan parin pala n'ya.
Pinunasan ko ang mga luha sa kanyang mga mata. Ang ibig ba n'yang sabihin ay wala na sila?
"Hindi mo deserve masaktan, hindi mo s'ya dapat iniiyakan."
"Bakit ganun, Nico? Bakit nagawa n'ya akong lokohin? Bakit nagawa n'ya akong saktan? Minahal ko naman s'ya ah, pero bakit nagawa n'ya yun?" gago 'yun ah. Sasaktan n'ya lang pala si Aira.
"Kasi tao lang s'ya." Kalma. Tama, tao lang s'ya.
"Hindi ko parin maintindihan." inilabas n'ya na ang kanyang nararamdaman. Dati rati lang sobrang saya n'ya dahil sa lalaking 'yun pero ngayon para s'yang namatayan. Bakit kaya? Akala ko pa naman seryoso si Jian sa kanya.
"Kung bakit ka n'ya niloko, hindi ko alam. Pero nangyayari talaga 'yun eh. Baka may iba s'yang dahilan kung bakit n'ya nagawa pero tulad ng sabi ko tao lang rin s'ya. Ikaw ba naitanong mo sa sarili mo kung bakit mo nagawang magpanggap na hindi mo alam na mahal kita kahit obvious naman diba? Kasi tao ka lang rin." malumanay kong sabi. Hinahawi ko ang kanyang likuran para amuin s'ya sa pag iyak.
"Nanghihinayang lang ako. Mahal ko kasi talaga s'ya."
"Wag mo na s'yang isipin. Makakamove on ka rin. Ako nga eh, matagal kitang minahal pero heto ako ngayon nakamove on na. Kasi tanggap ko na."
"Hindi mo na pala ako mahal, congratulations." binigyan n'ya ako ng malapad na ngiti. Totoong ngiti.
"Mahal parin. Hindi naman mawawala yun eh. Nabawasan nga lang... siguro ganun talaga pag dinededma. Ngayon hindi na ako nasasaktan...Kaya ikaw, dedmahin mo nalang, wala namang mangyayari kung iiyak ka, bakit s'ya ba iniiyakan ka?"
Pinahid n'ya ang mga luha n'ya at huminga ng malalim. "Tara na?" sabi n'ya habang hinahila ako pabalik sa grupo.
Nakangiti s'ya na parang walang nangyari at nakisaya sa lahat. Sana maging okay na talaga s'ya.
#KungAkoNalangSana.
Pero hindi eh.
-------------
Vomment :)
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...