CHAPTER 74

459 7 0
                                    

NICO'S POV

I am squinting my eyes as I look into the necktie that doesn't seem to cooperate with my hands as I tie them into perfection. Kung bakit ba kasi ang hirap ilagay nito gayong nagresearch na akong maigi sa Youtube nung isang araw kung paano ikabit ito.

"Ugh! Nakakainis! Stupid necktie!" sigaw ko. Napabuntong hininga ako sa frustration para mailagay ang necktie na ito nang dumating si Macky.

"Oh anong problema mo? You're supposed to look happy. Ano nagbabago na na ang isip mo na magpatali ng maaga?" he asked teasingly to me.

I glare at him. "You know you're being funny but it's not helping at the moment."

"Bakit naman?" humahalakhak parin s'ya sa kabila nang pagkainis ko.

"Look at this tie! It won't tie!!!" sabi ko sa kanya with the hint of frustration visible in my voice.

"I know dude. That's why I got you this." sabi n'ya sabay hagis ng isang maliit na box sa akin.

"Ano 'to!?" sabi ko habang binubuksan ang maliit na kahon at nakita ang isang kulay puti na bowtie. "Thank you, dude..."

"I know right. I'm a lifesaver. Alam ko namang hindi ka marunong magtali ng necktie no."

"Tara na? The altar's waiting for you."

"And the aisle's waiting for Aira..."  Tinapik n'ya ang aking likod senyales na pupunta na kaming simbahan. This is it.

Nakapwesto na kaming lahat ng mga kaibigan ko at tanging ang mga batang naglalaro at umiikot na lang sa simbahan ang nakakalat. Everything is perfect from the church, from the red rose petals na sa sobrang kapal at dami ay nagsilbing red carpet para sa pagdaan ng pinakaperfect na babaeng nakilala ko sa buong buhay ko.

Sarado pa ang pintuan ng simbahan at maya maya pa'y narinig ko na ang tugtog ng piano hudyat na malapit na malapit na malapit nang simulan ang seremonyang ito.

Unti unting nagbukas ang pinto at halos hindi na ako makahinga sa kaba. Siniko ako ni Jeremy at bumulong sa akin, "Last chance to run, dude." aniya.

"There's no way in hell I'm gonna run, dude." sabi ko habang nakafocus ang aking mata sa pintuan at halos blurred na lang ang iba habang hinhintay ang pagpasok n'ya.

Nakapasok na ang lahat nang walang Airang dumarating. Nagsimula na ring magbulungan ang mga tao sa paligid ko. Tumingin ako sa mga kaibigan ni Aira na may mga matang nagtatanong at tila wala ding ideya.

Tumayo si Ivy at tumakbo sa labas ng simbahan. Kinakabahan ako kaya tumakbo narin ako.

AIRA'S POV

Sa lahat ng pwedeng araw na mamalasin ako bakit kailangang sa araw pa ng kasal ko? Panay ang hila ko sa aking gown na naipit sa pinto ng sasakyan. Halos maluha luha na ako pero naisip ko ang mascara ko. Hindi ata ito waterproof.

Napatingin ako sa lumalapit at worried na si Ivy at sa likod n'ya ay ang pawis na pawis na si Nico. "What happened to you? What's taking you so long?" worried na tanong ni Ivy.

Nangingilid na ang luha ko habang tuloy parin ang paghila ko sa naipit kong gown. Hindi na ako nagsalita at nang makita n'ya ito'y alam n'ya na kung bakit.

Napaface palm s'ya at bahagyang napangiti habang umiiling sa akin. "Try mo kayang buksan? The handle's here oh! You're ruining your gown!"

"Okay ka lang ba? Nagbago na ba ang isip mo? Wag naman oh!" napapraning na tanong ni Nico. Sa tingin ko ay pareho kami ng nararamdaman. Praning na rin ako.

"Wedding jitters." halakhak ni Ivy. Naisip ko tuloy na nasira namin ang eksena. Hindi ba dapat surprise na makikita n'ya ako pero heto ako parang tangang nagpapanic over little things.

Napansin kong naramdaman ni Nico ang hiya at pag aalala sa aking mukha kaya naman hinawakan n'ya ang aking kamay at inalalayan ako sa pag akyat sa hagdan. "Sabay na tayo." kumindat s'ya and I frown at his idea.

"No... You're suppose to wait for me down the aisle. Let's not break the tradition." Natanaw ko ang simbahan at nagtinginan na ang mga bisita sa diskusyon namin.

"Pangarap ko rin kayang maglakad sa altar..." paloko n'yang sabi. Inilahad n'ya sa akin ang kanyang braso at nag aalinlangang sundin ang kanyang plano.

Bumitaw ako nang maisip na hindi dapat ganito. "No. You wait for me there."

"I already broke the tradition when I ran out to look for you. So let's break it even further. After all it's our wedding day. Tayo ang batas." matikas n'yang saad sabay flex ng kanyang braso.

Napangiti na lang ako sa gusto n'ya at masayang nakipagholding hands sa kanya habang naglalakad sa altar. Bakas sa mukha ng marami ang pagtataka at ang ilan naman ay natatawa na lang.

"Akala ko hindi na kayo makakarating." pabirong sabi ng pari.

"No, Father. Sa sobrang dami naming napagdaanan hindi pwedeng hindi kami makakarating." ani Nico.

Sinimulan na ang pagkakasal sa aming dalawa at hindi mapawi pawi ang ngiti sa aming mga labi habang ginagawa ang seremonya.

"Do you take this woman as your----."

"Yes, Father I do." kumunot ang noo ng pari kay Nico at umiiling na nakangiti sa akin.

"Excited??? Patapusin mo muna ako. Maikli lang 'to." sabi ng kwelang pari. Nagtawanan ang mga bisita at nagpatuloy naman si Father sa tanong n'ya. "Yes, Father I do." muling sagot ni Nico.

"Yes, Father I do." sagot ko rin naman nang ako ang tinanong.

Mariin ang pagkakahawak namin sa kamay ng isa't isa habang ninanamnam ang mga sandaling ito. Habang papatapos na ang ceremony ay nararamdaman ko na ang pagtulo ng luha sa aking mga mata at nang lumingon ako sa aking mga magulang ay ganoon din sila.

"You may now...." dahan dahang sabi ng pari. Nakahawak si Nico sa belong nakaharang sa aking mukha at inaabangan ang hudyat ni Father.

"You may now...." pag uulit n'ya at mas binagalan pa... "kiss....." natatawa kami ni Nico sa trip ng paring ito hindi na ako makapaghintay. "t-the...." hayy pasuspense. Tagal naman!

"You may now kiss the bride." masiglang utos ng pari.

Itinaas ko ang aking belo para sa kanya at ako na mismo ang nagkusang humalik sa nasasabik n'yang mga labi. I cupped his face and kissed him deeply ang passionately. Nagsigawan ang mga tao sa simbahan at nagulat naman si Father sa aking ginawa.

Naputol ang aming mga halik at tinitigan ko s'ya sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay nagbaling ako ng tingin sa aming mga kaibigang panay ang kantyaw pero hindi rin ito nagtagal at binawi ako ni Nico para muling paulanan ng halik. "Wooowwww. Conservativeeeee." pabirong sabi ng pari.

"Sige na... humayo kayo at magpakarami." lumapit ang photographer para kunan kami ng litrato. Nakawacky kaming nagpapicture nina Father at pagkatapos ay nagtakbuhan na ang mga kaibigan namin sa altar para makisali.

Magkahawak kamay kaming lumabas ng simbahan matapos ang mahabang paglilitratuhan. Dumiretso kami sa aming wedding car at naabutan namin ang driver na hindi pa handa sa pagdating naming dalawa.

Hinalikan ulit ako ni Nico sa harap ng driver natigil lang kami sa pagtikhim niya bago nagtanong. " To reception or to haneymoon...?"

"Honeymoon...!!!" "Reception...!!!" sabay naming sagot kahit magkaiba.

"Nico, reception muna..." mariin kong sabi.

"We're breaking the rules right!? Bukas na yung reception..." aniya.

Pinaandar ng driver ang makina ng sasakyan at nakita namin si Jeremy hinihingal na sinundan kami sa may hagdanan. "Hoy! Sayang yung petals nung mga flower girls! Take two bumalik kayo sa pinto." Kumaway lang sa kanya sa Nico at sinenyasan ang driver para umalis na.

"Honeymoon, Mr. Driver!" desididong sabi ni Nico.

"Reception...!!!" mariin ding sabi ko.

"Sir, gutom na ako reception na lang." natatawang sabing driver habang hinahaplos ang kanyang tiyan.

#NLTMMrAndMrsSuarez

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon